Bea Alonzo on relationship with Zanjoe Marudo: "We do a lot of special things together, so special that I cannot share it with you."

IMAGE 0


"Masayang-masaya ako kasi lahat balanse, balanse yung career ko, sa pamilya ko at sa love. Masaya! Sana laging ganito palagi, balanse ang lahat," says Bea Alonzo.


Pagkatapos ng kanyang "breakup" with Gerald Anderson, nauugnay ang pangalan ngayon ni Bea Alonzo sa hunky actor na si Zanjoe Marudo.

Bago pa man pumutok ang balita ng sinasabing naging relasyon ng young actress kay Gerald, nabalita na rin noon ang closeness daw nina Bea at Zanjoe.

Marami nga ang nagtaka sa Star Magic Ball last year kung saan ang kasabay na dumating ni Bea ay si Zanjoe, pero ang nakitang kasama dalaga pauwi ay si Gerald.

Noong Lunes, March 7, ay pumirma ng four-picture exclusive contract si Bea sa Star Cinema. Dito ay kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Kapamilya star ang estado ng relasyon nila ngayon ni Zanjoe.

"Okay naman kami and, so far, masaya kami sa ganito," sagot niya.

"Alam ninyo, we don't want to talk about kung saan, kung anong estado. We'll just go with the flow.

"Right now, we're happy being with each other and it's been fun hanging out with each other. Yun ang importante.

"Although busy na siya, busy rin ako, parang mas madalas kaming magkita noon. Pero mas maganda kasi every time na we see each other, mas masaya."

Masasabi ba niyang "exclusively dating" sila ni Zanjoe o bukas pa siyang makipag-date sa iba?

"Exclusively dating? Ano ba 'yan?" tawa niya. "Kung mayroong darating,... Pero so far, siya lang naman yung nagpaparamdam."

"IT'S HARD TO COMMIT." Pinagtatakhan ng ilan kung bakit tila ayaw maglagay ng label ni Bea sa anumang namamagitan sa kanila ni Zanjoe. Iniisip tuloy ng iba na baka naging lesson na raw sa aktres ang kinauwian ng relasyon nila noon ni Gerald.

"Hindi naman," tanggi ng dalaga. "It's just right now, it's just hard to commit, it's hard kasi marami akong ginagawa. It's hard to say to that person na 'this is what I want to offer you,' lalo na kung hindi mo matutupad yun, kasi you have lots of things to do, marami kang responsiblidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So kung ano lang yun... Halimbawa, mayroon akong available time, I wanna spend time with him, ini-invite ko siya, dumadalaw siya. Minsan susunduin niya ako, lalabas kami."

Si Zanjoe ba ang nakatulong sa kanya para maka-move on sa hindi magandang kinauwian ng relasyon nila ni Gerald?

"Hindi ko sasabihin yun, I wouldn't put it that way. It's different," sabi ni Bea.

"Dumating siya sa buhay, he's there hindi para pawiin yung sinasabi mong kung anumang pain from other experiences. This is another change in my life na hindi rin kailangan na ano pa yung nakaraan.

"Right now, I'm happy where I am."

Kahit sabihin pang magkaiba sila ni Zanjoe sa maraming bagay, ang importante raw kay Bea ay nagkakaintindihan sila.

"I'm not aware of those that I do differently with Z, I don't think of it too much," sabi niya. "Kung anong natural, yun ang lumalabas sa akin, yun lang.

"I think yun ang mas maganda. Kung ano ang natural na ikaw, kung ano ang totoong ikaw, kung ano ang naipapakita mo sa tao, kung nagko-connect kayo, yun ang mas maganda. And I think it's working."

Aminado rin si Bea na para sa kanya ay "blessing" si Zanjoe

"Yeah, he's a blessing. We do a lot of special things together, so special that I cannot share it with you," sabi niya.

May paniniwala sa showbiz na pag suwerte ka sa lovelife ay malas ka naman sa career mo, or vice versa. Pero tila exempted si Bea rito. May gagawin nga siyang pelikula kasama si Vic Sotto, Pak! Pak! Holy Pak!.

"Masayang-masaya ako kasi lahat balanse, balanse yung career ko, sa pamilya ko at sa love. Masaya! Sana laging ganito palagi, balanse ang lahat," saad ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN