Gerald Anderson on possibly falling for new leading lady Sarah Geronimo: "We'll see."

IMAGE 0


Marami pa po akong gustong ma-experience. Gusto kong mag-travel. Gusto ko mas maraming projects, meet more people. Marami pa po akong gustong gawin," says Gerald Anderson.


Ngayong araw, March 7, ay nagdiriwang ng kanyang 22nd birthday ang young actor na si Gerald Anderson. Pero kahapon, March 6, ay nagkaroon siya ng advance birthday celebration sa The Buzz.

Si Gerald din ang sumalang sa "The Abunda Challenge" segment ng host ng programa na si Boy Abunda.

CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE. Ang unang tanong ni Boy kay Gerald ay kung ano ang "craziest thing" na nagawa ni Gerald because of love?

"The craziest thing I did for love? Wow! Puwede sa nanay?" natatawang tanong ni Gerald, na sinagot naman ni Boy na dapat ay "romantic love."

Kaya ikinuwento na ni Gerald ang "craziest thing" na ginawa niya for love.

"Okay, sige, 15 years old po ako, championship [basketball] game namin sa Gen San. Yung crush ko, nasa stand, nanonood siya sa audience. Tapos, bumili kasi ako ng flower, nandoon sa ilalim ng bench. Sa harap ng marami, championship game namin, umakyat ako sa taas at ibinigay ko sa kanya, sa harapan ng mga tao. Pero crush lang naman yun."

Sa Catch Me, I'm In Love, karibal niya si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo. Sa totoong buhay, ano ang masasabi ni Gerald na lamang niya kay Matteo?

"Sa totoong buhay? Ewan ko...Matteo is a good guy. Guwapo ko, e! Joke lang!" natatawa niyang bawi.

"Nasa likod si Matteo. Joke lang, ha!"

One year from now, after nilang gawin ni Sarah ang movie, ano ang nakikita ni Gerald na posibleng maging ugnayan nila ni Sarah?

"Sana tuloy-tuloy ang friendship namin kasi sobra na kaming nagiging close dito sa movie. Kahit sa pamilya niya, si Mommy Divine, si Daddy [Delfin]. Tawag ko nga kay Daddy, 'action star.' Kasi, mukha siyang action star.

"Sana magkasama kami sa isang show. Sana tuloy-tuloy ang friendship. "

Natawa naman si Gerald nang banggitin sa kanya ni Boy ang isang interview ni Sarah kung saan sinabi nito na sana raw, ang susunod na lalaki sa kanyang buhay ay manligaw muna sa kanyang ina. Yun ba ang ginagawa ni Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napatayo si Gerald at tila nag-blush.

Pero aniya, "Hindi naman po. Close naman po kaming lahat."

May chance kaya kahit katiting na magkaroon sila ng romantic relationship ni Sarah, a year from now?

"We'll see," sagot ni Gerald. "Ang tawag nga namin sa movie, kilig-experience, e."

RATING GERALD, COCO, & JAKE. Sa ikalawang challenge question ni Boy kay Gerald: Sino sa kanilang tatlo nina Coco Martin at Jake Cuenca ang pinakamahusay na artista? Nagkasama ang tatlong young actors sa primetime soap na Tayong Dalawa.

"Honestly? Humble naman ako, e... Para kaming magkapatid, lalo na kapag magkakasama kami sa set. Iba-iba ang style namin. I'm just really excited. Sana magkasama-sama kami ulit. Sobra kaming kumportable.

"Si Jake, kaedad ko lang, para kaming magkapatid. Si Coco, parang tito ko lang!" sabi ni Gerald sabay tawa.

"Sorry, nasa backstage din siya. Minsan Lang Kitang Iibigin. Bukas na po, sa Primetime Bida," pagpu-promote niya sa teleserye ni Coco bilang pambawi.

But Boy insisted that Gerald answer the question.

Ayon kay Gerald, "I think, Coco is No. 1. Number 2 si Jake, and I'm No. 3. Pero sa mukha, puwede kong i-rate?"

Pinayagan naman siya ni Boy.

"Gerald Anderson, No. 1. Gerald Anderson, No. 2, Gerald Anderson, No. 3!" natatawang sabi ng binata.

FALLING IN LOVE. Ngayong birthday ni Gerald, ano ang pipiliin niya—isang bagong proyekto o isang special someone?

"Puwedeng sabay? Birthday ko naman..." sambit niya.

Ano pa ang kulang sa buhay ni Gerald ngayong 22 years old na siya?

"Marami pa po... Marami pa po akong gustong ma-experience. Gusto kong mag-travel. Gusto ko mas maraming projects, meet more people. Marami pa po akong gustong gawin."

At the age of 30 to 32 pa raw ang ideal age ni Gerald for marriage.

In love ba siya ngayon?

"Sa ngayon, I'm in love? Yes, I am... Hindi, I'm in love with work. I'm in love with movie. I'm in love with mga proyektong gagawin ko," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inulit ni Boy ang tanong kay Gerald kung in love ba siya with a girl now?

"As much as gusto kong sagutin na yes, sa ngayon, I'll wait for the right time. Kapag nandiyan siya, we'll see. Pero sa ngayon, no... Kinakabahan ako sa mga question!" tawa niya.

Is it a yes, no, or he'd rather keep quiet?

"There's nothing to keep quiet. Sa ngayon, no po," sagot ni Gerald.

Is he ready to fall in love?

"Yes, I am."

"Catch me, I'm in love." Kanino niya ito sasabihin?

"Sa ngayon, hindi pa po ako in love, e," aniya.

Who is Gerald's greatest romantic love?

"My greatest love? Bukas magtu-22 pa lang ako. Yung greatest love, masyado pang malalim yun," sabi niya.

Romantic love?

"First love? Siyempre po si Kim [Chiu]. Kim is my first love," sagot ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN