Vic Sotto still not looking for a lifetime partner

IMAGE 0


"Hindi naman dahil sa love life lang magiging masaya ka. Masaya na ako sa pamilya ko, sa mga anak ko, sa mga apo ko, at sa mga katrabaho ko sa Eat Bulaga! Hindi naman ako naghahanap, e. Kung ano ang ibibigay ng Diyos, bahala na Siya," says Vic Sotto.


Sa contract signing para sa extension ng Eat Bulaga! sa GMA-7 hanggang 2014 kaninang hapon, March 11, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga host ng programa na si Vic Sotto.

Hiningan namin ng reaksiyon si Vic tungkol sa sinabi ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto, na gaya ng kanilang ina na si Dina Bonnevie, sana makakita na rin daw ito ng lifetime partner.

"Nagpapasalamat naman ako na may ganun silang concern, pero masaya na ako, e," sabi ng top comedian.

"Hindi naman dahil sa love life lang magiging masaya ka. Masaya na ako sa pamilya ko, sa mga anak ko, sa mga apo ko, at sa mga katrabaho ko sa Eat Bulaga!"

Dagdag pa niya, "Hindi naman ako naghahanap, e. Kung ano ang ibibigay ng Diyos, bahala na Siya."

Kung nalulungkot si Dina sa kanyang pag-iisa, hindi naman daw nakaramdam ng ganun si Vic dahil sa marami naman daw siyang ginagawa at hindi naman daw niya nararamdaman ang pag-iisa sa kanyang tahanan.

Naintindihan din daw niya ang kanyang mga anak kung nagwi-wish pa itong magkakabalikan sila ni Dina dahil sila nga naman ang mga magulang.

Natawa na lang ito sa sinabi ni Dina na siya pa rin daw ang "George Clooney" sa kanyang buhay.

"Wala naman tayong magagawa kung iyun ang tingin niya. May magagawa ba ako?" pabiro nitong sagot sa amin.

Pero hindi naman daw masasabi kung ano ang nakaplano sa kanilang buhay. Ang mahalaga, masaya lang daw ang lahat at hindi naman daw siya nagmamadaling magkaroon na ng lifetime partner.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN