John Lapus feels "relieved" after filing libel case against Jobert Sucaldito; unfazed by countersuit

IMAGE 0


"Hindi naman ako agad-agad na magdedamanda, di ba? Hindi ako gano'n. Cool akong tao. Hindi ako pikon. To be honest, di ba? Pero ito, parang... Siyempre, may mga taong naaapektuhan, mga kamag-anak ko, pamilya ko, hindi ba? Yung mga pamangkin ko, kapag naglalakad, sasabihan ako ng ibang tao na hindi ako kakilala, na yung uncle niya ay nagmomolestiya ng lalake. Parang gano'n ang dating," says John "Sweet" Lapus about his reason for filing a libel ca


Last March 8, sa thanksgiving at victory party ng Who's That Girl? ng Viva Films sa City Best Restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City, natural lang na maging interesado ang press na interbyuhin ang isa sa cast members ng pelikula na si John 'Sweet" Lapus. Ito ay dahil sa isyu nila ng columnist at radio host na si Jobert Sucaldito.

Kung tipak man sa takilya ang Who's That Girl?, may sarili namang "battle" na pinagdadaanan ngayon si Sweet.

Pormal na siyang pagsampa ng kasong libel laban kay Jobert noong March 7, Lunes, sa tanggapan ni Quezon City Assistant Prosecutor Romana Lindayag-del Rosario dahil sa isang artikulo na nasulat ni Jobert tungkol kay Sweet. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa item na isinulat ni Jobert sa kanyang column sa pahayagang Bandera noong February 19, "nagwala" raw si Sweet sa Library Comedy Bar sa Malate. Ang pangungulit daw ng comedian-TV host sa isang lalaki ay muntik nang mauwi sa hampasan ng bote ng beer kung hindi lang daw napigilan ang nasabing lalaki ng mga kasama nito.

Mariin naman itong pinabulaanan ni Sweet sa kanyang programa sa GMA-7na Showbiz Central, noong February 21. Dito nga niya unang sinabi ang plano niyang pagsasampa ng kaso laban kay Jobert. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang pakiramdam niya ngayong pormal na niyang naisampa ang libel case?

"Ang sarap ng pakiramdam!" bulalas ni John. "I'm so excited actually dahil finally ay, eto, matutuloy na siya. Masarap ang pakiramdam na, in a way, alam kong sinusuportahan ako ng mga kaibigan ko, ng pamilya ko, at ng mga mahal ko sa buhay. Kasama na rin ang iilan kong mga fans. Sinusuportahan naman nila ako nang bonggang-bongga.

"Ganoon pala ang pakiramdam na you're doing something na very challenging, na first time mong gagawin, tapos may mga taong sumusuporta sa 'yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, my friends from the Kapuso, Kapatid, and even the Kapamilya network where he [Jobert] works, they are supporting me all the time."

Lahat ba ng mga kaibigan ni Sweet na inaasahan niyang sumuporta sa kanya ay sumusuporta naman?

"Oo naman, kaya lang, tulad ng sinabi ko, ayoko nang banggitin pa ang mga pangalan nila kasi inookray rin niya... Tingnan mo si Marian Rivera, nabanggit ko lang, biglang sinabi si Marian daw ang nakakaimpluwensiya sa akin!

"Ano ba naman yun? Mukha namang tanga! Sa tanda kong ito? Ilang taon ba ang tanda ko kay Marian, 12 years yata! Hindi ko naman kailangan ang tulong ni Marian, di ba?

"Naa-appreciate ko yung support, pero kaya ko 'to! Ang laki ng baklang 'to! Kaya ko 'to... Wala naman akong pinapasukan na bagay na hindi ko naman kinakaya," saad niya.

LIBEL CASE. Anu-ano ang mga bagay na kinunsidera niya bago niya gawin ang pormal na pagsasampa ng kaso at gaano katagal niya ito pinag-isipan?

"Agad-agad," sagot ni Sweet. "When I read the article nung lumabas yung article noong February 19 sa Bandera, alam ko na kaagad. Hindi naman ako tanga, alam kong kadema-demanda yung article.

"I consulted my lawyer right away. The next day, Sunday, sinabi ko na sa Showbiz Central yun, di ba? Pero siyempre, yung lawyer ko, nag-meeting pa kami. Kailangan ng mga ebidensiya, kailangang pag-usapan.

"Hindi pala agad-agad nagpa-file ng ganyan," patuloy niya. "Aantayin mo na may mag-mediate. May makipag-usap. E, wala, e, di tuloy na natin!

"Ang iba naman kasi, ang gusto, nakabalita lang na gustong magdemanda, file na kaagad bukas! Naloka nga ako dahil parang ten pages yata yun! Sabi ko, 'A, kaya pala matagal...'

"Matagal siya kasi iniisa-isa nila yun. Bawat linya, bawat counts ng libel, may explanation. Like, kasinungalingan number one, number two... Ganoon pala yun. Hindi pala yun isang buong bagsakan, hindi pala gano'n yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamag-anak ni Sweet ang tumatayo niyang lawyer , si Atty. Rebelinda Narsolis.

"She's my first cousin," banggit ng Showbiz Central host. "So, alam mong ipagtatanggol ka hindi lamang dahil abogado mo siya kundi kamag-anak mo pa.

"Ganyan kaming magkakapamilya, especially sa mother side. Talagang we stick together and naniniwala kami sa kakayahan at sa katotohanan."

Ano ang naramdaman niya isang araw pagka-file niya ng kaso laban kay Jobert?

"I feel relieved," pag-amin niya. "I feel contented. Nagalak talaga ako in a way na naglalakad ako sa QCRTC, yung mga tao, pumapalakpak, kinakawayan ako. 'Go, Sweet!' Yun ang mga isinisigaw nila.

"Tapos, nung nabalita na nga, kumalat sa PEP atsaka sa mga news, nakatanggap ako ng maraming text messages mula sa mga kaibigan ko from all stations for that matter. My friends from the press na kahit na hindi ko ka-close, nagte-text sa akin. I have their support.

"So, nakakataba ng puso talaga."

Ano ang susunod na mangyayari ngayong nakapag-file na siya?

"Ang alam ko, ira-raffle na sa Thursday [March 10], tapos hearing na after no'n. In two weeks daw. Siyempre, kailangan nilang matanggap muna ang...notice ba tawag doon o subpoena? Hindi ko alam.

"Tapos, kasi criminal case pa lang yung pinayl ko kahapon. Next week naman yung civil case. Yun na yung may amount. Kasi, sa tanong sa akin kung magkano, sa civil case yun. Pag criminal case pala, wala. Ngayon ko lang nalaman.

"Alam n'yo naman, maganda lang ako pero bobo ako sa ganyan!" tawa niya. "Pag criminal case pala, kulong ang hinahabol mo. Pag civil, yun yung mga damages.

"So, wala pang amount, kasi kinu-compute. Gano'n pala yun, kino-compute. Per kasinungalingan, pak, pak! Parang gano'n... Invite ko kayo pag file ko niyan para masaya," biro ni Sweet.

Nakuha na ba niya ang audio files na hinahabol niya sa dzMM—ang radio station ng ABS-CBN—kunsaan may radio show si Jobert?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo," pagkumpirma ni Sweet. "Nakipag-cooperate naman ang dzMM sa amin. So, nagpapasalamat ako personally sa mga taga-dzMM, na they are willing naman to give me the... Dalawang episodes yun na hinihingi ng aking lawyer."


ACCEPTING THE CHALLENGE. Ngayong naisampa na ang kaso, may palitan na ba ng statements ang kanyang kampo at ang kampo ni Jobert?

"Wala pa, e," sabi ni Sweet. "But last I heard, naghahamon pa rin siya. So, tulad naman ng sinabi ko, tinanggap ko naman ang kanyang hamon. O, so at least, di ba, mapagbigay akong tao?

"Usually, tumatanggap naman ako ng hamon. Sabi ko nga sa inyo, mapagpatol ako talaga kahit na anong isyu. Basta tanungin mo lang ako, sasagutin ko talaga.

"Kaya lang, nakakalungkot na minsan, may mga kapatid tayo sa pananampalataya na kapag may naririnig, e, agad na sinusulat. Nala-libel tuloy!"

Kung sakaling mag-apologize si Jobert o bawiin nito ang kanyang mga sinabi o isinulat, ano ang gagawin ni Sweet?

"A, titingnan ko 'yan. May nagtanong rin niyan sa akin kahapon. Hindi naman sumagi sa utak ko kasi, e. Kasi, nakikita ko at napapakinggan ko at nababasa ko ang kanyang mga salita, e, parang matapang naman talaga. Na talagang well-applauded ang katapangan ni Mr. Sucaldito."

Ano naman ang masasabi niya sa balak ni Jobert na pagsasampa ng kontra-demanda laban sa kanya?

"Natatawa nga ang lawyer ko, anong idedemanda niya sa akin? E, ako yung sinulat... Ako yung aggrieved party?" nagtatakang sabi ni Sweet.

Ayon sa unang lumabas na balita, ang kaso raw na isasampa ni Jobert laban kay Sweet ay ang Republic Act 9262, o Violation Against Women and Children. Ito ay dahil umano sa pandadamay umano ni Sweet sa anak ni Jobert.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Well, alam naman nating lahat... I'm sure napanood n'yo yung episode, kalat naman sa Facebook. Wala namang masama sa aking sinabi. Actually, sinabi ko yun out of concern. I'm sure, alam niya rin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuloy ang pagsasampa ng kaso ni Jobert laban kay Sweet kaninang umaga, March 11, pero hindi paglabag sa Republic Act 9262 ang isinampa nitong kaso kundi libel.

LABASAN NG BAHO. Ano ang reaksiyon ni Sweet sa sinasabi daw lately ni Jobert na ilalabas niya diumano lahat ang "baho" niya?

"Para namang for the last four years, e, nailabas na yata!" pagkibit-balikat niya. "Ang tanong do'n, e, parang hindi naman totoo ang mga nilalabas niya.

"I'm sure, naririnig niyo 'yan every year. Yun nga ang tanong sa akin, 'Bakit ba every year o every six months ay may issue siya sa 'yo?' So, talagang hindi ko alam. Ayoko na ring alamin. Dinemanda ko na lang siya!

"May mga issues siya na ipinupukol sa akin na pinagtatawanan ko na lang, e. Di ba, may mga issues siya sa akin na, 'Hmp! Papatulan mo ba 'yan?'

"Ano bang mga issues ang sinabi niyan sa akin? Na hindi raw ako marunong umarte. Na malas raw ako. 'Wag daw akong kunin ni Mother Lily [Monterverde of Regal Films] at ni Boss Vic [del Rosario]... Weh? E, kinuha na nga ako, wala ka nang magagawa!'

"Pero itong isinulat niya sa akin sa Bandera, I think... Sabi ko nga, ito ang pinaka-irresponsible na panunulat na nakita, na talaga namang kadema-demanda!" diin ni Sweet.

So, yung sinasabi niyang past issues sa apat na nakaraang taon ay hindi kadema-demanda?

"Oo! Dyusko, smile lang ako nang smile do'n sa mga iniisyu niya sa akin. Lahat na lang yata ng kacheapan... Kacheapan naman talaga!

"Yun naman ang sinasabi ko, di ba? Hindi naman ako agad-agad na magdedamanda, di ba? Hindi ako gano'n. Cool akong tao. Hindi ako pikon. To be honest, di ba?

"Pero ito, parang... Siyempre, may mga taong naaapektuhan, mga kamag-anak ko, pamilya ko, hindi ba? Yung mga pamangkin ko, kapag naglalakad, sasabihan ako ng ibang tao na hindi ako kakilala, na yung uncle niya ay nagmomolestiya ng lalake. Parang gano'n ang dating."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE WITNESSES. Ayon pa rin sa kampo ni Jobert, may ilang kalalakihan daw ang nakahandang magsalita o mag-testify laban sa kanya na nandoon nang maganap ang naturang insidente.

Reaksiyon ni John, "Naku, excited na nga akong makita ang mga lalaking 'yan! Ipapa-cover ko talaga 'yan, sinabi ko talaga. Para makita ng taong-bayan kung ano ang 'itsura ng mga lalaking ito... I'm so excited!

"Yun kasi ang sinasabi niya [Jobert], e. Kasi, hindi naman nagpapakita yung lalaki. Last I heard, tinatawagan niya lang sa cell phone, tapos ila-loud speaker. So, it could be anyone."

Hindi ba niya isasama sa demanda niya ang sinasabing lalaki sa kuwentong ito?

"So, yun, hangga't hindi pa naman nagpapakita yung lalaki, e, bakit mo naman idadamay? Non-showbiz itong taong ito.

"E, ang problema nga, ni hindi ko nga alam ang tunay na... First time kong na-meet yung guy that time. This is assuming na yung guy talaga ang nag-record [ng audio file]. First time kong na-meet that night. So, sabi ko naman, hangga't hindi lumalabas yung guy, wala ka namang puwedeng ikaso diyan.

"Well, if ever, kung totoo ang sinasabi ni Jobert na tetestigo ito for him, puwede namin siya idemanda ng perjury, or puwede namin siyang isama sa kasong isasampa namin na Anti-Wire Tapping Act na demanda sa kanya, kasi siya yung nag-record.

"But, so far, ang sure pa lang, si Jobert, kakasuhan namin ng possession and distribution... Ngayon ko nga lang nalaman 'yan. Gano'n pala 'yan, sa Anti-Wire Tapping law, ilegal yung nag-record, ilegal yung may hawak ka, at mas ilegal pala yung dinistribute mo."


WILLIE REVILLAME. Samantala, matatandaang si Jobert ang sinasabing "dahilan" ng pag-alis ni Willie Revillame sa ABS-CBN nang magkaroon ng "away" ang dalawa, pagkatapos maghamon ng TV host na magre-resign siya sa Wowowee kung hindi mapapatalsik si Jobert sa ABS-CBN dahil sa pambibira nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nangyaring gulo sa pagitan nina Sweet at Jobert, humingi ba ng suporta mula si Sweet sa nakabangga rin ni Jobert na si Willie?

"Wala naman, wala naman," sagot ni Sweet. "Nagkita kami to promote Who's That Girl? sa kanyang programang Willing Willie, wala naman. But he hugged me. Napakabait ni Willie, ina-accommodate niya ako. Wala naman.

"Tulad ng sinabi ko, hindi ko naman kailangan ang suporta ninuman. But if they are supporting me behind my back, naa-appreciate ko yun. Alam ko, may mga iba na pinagdarasal ako, nararamdaman ko yun at na-appreciate ko."

Aabot kaya sa puntong susuporta siya sa ibang mga diumano'y "kagalit" din ni Jobert sa bakuran ng Dos na mapatalsik ito sa istasyon?

"Hindi naman ako aabot sa gano'n. Nasa korte na yung kaso, e," ani Sweet. "But yes, nagparamdam na sa akin ng support ang aking Star Magic family, headed by Mr. M [Johnny Manahan] and Ms. Mariole [Alberto]."

Nananatiling contract artist ng Star Magic si Sweet hanggang ngayon.

Dagdag pa niya, "Ano naman ang karapatan ko para magpatanggal sa isang tao, hindi ba? I'm not that type. Hindi ako gano'n.

"Ako, ang tanging nire-request ko lang sa dzMM is, kung maaari nga lang, 'wag nang banggitin ang pangalan ko habambuhay. Yun lang naman ang nire-request ko.

"Na-experience ko ang mawalan ng trabaho, napakahirap! I don't want anybody to lose their job."

May pormal na siyang request sa dzMM tungkol dito?

"Nakikipag-usap pa lang. Verbal lang, hindi naman kailangan ng mga sulat-sulat. Sinabi nila, makikipag-cooperate sila. Kasi nga, manghihingi kami ng [audio] file."

JUSTIFYING FALSE REPORTS. Ano naman ang masasabi niya sa kumakalat na balita na humingi raw ng suporta si Jobert sa Alyansa ng mga Filipinong Mamahayag (AFIMA) dahil may statement daw si Sweet na lahat ng magsusulat ng negatibo sa kanya ay idedemanda raw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman!" sambit ni Sweet. "Nakakatawa naman yun. Ang sinabi ko... New Year's Resolution ko 'yan, e. Ang sabi kong gano'n, 'Sa wakas, masusunod ko na ang New Year's Resolution ko na idedemanda lahat ng mga reporter na magsusulat sa akin ng mali, ng makaka-nega sa akin.'

"Yunlang naman'yon. Kapag isinulatn'yong kamukha ko si Anne Curtis, aba, kahit na hindi totoo, tatanggapin ko 'yan! Yun lang naman.

"So, 'wag naman nating i-justify na ang pagsusulat ng mali, na nakakasira sa isang tao, ay tama. Kasi, yun ang nangyayari, e, dyina-justify.

"Don't put words into my mouth. You know what I mean... I mean, false things na negative at makakasira sa aking image, o sa aking personalidad, o sa akin bilang tao. Yun lang naman yun.

"Kung isusulat n'yo ako ng mali tulad ng kamukha ko si Anne Curtis, or 24 inches ang waistline ko, or ako ang nagdala sa pelikulang Who's That Girl?, o ako ang pinakasikat na bakla sa buong Pilipinas, aba, e, tatanggapin ko 'yan kahit na mali.

"So, huwag nating i-justify. Alam ko namang yung mga makakabasa ng Facebook ko ay mga matatalinong tao. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ang iba nating mga kaibigan ay dyina-justify pa 'yan, e. Ginawan ng issue. Nagsusulat sa akin ng mali, na makakasira sa akin, at kadema-demanda.

"Hindi naman ako stupid. Kung opinyon na isinulat, si John Lapus ay hindi marunong umarte, okey lang naman yun, e, kasi freedom of expression yun. Freedom of the press. At opinyon mo 'yan. Ever since, tumatanggap ako ng mga ganyan, bilang opinionated din akong tao.

"Pero pag sinabi mo na ako ay alcoholic, nagwawala sa bar pag nalalasing, at nangmomolestiya ng lalaki, at hindi totoo, aba, teka! Ibang usapan na 'yan!" mahabang pahayag ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN