Azkals gets P500,000 share from TV coverage of Bacolod game

IMAGE 0


"Ang hirap kasi sa time sa training field, di ba? So, paano kami magiging magaling kung wala kaming practice game? Yun ang pinakaunang problema sa Philippine football is training field na maganda. Yung stadium, mahirap na maglaro na dito, dito, doon, doon, diyan, diyan... So, parang jump nang jump. So, ang hirap. So dati, training kami dito, after a week, wala na naman. So, paano kami magiging successful?" says Emilio "Chiefy" Caligdong about the la


Nakatanggap ang Azkals ng monetary share sa TV coverage ng isang network para sa qualifying match nila laban sa Mongolia noong February 9 sa Bacolod City.

Ayon sa report ng Manila Bulletin kahapon, March 7, P500,000 ang kabuuang halaga na natanggap ng team.

Ang nasabing nahalaga ay bahagi ng deal sa pagitan ng Philippine Football Federation (PFF) at ng ABS-CBN. Ito ay bayad para sa broadcast rights na ibinigay sa Studio 23 ng Kapamilya network.

Ayon sa agreement ay makakatanggap ang Azkals ng fixed amount na P500,000 sa mga laro nila sa AFC Challenge Cup laban sa international teams saan man dito sa Pilipinas. Ngunit kung ang laban ay sa labas ng bansa gaganapin, kalahati lamang ng P500,000 ang makukuha ng team.

Ito ang mangyayari sa nalalapit na laro ng Azkals sa March 15 para sa second leg ng game nila kontra Mongolia na gaganapin sa Ulan Bator, Mongolia.

Ang perang makukuha mula sa TV coverage ay diretsong pupunta sa mga miyembro ng Azkals at sa coaching staff nito, hindi tulad ng P80 million at P21 million na 10-year pledge ng Smart at Air21 na gagamitin ng PFF sa iba nitong mga programa.

NO SUPPORT. Sa panayam ng PEP sa team co-captain na si Emilio "Chiefy" Caligdong kamakailan sa Baguio City ay nabanggit niya na wala silang natatanggap na suporta mula sa gobyerno.

"Wala, since 2004, nag-start kami sa Tiger Cup pa nun. Wala kaming kinukuhang support even sa PSC [Philippine Sports Commission]. It's personal na gastos, parang ganun. Transportation...lahat-lahat.

"Ang hirap kasi sa time sa training field, di ba? So, paano kami magiging magaling kung wala kaming practice game? Yun ang pinakaunang problema sa Philippine football is training field na maganda. Yung stadium, mahirap na maglaro na dito, dito, doon, doon, diyan, diyan... So, parang jump nang jump. So, ang hirap. So dati, training kami dito, after a week, wala na naman. So, paano kami magiging successful?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Chiefy ang nangyari nang manalo ang Azkals sa Tiger Cup noong 2004.

"Kahit na nung nanalo kami ng first time against East Timor sa Tiger Cup, kahit na i-welcome lang kami sa Manila in the airport, wala, e. Parang 'A, nanalo lang sila,' ganun lang," sabi niya.

Nailalabas lang daw nila ang kanilang hinaing sa mga interview.

"Ang hirap kasi I'm in the Air Force kaya ang hirap na magsalita. So, ano na lang, pag nai-interview, dun na lang naming nabo-voice out. Pero hindi naman all the time na kailangan namin sabihin kasi ang hirap, di ba?" saad ni Chiefy.

Si Chiefy ang naging team captain ng Azkals mula 2004 hanggang 2010. Ngayon ay si Aly Borromeo na ang pumalit sa puwesto ni Chiefy.

Sa panayam ng PEP sa team manager ng Azkals na si Dan Palami, tinanong din namin siya tungkol sa suporta ng gobyerno sa kanila.

Ngumiti lang siya at sinabing, "Well, we get a lot of...moral support."

JAPAN TRAINING. Umalis ng bansa ang Azkals papuntang Japan kahapon, March 7, para sa huling training nila.

"It will help them get used to play under harsh conditions," sabi ni Dan.

Gagamitin ng team sa training ang facility na pag-aari ng Japanese Football Association sa Fukushima.

Nakatala ang temperature sa Ulan Bator ngayon, March 8, sa -16 C. Habang ang temperatura naman sa Fukushima, Japan ay nasa -5 C.

Maglalaro ang National Football Team sa Ulan Bator, Mongolia sa March 15 na wala ang goalie na si Neil Etheridge; pati na sina Rob Gier at Chris Greatwich dahil sa mga personal nilang commitments.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN