Rhian Ramos insists on "exclusively dating" status with Mo Twister

IMAGE 0


Actress-host Rhian Ramos says there's still nothing to admit as far as her relationship with Mo Twister is concerned. When reporters asked if she would confirm, someday, that they are an item, Rhian said, "For as long as totoo and tinanong kami, why not?"


Muling sinabi ni Rhian Ramos na "exclusively dating" pa rin ang status nila ng TV host at radio personality na si Mohan Gumatay, o mas kilala sa pangalang Mo Twister.

"Ganun pa din, nanliligaw siya. We date. We go out," sabi ni Rhian sa press conference para sa MyDSL na ginanap kahapon, March 9, sa Romulo's Café sa Tomas Morato, Quezon City.

Wala namang balak si Rhian na makipag-date kasama ang iba sa dahilang ganun din daw si Mo sa kanya.

"Parang unfair din kasi kung parang ang dami kong dine-date. Hindi naman yata tama na gawin ko 'yon sa isang tao... Kasi iniisip ko din kung anong mararamdaman ko, di ba, kung I'm one of the many? Kaya naisip ko din na siguro hindi ko 'yon gagawin sa isang tao," paliwanag ng actress-host.

Sa kabila ng patuloy na pagtanggi nina Mo at Rhian ay marami naman ang naniniwalang magkasintahan na ang dalawa. Pinabulaanan ng dalagang aktres ang hinala ng publiko at sinabing hindi nila itatanggi kung sakaling dumating ang panahon na may romantic relationship na ngang namamagitan sa kanila.

Pero masasabi ba ni Rhian na in love at inspirado siya sa kasalukuyan?

"I guess," nangingiting tugon ng dalaga.

Subalit kaagad din niyang sinabi na main priority niya ang kanyang showbiz career at hindi ang pag-ibig.

"Halos lahat ng kilala kong artista may dine-date na hindi nila ka-loveteam. Sa tingin ko naman, walang conflict. 'Tsaka siyempre, I try my best na ayoko mag-worry 'yong home network ko and as much as I can ipinapakita ko sa kanila na priority ko talaga ang trabaho."

LIKING MO. Hindi naman nagpakipot si Rhian nang tanungin kung anong mga katangian ni Mo ang nagustuhan niya.

"I'm not really the love expert, pero I would say na kasi pag magkasama naman kami, we're always happy, laughing, and always making jokes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Rhian: "Lagi siyang encouraging na i-try ko 'yong mga bagay na takot ako to do. For example, I want to start drawing and making clothes also, pero nakakatakot kasi baka ma-judge ka ng tao. Pinush niya ko na 'Sige! Go lang!' And next thing I know, ako na 'yong nag-design ng premiere night dress ko."

Gustung-gusto rin daw ni Rhian ang pagiging natural ni Mo pagdating sa lahat ng bagay.

"Hindi ko nakikita sa kanya na nagkukunwari siya to be someone else, very honest siya. Kasi kung minsan may tatanungin ako, sasabihin niya 'yong totoo sa akin. Kunwari, 'Okay ba 'tong suot ko?' Kung ayaw niya, sasabihin niya 'Hindi.'

"Mas naa-appreciate ko talaga 'yong honesty kesa lagi na lang compliment. Kasi usually pag lumalabas ako, laging ganun yung nakukuha ko—puro compliment. So, it's refreshing just to get honesty."

ENDORSER. Samantala, muling napili ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) ang Kapuso star para maging endorser ng MyDSL—ang broadband Internet service ng PLDT kung saan pinagsama ang unlimited Internet, landline telephone, at ang online television service na mas kilala sa tawag na Watchpad sa iisang package.

Aminado si Rhian na madalas siyang gumamit ng Internet para mag-research ng mga bagay na may kaugnayan sa kanyang trabaho at personal interest o di kaya ay maglibang katulad ng panonood ng videos, pakikinig ng music, at pagbisita sa mga social networking websites.

"Personally, I really like fashion, so I'll go online and try to see what the latest trends are. I also like to draw, I want to get into designing, so I look at the trends. I watch a lot of how-to videos—how to draw, how to design, and all of that stuff.

"Me kasi, in my life, I don't have much time to enroll for a class and basically nasa trabaho lang ako or nasa bahay. So when I want to learn things, I do it online," kuwento ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN