Vina Morales is nervous about first kontrabida role; reveals she has two love scenes in teleserye, Nasaan Ka Elisa?

IMAGE 0


Vina talks about her role in Nasaan Ka Elisa? "Alam ko ang role, may kissing scenes and love scenes ako kina Eric at Allen at may shower scene pa ako kay Allen. Pero sabi nga ni Kuya Germs [Moreno], kasama talaga iyon sa trabaho. Meron pa rin akong limitations at alam ko po namang pwedeng dayain ang ibang eksena. Saka promise naman ng mga directors ko na aalalayan ako," she says.


For the first time in her showbiz career, ngayon lamang gaganap si Vina Morales ng role ng isang kontrabida, kaya ninenerbyos daw siya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launch cum presscon ng Nasaan Ka Elisa?

Ang teleserye ay Pinoy adaptation ng Puerto Rican telenovela na Donde Esta Elisa? na ipinalabas sa iba't ibang bansa sa mundo maliban sa Pilipinas. Mapapanood ito simula March 21 sa afternoon block ng ABS-CBN.

Nagkaroon ng three-day episode screening ang teleserye starting Tuesday, March 8, sa Trellis, ground floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

"Ako nga po sa teleserye si Cecile Altamira Caceres, hiwalay ako sa asawa. May lover ako, si Bruno de Silva (Eric Fructuoso) na gusto kong pakasalan kapag na-annul na ang kasal ko. May isa pa akong lover ako, si Nick (Allen Dizon), confidante ni Mariano Altamira (Albert Martinez).

"Ambisyosa ako at gusto kong maagaw kay Kuya Mariano ang pamamahala sa business kaya sasamantalahin ko ang pagkakataon habang nagkakagulo ang pamilya Altamira sa pagkawala ng pinakamamahal nilang anak na si Elisa (Melissa Ricks)."

Meron ba siyang pinag-paalaman bago niya tinanggap ang role?

"Wala po naman akong pinag-paalaman, pero marami akong tinanong," nakangiting sagot ni Vina.

"Alam ko ang role, may kissing scenes and love scenes ako kina Eric at Allen at may shower scene pa ako kay Allen. Pero sabi nga ni Kuya Germs [Moreno], kasama talaga iyon sa trabaho. Meron pa rin akong limitations at alam ko po namang pwedeng dayain ang ibang eksena. Saka promise naman ng mga directors ko na aalalayan ako.

"Nakakatuwa po na maraming nag-aalaala pa rin sa akin nang mapanood ninyo iyong mga eksena ko, pero ipinapangako kong alam ko kung ano ang pinasok ko nang tanggapin ko ang role.

"Wala po kayong dapat alalahanin dahil hindi naman ako papayag na gawin ang eksena na hindi ko pinag-isipan at pinilit lamang akong gawin. Dasal ko po lamang na sana magmarka ang role ko. Promise ko na talagang paghuhusayan ko ang pag-arte ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro ng media people si Vina tungkol sa kanyang love life. Hindi raw kaya maunahan pa siya ng bunsong kapatid na si Shaina (Magdayao) na mag-asawa dahil mukhang maayos naman ang relasyon nito sa boyfriend na si John Lloyd Cruz?

"Masaya po ako para sa kanila dahil going strong ang relasyon nila pero huwag muna nilang isipin ang pag-aasawa. Mga bata pa naman sila, mag-concentrate muna sila sa kanilang mga career," aniya.

"Ako naman sa ngayon, tama na muna sa akin na may work ako. Ang anak kong si Ceana ay magtu-two years old na rin. Iyan po namang love, kusang dumarating iyan, hindi pinaplano. Hindi po ako naghahanap, kung para sa akin, darating din iyon."

Kumusta naman sila ng daddy ni Ceana?

"Okey na okey po kami, open ang communications namin. Lahat po naman ng pangangailangan ni Ceana, ibinibigay niyang lahat. Wala po akong problema roon."

Patuloy pa rin palang dumarating ang mga offers kay Vina ng mga shows abroad pero pinag-aaralan daw muna niya dahil may conflict sa trabaho niya rito.

"Hindi po kasi ako pwedeng umalis nang matagal dahil sa taping ng Nasaan Ka Elisa? Kung malapit lamang at two days lamang akong mawawala, magagawan po iyon ng paraan, pero kung matagal, hindi talaga pwede.

"Like next week, may commitment ako sa Singapore, two days lamang iyon at babalik ako agad. Sa ngayon po kasi, halos araw-araw ang taping namin dahil next Monday, March 21, pilot telecast na namin," ani Vina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN