Bea Alonzo on Zanjoe Marudo: "Marami siyang good qualities."

IMAGE 0


"Totoo siya. What you see is what you get. Napapatawa niya ako ng sobra. Maraming bagay. Marami siyang good qualities," says Bea Alonzo about how she appreciates Zanjoe Marudo.


"Blooming at mukhang fresh."

Ganito ang naging tingin ng ilang miyembro ng entertainment press kay Bea Alonzo kanina, Marso 10, sa media junket na inihanda para sa kanya bilang bagong endorser ng Lactacyd sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Bukod sa sunud-sunod na blessings na kanyang nakukuha—TV shows, movies, at product endorsements—naisip din ng ilang reporter na dahil ito sa kanyang makulay na lovelife ngayon.

Inamin naman ng 23-year-old actress na "masaya" ngayon ang kanyang lovelife. At hindi niya itinanggi na hanggang ngayon ay lumalabas pa rin siya kasama ang kanyang "constant date" sa ngayon na si Zanjoe Marudo.

Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung opisyal na silang dalawa na, or dating pa rin, natawa siya at sinabi, "Dating pa rin."

Paliwanag ni Bea, "Parang, alangan naman sagutin ko siya over the phone. Ine-enjoy namin. Actually, masaya kami kung nasaan kami ngayon, kasi walang pressure. Parang ganyan lang muna."

Madalang na raw kasi silang magkita ni Zanjoe dahil palaging puno ng trabaho ang kanilang schedule araw-araw.

Sabi pa ni Bea, "Kapag may free time at gusto naming makita ang isa't isa, we see to it na makikita namin ang isa't isa. Ako kasi, every day na [ang trabaho]. Siya rin almost every day na kasi may ginagawa siya, 'yong Hiyas. So, tuwing free time lang, mostly weekend."

Nang tanungin naman si Bea kung ano ang nagustuhan niya sa hunky actor, aniya, "Totoo siya. What you see is what you get. Napapatawa niya ako nang sobra. Maraming bagay. Marami siyang good qualities."

Samantala, kilalang malapit sa kanyang ina si Bea kaya naitanong ng media kung naipakilala na niya si Zanjoe sa kanya.

Ayon kay Bea, nagkakilala na ang dalawa nang minsang magkasama sila ni Zanjoesa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Dagdag pa niya, "Hindi pa nga kami close no'n, e. E, kasama si Mama. E, si Mama, machika, sila 'yong nag-chika noon. Kaya noong nagkita ulit sila ngayon, very comfortable na sila sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi ng kanyang nanay kay Zanjoe?

"Nababaitan siya. Masaya si Mama," sabi ni Bea.

"MAGAAN ANG PAKIRAMDAM." Aminado si Bea na mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon kumpara noong nakaraang taon.

Matatandaan na noong 2010 ay naging laman ng balita si Bea at ang young actor na si Gerald Anderson, na umano'y naging boyfriend niya.

Bagamat "dating" lamang ang naging kumpirmasyon ni Gerald, may balitang nag-break ang dalawa dahil sa umano'y hindi pagkakaunawaan ni Gerald at long-time screen partner niyang si Kim Chiu.

"Everything is doing well right now," sabi ni Bea. "Parang nandoon ako sa tama lahat, okay lahat. Magaan 'yong pakiramdam.

"Kaya siguro marami ring positive energies, blessings na dumarating sa akin. Kasi, di ba, kapag positive 'yong pananaw mo, you attract positive energies?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN