Ronald Singson decided to resign even before he was sentenced, says Gov. Chavit Singson

IMAGE 0


"Even before, sinabi ko na kay Speaker Belmonte, alam na niya na magre-resign. Hindi lang namin masabi na talagang magre-resign dahil hindi pa tapos ang kaso, e. Ang mabigat lang, yung mga congressman na iba, sila na yung... Tinatanggal na bago pa lang mag-decide yung judge. Yun ang ayaw naming mangyari," says Gov. Chavit Singson (left) about the resignation of his son Ronald Singson (right) as congressman of Ilocos Sur.


Sigurado na ang pagbaba sa posisyon ni Ronald Singson bilang congressman ng Ilocos Sur pagkatapos siyang masentensiyahan ng isang taon at anim na buwang pagkakakulong dahil sa drug trafficking sa Hong Kong. (CLICK HERE to read related sotry.)

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ama ni Ronald na si Ilocos Sur Governor Chavit Singson noong Linggo, March 6, pagkatapos ng live appearance niya sa showbiz talk ng TV5 na Paparazzi.

Inaasahan na raw ni Governor Singson ang pagbaba sa puwesto ng anak bago pa man ito nahatulan.

"Yung pagre-resign niya, usapan pa namin noong araw. Hindi lang namin masabi sa public kaya 'kako nga antayin na lang. So, usapan namin talagang magre-resign.

"Ang kalagayan niya ngayon, personally ako, hindi ko pa madalaw kasi pagka-sentensiya sa kanya, hindi na namin nakita. Kinuha siya sa kulungan.

"Sumisigaw nga yung anak niya. Maski yung anak niya, hindi na niya nahawakan.

"And istrikto sila doon dahil dalawang beses lang sa isang buwan ang allowed...tatlo lang 'ata. Halimbawa, sampu kami, hindi na puwede, next month na yung iba. So, gano'n kaistrikto," paglalarawan ng gobernador sa magiging kalagayan ng anak niya sa kulungan.

Allowed ba na matawagan nila si Ronald sa kulungan, o kaya ay siya mismo ang tumawag sa kanyang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas?

"Ay, hindi puwede. Hindi gaya dito. Walang telepono doon," sagot niya.

May ipinaabot bang mensahe si Ronald sa kanya bago ito nasentensiyahan?

"Yun nga, e, wala na kaming panahong mag-usap dahil pinutol na agad. Anyway, before that, alam na namin kasi na mahahatulan dahil umamin kaagad.

"Yun kasi ang lusot niya, e. Kung hindi siya umamin, mas mabigat, five [years] to life, sabi nga nila. Ayaw nga naming tumagal."

RESIGNATION LETTER. Ayon pa kay Gov. Chavit, siya raw mismo ang nagbigay ng resolution letter kay House Speaker Sonny Belmonte para sa resignation ng kanyang anak. Pero bago ito ay naipaabot na ni Gov. Chavit kay Speaker Belmonte ang advice niyang magre-resign na si Ronald bilang kongresista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, yes, even before, sinabi ko na kay Speaker Belmonte, alam na niya na magre-resign. Hindi lang namin masabi na talagang magre-resign dahil hindi pa tapos ang kaso, e.

"Ang mabigat lang, yung mga congressman na iba, sila na yung... Tinatanggal na bago pa lang mag-decide yung judge. Yun ang ayaw naming mangyari.

"Kako lang kay Speaker Belmonte, 'Magre-resign. Kaya lang hindi natin puwedeng sabihin.'"

Hindi pa sigurado, pero nakaabot na raw kay Gov. Chavit ang pagkakaroon ng special session sa Kamara para sa resignation ni Ronald.

"Yun ang nababalitaan ko na magkakaroon daw kaagad ng special session para hindi na caretaker. As of now, caretaker lang ang namamahala sa distrito ni Congressman Ronald," banggit ng gobernador.

Wala pa bang ina-assign si Speaker Belmonte na kapalit ni Ronald?

"Wala pa. Siguro yung mga empleyado na lang doon sa opisina ni Congressman Ronald," sabi ni Gov. Chavit.

Wala pa raw maeendorsong papalit kay Ronald si Cong. Chavit dahil gusto muna niyang kausapin ang mga leader sa kanilang lugar.

"Wala pa. Hindi pa namin na-decide yun dahil hindi ko nakakausap ang mga leader sa Ilocos Sur. Kailangan, kahit may gusto ako, kailangang ipaalam ko muna sa mga provincial leaders, municipal leaders, barangay leaders... Lahat ng leader sa Ilocos Sur, makuha ko ang mga gusto nila at yun, susuportahan naming lahat," saad ni Chavit Singson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN