Alma Moreno elected president of Philippine Councilors League; dispels marriage breakup rumors

IMAGE 0


Alma Moreno gives this advice to her son Yeoj: "Manahin mo na lahat sa daddy [Joey Marquez] mo, yung pagiging matalino, lahat, pero huwag mong mamanahin ang pagka-chickboy," she says laughing. But when it comes to her daughter, Wynwyn, Alma simply guides her: "Hindi ko pinakikialaman ng buung-buo, pero nandiyan ako, gina-guide-an ko... Kesa sa yung sakalin mo siya, mas mahirap."


Naagaw man sa showbiz, matagumpay namang tinatahak ni Alma Moreno ang landas ng pulitika.

Sa katunayan, ibayong sipag ang ginawa ng aktres lalo't kamakailan ay eleksyon na ng Philippine Councilors League (PCL) kung saan nahalal si Alma bilang pangulo.

As if to dispel rumors that the couple is going through rough times, kasama ni Ness ang asawang si Fahad "Pre" Salic, alkalde ng Marawi City.

"Ang sarap ng feeling kasi yung... kailangang-kailangan mo, nandito siya, yung moral support ang importante di ba?" says Alma sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX sa SMX sa Mall Of Asia kung saan ginanap ang eleksyon ng PCL.

Present din sa naturang okasyon ang anak ni Alma kay Joey Marquez na si Yeoj Marquez.

Kinumusta ng StarTalk TX kay Yeoj ang pakikitungo ng kanilang stepfather sa kanilang magkakapatid.

"Sinabi naman niya na 'I'm not trying to replace your father.' Love ko rin siya, basta alagaan niya si Mama at okay na kami lahat. Basta makita naming masaya si Mama, masaya na kami," pahayag ni Yeoj.

ALMA AS MOTHER. Mas kontrolado ba sila ni Alma pagdating sa kanilang love life? In Yeoj's case, ano ang payo ng ina lalo't may nobya ito?

"Sa akin hindi naman ganun kahigpit. Ang gusto lang naman niya is makapagtapos ng pag-aaral," ani Yeoj.

"Kasi sinabi ko sa kanya, 'Manahin mo na lahat sa daddy [Joey] mo, yung pagiging matalino, lahat, pero huwag mong mamanahin ang pagka-chickboy,'" natatawang wika ni Alma.

What about Alma's advice to daughter Wynwyn, who manages to stay on the dean's list kahit nagsu-showbiz ito?

"Hindi ko pinakikialaman ng buung-buo, pero nandiyan ako, gina-guide-an ko. Kumbaga yun din ang pinagdaanan ko, ayokong pagdaanan ng anak ko. Kesa sa yung sakalin mo siya, mas mahirap. Tulad diyan kay Wynwyn, 'Oh Wyn, may nanliligaw sa yo? Ano yung mga tsismis?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Te-text ko, 'Ano yun, ano yun?' Tinatanong ko lang."

Ayon naman kay Wynwyn...

"Hindi naman po yung sobrang higpit, pero kailangan po magsabi kami sa kanya kasi... hindi naman po kami nagsisinungaling sa parents namin. Kung ano po yung meron sa amin ngayon or kung ano yung nangyayari, kinukuwento po namin sa Mommy ko. Ganun po kami e, ganun kami ka-close."

Samantala, umaasa rin si Alma sa reunion movie na pagsasamahan ng anak na si Mark Anthony Fernandez at ng dating nobya nitong si Claudine Barretto.

"Sana matuloy na kasi marami naman ang nag-aabang, kaya sana matuloy na."

ALMA AS POLITICIAN. Matapos ipalabas ang taped interviews kina Ness, Yeoj at Wynwyn, sumunod naman ay ang pag-guest ng live ni Alma sa StarTalk TX fresh from her election as the new national president of the PCL.

Nagpasalamat muna si Alma sa lahat ng sumuporta at naniwala sa kanya at sa kanyang grupo.

Ilan sa mga celebrity councilors na nabanggit ni Alma na naroon [at bumoto] sa eleksyon ay sina Shalani Soledad, Yul Servo, Alfred Vargas at Marjorie Barretto.

"Nakita ko yung pagkakaisa naming mga artista, sumuporta rin sa akin yung mga councilors na nandoon.

"Basta ang importante nagkakaisa kami para sa Philippine Councilors League... maganda na ang Philippine Councilors League, ngayon mas pagagandahin pa namin... para matulungan lahat ang mga konsehal, yung mga ginagawa ng mga konsehal na mga projects, yung claims, yung malalayong municipalities, kailangang makarating sa kanila iyon," ang sabi ni Alma.

"And may hihingan din ako ng sorry. Sa Parañaque po, lalo na po yung sa district 1. Sorry, magbabawi po ako, maasahan ninyo nandiyan na po muli ako."

MANILA OR MARAWI? Tinanong ng StarTalk TX host na si Ricky Lo si Alma kung ano ang set-up nila ng mister nitong si Mayor Salic; kung si Alma ang maglalagi sa Marawi o ang asawa niya ang maglalagi dito sa Maynila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah ngayon ko lang kayo sasagutin ha, sa tinagal-tagal.

"Bago naman kami ikasal, nag-usap na kami talaga, dahil siya'y mayor, ako nama'y konsehal sa Parañaque. So pag siya ang hindi busy, siya ang pupunta rito. Pag ako naman ang hindi busy, ako ang pupunta roon.

"E, ang nangyari naging active ako sa Philippine Councilors League, pag pupunta siya dito sa Manila, wala ako. So, kung nasaan ako sinusundan na lang niya ako," paliwanag ni Alma.

"Pero pumupunta ho ako ng Marawi at hindi totoong hiwalay kami.

"Hindi ho ako nakatira [sa Marawi], naka-based po ako sa Parañaque dahil konsehal ho ako ng Parañaque."

Tinanong naman ni Butch Franciso kung ang alkalde na ba ang huling lalaki sa buhay ni Alma...

"Oo naman! Kung puwede ngang hawak ko na yung mundo e, eto na dahil palagay ko kaya binigay sa akin ito dahil naiintindihan niya ang trabaho ko bilang konsehal.

"Yung mga anak ko natanggap niya, kumbaga alam niya ang lahat tungkol sa akin," ang sabi ni Alma.

"So wala po yung mga tsismis na yun. Sobra akong nagpapasalamat dahil dumating sa buhay ko si Mayor Pre. At talagang nakasuporta. Nung time na... nandito siya nung eleksyon namin, kasi medyo mabigat ang laban so nandito siya, talagang nakasuporta ho, yung moral support iyon naman ang pinaka-importante.

"Ngayon naman umuwi siya kanina dahil may flag ceremony, ako naman magbabakasyon for one week lang."

Tinanong naman ni Ricky Lo kung okay ang sitwasyon ni Alma sa mga tao sa paligid ng mister niya...

"Oo naman! Wala akong problema. Pag pumupunta po ako sa Marawi walang problema, happy ako. Yung mga staff ni Mayor po, ni Pre, lahat... kamag-anak, mga kapatid, maganda po ang samahan namin, sa akin.

"Kumbaga ako ho ay kapatid na rin, kapamilya na rin nila ngayon, kapuso pa. Sobrang pagmamahalan!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN