Gerald Anderson comments on Simon Atkins's interest in Kim Chiu

IMAGE 0


"Kim Chiu siya, e. She's very beautiful, mabait. Kung sino man ang maging boyfriend or ka-date, napakasuwerte ng lalaking iyon," says Gerald Anderson about Green Archer player Simon Atkins's twitter message to his former onscreen partner Kim Chiu.


Hindi pa raw nakakabili ng regalo para sa kanyang sarili si Gerald Anderson ngayong kaarawan niya. Pero kung tatanungin siya, itinuturing niyang pinakamagandang regalo ang massage chair na kanyang natanggap mula kay Kim Chiu.

Ngayong araw, March 7, ang mismong kaarawan ni Gerald. He is now 22 years old.

Sa birthday press conference na inihanda ng Star Magic para kay Gerald kaninang hapon, Marso 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, inamin ng young actor na nananatili pa ring maganda ang samahan nila ng kanyang longtime onscreen partner. Ito ay sa kabila ng mga kontrobersiyang naganap sa pagitan nilang dalawa noong nakaraang taon.

Matatandaan na naging emosyunal ang dalawa sa press conference ng kanilang huling pelikula, Till My Heartaches End, dahil diumano sa death threats na natatanggap ni Gerald at ng kanyang pamilya kasunod ng pagkaka-link niya kay Bea Alonzo. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Gerald, "Siyempre, kahit friends, mag-asawa or girlfriend, marami kayong pagdadaanan na mga gano'n. But ang pinakaimportante at the end of the day, okay pa rin kayo at magiging okay kayo."

Hindi rin daw nila hinayaan pareho na makaapekto ang mga isyu na tulad nito sa kanilang pagkakaibigan, na nagsimula pa noong magkasama sila sa Pinoy Big Brother house noong 2006.

"Malalim kasi ang pinagdaanan namin, pinagsamahan namin ni Kim," sabi ni Gerald. "Marami kaming projects na magkasama. Four years, lagi kaming magkasama. So, 'yon talagang pinagsamahan namin, hindi talaga siya mababaw. Malalim siya talaga."

Siniguro rin ng matinee idol na kahit hindi na sila ni Kim ang magkatambal ngayon sa telebisyon at sa pelikula, mananatili pa rin ang magandang pagsasamahang nasimulan nila.

Aniya, "Imposible na mabuwag ang friendship namin dahil hindi lang kami magkasama sa proyekto and hindi na kami loveteam."

"MARAMI TALAGA ANG MANLILIGAW SA KANYA." Hindi naman kaila kay Gerald ang balitang lumabas kamakailan tungkol sa intensiyon ng De La Salle Green Archers basketball player na si Simon Atkins na makilala si Kim. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang hingin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang opinyon ni Gerald tungkol dito, napangiti lamang siya.

Para kay Gerald, hindi lamang si Simon ang magkakaroon ng interes na makilala ang kanyang dating onscreen partner at rumored ex-girlfriend.

Sabi niya, "Magandang babae si Kim. Kumbaga, marami talaga ang manliligaw sa kanya. Liligawan talaga siya ng mga lalaki na...

"Kasi, Kim Chiu siya, e. She's very beautiful, mabait. Kung sino man ang maging boyfriend or ka-date, napakasuwerte ng lalaking 'yon."

Paano kung sakaling magpaalam sa kanya si Simon, ano naman ang kanyang masasabi?

Umiling lamang si Gerald at sinabing, "Alam naman nating lahat na hindi mangyayari 'yon. I mean, di ba, bakit pa dadaan sa akin 'yon, e, hindi naman ako ang boyfriend? Wala naman akong karapatan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN