LJ Reyes on why she's not Mrs. Paulo Avelino yet: "Mas gusto kong i-build ang relationship kesa sa kasal."

IMAGE 0


LJ Reyes says wedding is something that cannot be rushed. Even if her son, Ethan Akio, with Paulo Avelino will be turning one this July 24, "mas gusto naming mag-ipon," she tells PEP.


Isang taon ding namahinga si LJ Reyes sa showbiz mula noong nabuntis siya at nanganak sa baby nila ng boyfriend niyang si Paulo Avelino

Ngayon ay handa na ulit sumabak ang Starstruck alumna sa trabaho sa pamamagitan ng kanyang kontrabida role sa upcoming GMA-7 soap na Sisid.

Aminado ang mommy ni Ethan Akio na may pressure sa kanyang muling pagharap sa kamera. Bago siya lumipad sa U.S., kung saan siya nanganak, napakaganda na ng kanyang momentum—nanalo siya ng Best Supporting Actress sa Cinemalaya para sa pagganap niya sa The Leaving.

"Nakaka-pressure lalo na nga na noong umalis ako rito, na-recognize pa sa Cinemalaya. Nakaka-pressure na baka sumalang ako sa Sisid... Siyempre, one year rin yun. Baka mangapa ako, e. Hindi ko alam. Pero sana, hindi naman," saad ni LJ nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon na ipinatawag ng bagong management niya, ang PPL Entertainment, kahapon, March 9.

LEAVING ARTIST CENTER. Sa pagbabalik ni LJ, nilisan na niya ang GMA Artist Center na nangalaga sa kanyang career since 2005. Ang bago niyang manager ay si Perry Lansigan, na siya ring manager nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Carlo Guevara, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, at ang bagong lipat sa TV5 na si Wendell Ramos.

Tinanong ng PEP si LJ tungkol sa kanyang career move. Nabuo ba ang desisyon noong nasa Amerika siya?

"Hindi pa naman," sagot ng young actress. "Pero pagbalik ko, inayos ko na. Kasi, mag-e-end of contract na rin ako ng February. Ako kasi ang tipo ng tao na ayoko ng...Pagdating ng February, saka pa lang ako magpaplano. Ano ang gagawin ko after ng Feb, kapag wala na akong kontrata, di ba? So, yun, nag-iisip-isip na ako."

May mga hinanap ba siya na hindi niya nakita kaya naisipan niyang mag-iba ng management after six years of being under the talent management arm of the Kapuso network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi," nakangiti niyang sabi. "Aminin naman natin na sa kahit anong relasyon naman talaga, merong mga ups and downs. So, may mga moments naman talaga na masayang-masaya ako sa kanila. May mga times siyempre na nalulungkot ako.

"Pero, siyempre, all in all, okay naman. Tapos na naman, e, di ba?"

Ano ba ang expectations niya mula sa kanyang bagong manager?

"Siyempre, gusto kong magtrabaho. Pangalawa, gusto ko talaga ng mga acting pieces. Sana manalo pa ulit ako [ng award]. Sana masundan pa ang award ko, hindi naman yung after that, 'Tapos na? Wala na? Yun na yun?' Siyempre sana, masundan pa yun."

SEPARATE MANAGEMENT. Ang boyfriend ni LJ na si Paulo Avelino, na dati ring talent ng Artist Center, ay may bago na ring manager: si Leo Dominguez.

Bakit pinili nilang kumuha ng magkaibang managers?

"Hindi ba weird yun?" tanong niya. "Feeling ko kasi, parang ang weird naman na kung sa trabaho magkasama pa rin kayo, tapos sa bahay, magkasama pa rin kayo, di ba, nakakapagod yun?

"Hindi ko naman sinasabing nagsasawa ako sa kanya [Paulo], pero maganda rin naman sigurong nag-e-explore ka, yung ibang katrabaho mo, para mag-grow rin kayo. Iba kasi ang growth kapag kayo lang at iba rin ang growth kapag may ibang tao."

Dagdag pa niya, "Yung desisyon kasi namin, kami pa rin, pero may consultation. Nag-uusap pa rin kami. Like ako, sabi ko, gusto ko si Perry, 'tapos nagsasabi siya ng opinyon niya. "

NO WEDDING PLANS YET. Mag-i-isang taon na si Ethan Akio sa July 24, pero ayon sa young actress, wala pa sa plano nila ni Paulo ang magpakasal.

Dahil ba sa career ni Paulo kaya ayaw pa nilang magpakasal?

"Hindi, hindi sa career," mabilis niyang tanggi. "Puwedeng mag-ipon muna kami? Ang mahal magpakasal, di ba? Nakikita ko sa mga kaibigan ko, e.

"Ayaw naman namin ng malaki, siyempre maliit na kasal lang sigurado. Pero malaki ang pamilya ko. May pamilya ako sa tatay ko, may pamilya ako sa nanay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero napag-uusapan na nila ang kasal?

"Napag-uusapan namin, pero hindi pa namin pinag-uusapan kung kailan talaga. Wala yung sa ganitong taon... Kasi siyempre, hindi mo rin naman masasabi talaga. Ayaw naming madaliin.

"Wala sa amin yung deadline or big plans. Mas gusto naming mag-ipon. Mas ang goal pa nga namin, makabili ng bahay more than the marriage.

"Kasi, sinasabi ko nga kahit kanino, mas gusto kong i-build ang relationship kesa sa kasal. Kasi, nakita ko sa parents ko, ikinasal sila, pero wala. Mas gusto ko na strong ang relationship.

"Si Paolo, buo naman family niya, pero naiintindihan naman niya rin yung concept ng buong pamilya at broken. At gusto niya, buo ang family namin."

Kahit daw ang mommy niya ay hindi siya minamadali.

"Sabi niya, 'Don't rush.' Siyempre, na-experience naman niya, e. Hindi naman dapat minamadali dahil lang sa bata, di ba?

"Atsaka strong naman ang relationship namin. Kasi naman, papel lang naman yun, di ba? Iba naman yung pangako n'yo sa isa't isa kesa sa pangako niyo sa harap ng mga tao," saad ni LJ.

Paano nabago ng baby ang kanilang buhay?

"Mas responsible kami. Mas disciplined kami. Yung mga bagay, talagang pinag-uusapan," sagot ni LJ.

"Like sa trabaho, gusto namin si Aki, kung talagang pareho kaming hindi makatanggi sa trabaho, naiiwan namin siya sa kamag-anak, hindi sa yaya lang. Ayaw namin ng ganoon.

"Yun din kasi, noong maganda na ang relationship ko sa family ko sa father side, doon ko rin nakita how important the relationship really is. More than anything, yung relationship mo sa family, iba yun. Yung support system mo, malakas."

SISID. Nabanggit ni LJ sa amin na next week na ang start ng taping niya for Sisid.

Gaano siya ka-daring sa bagong soap na gagawin niya?

"Hindi ko nga alam kung gaano ka-daring yung role," sabi niya. "Pero buong show kasi, sexy talaga siyang lalabas. Lahat sexy. Parang may mga intimate scenes, mga ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, wala naman silang specific na sinabi na, 'Ikaw, magbo-bold ka!' Wala namang ganoon. Wala rin silang sinabi na, 'O, LJ, magpapa-sexy ka rito.'

"Hindi ko pa alam kung ano ang itatakbo ng script, pero eventually raw, may mga intimate scenes. Ako kasi, kay Dominic Roco... Kontrabida ako kay Jackie [Rice] at Dominic."

Ikalawang kontrabida role ni LJ ang Sisid. Yung una, masama raw ang karakter niya sa bida ng Una Kang Naging Akin na si Maxene Magalona.

Ano naman ang masasabi niya sa role niya ngayon?

"Excited ako. Sana nga merong mga sampalan scenes!" natatawa niyang sabi, sabay bawi ng, "Joke lang. Friends kami [ni Jackie].

"Gusto ko lang na kontrabida... Mas exciting naman kasi talagang magkontrabida kesa magbida. Yung mga eksena, magaganda talaga. Yung emotion, hindi lang iisa palagi. Hindi palaging kawawa, hindi palaging iiyak."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN