Maggie Wilson reconciles with Bb. Pilipinas organizers; says she's in talks with TV5

IMAGE 0


Last January lang ikinasal si Maggie Wilson sa construction magnate na si Victor Consunji. OK lang ba na magbalik-showbiz na siya? "Nagpaalam naman ako sa kanya (Victor) if it's okey... I think TV5 is gonna offer me something. Sabi naman niya, yeah it's OK as long we can still keep trying to have a baby. Okey! sabi ko," she says.


Isa si 2007 Bb. Pilipinas-World Maggie Wilson sa mga beauty queens na naiimbitahan uli sa mga events ng Bb. Pilipinas Charities Inc. matapos silang ma-ban dito dahil sa magkakaibang rason.

May ilang taon ring hindi naimbitahan si Maggie sa mga mga programa at gatherings ng BPCI at noong press presentation lang siya para sa 40 official candidates ng Bb. Pilipinas 2011 sumulpot, na ginanap sa Sofitel Hotel last March 8.

Inamin naman ni Maggie sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya na first time niya uling nagpakita sa event ng Bb. Pilipinas.

"They recently texted me lang to come over. Kasi bi-nan nila ako," natatawa niyang amin.

Bakit ba siya na-ban?

"Kasi feeling ko nag-pose ako sa FHM before, di ba? Tapos, when I was a little younger nag-clash kami ni Mrs. Stella (Marquez-Araneta, founder ng Bb. Pilipinas Charities Inc.). But now that we're parang a little older and more mature, she invited me back. So, she texted me through her assistant na pumunta ako sa presscon for this year's Bb. Pilipinas," kuwento niya.

Talagang ini-snub ba siya ng Bb. Pilipinas?

"Hindi talaga. Mga three years akong na-ban," sagot ni Maggie.

Hindi ba siya gumawa ng paraan para maimbitahan ulit?

"No, hindi e. Ang sabi nga ni SMA (Stella Marquez Araneta), parang this year is the year of reconciliation. So, lahat ng beauty queens in-invite niya ulit."

May kakaibang excitement kay Maggie ang muling pagdalo sa Bb. Pilipinas. Gusto raw rin kasi niyang makita ng harap-harapan ang mga kandidata.

"I saw some of the girls. In fairness magaganda at ang se-seksi nila huh!" bulalas niya.

Hindi nga raw naiwasan ni Maggie na ikumpara ang taong ito ng Bb. Pilipinas noong taong lumalaban pa siya para sa korona.

"Mas bongga ngayon. In fairness, talagang mas bongga siya kaysa nung year ko. Kasi nung year ko sa tent siya. Sa Sofitel Hotel pa rin, pero sa tent siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos mas maraming girls. Nakita ko yung ibang head shots ng mga girls. Siyempre, bago ako pumunta dito ginawa ko muna yung homework ko, para makilala kahit konti yung mga girls.

"The way I see it, parang mas engrande siya this year," naniniwalang sabi niya.

Anong mga eksenang ang naaalala niya ngayong nakita niya muli ang program ng Bb. Pilipinas?

"Siguro yung mga ano, yung mga girls, yung training. Kasi siyempre, you're constantly learning new things, and making new friends. Saka glamorous ka every day, ang ganda mo, di ba? Pag glamorous ka, you feel good."

Last January lang ikinasal si Maggie sa construction magnate na si Victor Consunji. Kamusta ang buhay may-asawa para kay Maggie?

"Eto, same pa rin. Of course, I have a husband, bagong buhay. We're trying to have a baby na. Mas concentrated na ako sa family ngayon."

Bago pa man nagpakasal si Maggie ay nabalitang iiwan na nito ang showbiz para ibigay ang full attention niya sa kanyang bagong pamilya. Katunayan, ginawan nang paraang mawala siya sa kalagitnaan ng istorya sa nagwakas na seryeng Beauty Queen na pinagbidahan nina Iza Calzado at Katrina Halili.

Pero balitang muling magbabalik showbiz si Maggie at hindi na sa GMA-7.

"Ang alam ko, may meeting ako supposedly with TV5 at the end of this month. So, we'll see. Hindi ko pa alam kung ano ang pagmimitingan namin. Ang may alam lang ay yung manager ko," paliwanag niya.

Sa pagkaka-alam namin, pumayag daw si Maggie sa pakiusap ni Victor na hindi na muna siya mag-a-artista dahil gusto nitong habang binubuo nila ang kanilang pamilya ay nasa bahay lang muna siya.

"Nagpaalam naman ako sa kanya if it's okey... I think TV5 is gonna offer me something. Sabi naman niya, yeah it's OK as long we can still keep trying to have a baby. Okey! sabi ko," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya magkaroon ito ng effect sa pagsasama nila dahil mas gusto nga ni Victor na maging housewife siya muna?

"I don't think so, very supportive naman siya sa work ko at saka he works from Monday to Friday. May regular job siya from 9-5. Tapos ako, walang masyadong ginagawa nasa bahay lang. And I'm launching a clothing line with my fellow beauty queen Sandra Schieffer. Kaming dalawa maglu-launch nyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN