Star Factor finalist Ritz Azul snags lead role in TV5's Nagbabagang Bulaklak

IMAGE 0


"Thankful po ako talaga kasi napansin ako ng TV5. Siyempre, iniisip ko po fourth placer po ako sa Star Factor. Dapat maipakita ko sa kanila na kaya ko ito," says Ritz Azul on being cast in TV5's newest dramaserye, Nagbabagang Bulaklak.


Isang malaking sorpresa para kay Ritz Azul, fourth placer sa Star Factor, na mapabilang sa cast ng upcoming dramaserye ng TV5, ang Nagbabagang Bulaklak.

Ikinuwento niya ang masayang pangyayari sa isang pocket presscon noong Miyerkules, March 9, sa Katre Restaurant, malapit sa Tomas Morato, Quezon City.

"Bigla nga po nag-call sa akin si Direk Audie [Gemora], sabi niya may emergency meeting. Pagpunta ko dun sabi niya may dalawang good news siya: Una, yung magiging part po ako ng Nagbabagang Bulaklak tapos yung second, kasama ako sa six princesses ng TV5," ani Ritz.

Kasama siya sa mga tinaguriang princesses of TV5 na sina Danita Paner, Alex Gonzaga, Eula Caballero, Arci Muñoz at si Jasmine Curtis.

Hindi nga siya makapaniwala sa narinig na magandang balita.

"Wala na akong masabi, sobrang speechless at thankful ako, kasi ang laki ng chance na binigay po sa akin," dagdag ng 17-year-old na si Ritz.

Ginagampanan ni Ritz ang role ni Daisy, ang kapatid ni Dahlia na ginagampanan naman ni Arci Muñoz.

Iikot ang kwento sa kanilang dalawang magkapatid at ang kanilang landas patungo sa kasikatan at karangyaan. Tampok din dito ang kanilang magiging maintrigang buhay showbiz.

"Naghahanda na po ako, nagwo-workshop na on dancing and acting po. Aside po dun, nagda-diet pa po ako," ang sabi ni Ritz nang tanungin kung paano niya pinaghahandaan ang role.

Nagkwento pa siya tungkol sa unang taping day noong February 28 na ginaganap sa Tanay, Rizal.

"Kinakabahan po ako nung gabi ng first taping. Hindi nga po ako masyadong nakatulog kasi iniisip ko kung anong gagawin ko, ano ang dadalhin ko. Tapos ang ginawa po namin unang eksena sa ilog. Naging at ease po ako sa kalagitnaan ng shoot. Kasi inaalalayan po ako ni Ate Arci. Parang feel na feel ko na kapatid po niya ako," aniya.

Hindi naman siya nahirapan sa binigay na role sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang enjoy na enjoy po ako kasi yung role ko parang buhay ko po talaga. Yung inosente na walang inisip na masama, parang batang- isip. Sobrang nag -enjoy po ako, parang natural nalang sa akin na lumalabas," sabi ni Ritz.

BEAUTY QUEEN DREAM. Isa pang dream ni Ritz ay ang sumali ng beauty contest.

"Nung maliit pa po ako, gusto ko na po maging beauty queen. Gusto ko sumali ng Bb. Pilipinas. E, habang lumalaki po ako, gusto ko mag-commercial model naman. Tapos nung nagbi-VTR ako, parang yung path ko sa showbiz naman. Kaya nga sumali ako ng Star Factor," sabi niya.

Idolo daw nito ang Miss World 1993 1st runner-up na si Ruffa Gutierrez.

"Actually kakasali ko lang po ng Mutya ng Kapampangan noong December 2010. After ng Star Factor," ang pagbibida ni Ritz.

Balak niyang sumali sa Bb. Pilipinas kapag siya ay tumungtong ng 19 o 20 years old. Siya ay 17 years old ngayon.

Anu-ano nga ba ang mga nagbago sa buhay niya nang sumali siya ng Star Factor?

CHANGES. Ngumiti si Ritz at saka nagkwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Normal na po dati na sa school at sa mall, may mga tumitingin na po sa akin. Marami ang nakakapansin. Pero ngayon iba na, may mga nagsasabi ng, 'Uy! si Ritz yun!'" nakangiting sambit niya.

"Tapos natuto na din po akong mag-ayos ng oras ko... dati pag tinatamad pa ako tumayo, mag-i-snooze na lang ako sa alarm clock ko. Ngayon, bago pa mag-alarm yung cellphone, tatayo na agad ako. Natututo na rin po ako ng disiplina sa sarili ko at kung paano makipag-usap sa ibang tao."

First year college sa Lyceum University si Ritz at kumukuha ng accountancy bago siya sumali ng Star Factor. Tumigil muna siya ng pag-aaral.

"Naghihinayang din po ako. Yun po yung pinakamalaking sakripisyo ko pero ginawa ko din po para maka-ipon ako, para makapag-schooling po ako ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO RIVALRY. Isa sa mga tinanong kay Ritz ay kung nagkaroon ba siya ng sama ng loob na hindi siya nanalo sa Star Factor?

Ang kapwa niya prinsesa ng TV5 na si Eula Caballero ang nanalo.

"Naniniwala po ako na lahat ng nangyayari sa akin ay God's will. Kahit na hindi po ako nanalo, meron po siyang mas magandang plan para sa akin. Siguro nga po itong Nagbabagang Bulaklak ang para sa akin," ang mabilis na tugon nito.

Gagawin niya ang lahat para hindi madismaya ang mga nagbigay sa kanya ng break na ito.

"Thankful po ako talaga kasi napansin ako ng TV5. Siyempre, iniisip ko po fourth placer po ako sa Star Factor. Dapat maipakita ko sa kanila na kaya ko ito kahit na fourth place lang ako at hindi ako nanalo," sabi ni Ritz.

Binigyan-diin niya na walang namamagitan ng alitan o samaan ng loob sa pagitan nilang dalawa ni Eula.

"Friends po kami ni Eula. Lagi po kami nagkwekwentuhan at nagkukulitan. Tapos minsan niyaya din po niya kami sa bahay nila sa Cavite. Pero nasasakto laging may taping sa Nagbabagang Bulaklak, kaya hindi ako nakakapunta.

"Yung naisip ko ay sa kanya talaga ang Star Factor, break niya po yun. Kanya- kanyang break po kami," nakangiting sambit ni Ritz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN