Jericho Rosales denies rumored reconciliation with ex-girlfriend Cesca Litton

IMAGE 0


Actor Jericho Rosales insists he is single right now, despite rumors linking him to several female celebrities like Andi Eigenmann, Andi Manzano, Alessandra de Rossi, and even his ex-girlfriend Cesca Litton.


After his breakup with showbiz correspondent Cesca Litton, wala nang nabalitang naging kasunod na girlfriend si Jericho Rosales sa kabila ng pagkaka-link niya sa ibang mga babae.

Na-involve siya sa magkatukayong Andi Eigenman at Andi Manzano, pero nilinaw ni Echo na hindi niya niligawan ang alinman sa kanila. Consistent din ang aktor sa pagsasabing wala siyang girlfriend ngayon. (CLICK HERE to read related story.)

May lumabas na report na nagkaayos na raw ang aktor at si Cesca na mukhang mauuwi raw sa pagbabalikan. Pero mabilis itong itinanggi ni Echo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Matagal na kaming okey, matagal na kaming nagdesisyon na maging magkaibigan," sabi niya. "Normal naman yun na nagkukumustahan kayo, nagbabatian, pero ganun lang yun.

"Nagkikita lang kami pag may mga kasamang tropa, pero bihira lang yung mangyari. Actually, hindi nga ako masyadong nakakalabas ngayon dahil sa trabaho."

Naging tampulan naman ng tukso sina Echo at Alessandra de Rossi sa presscon noon ng Green Rose dahil sa pag-amin ng aktres na crush niya ang aktor. Agad naman itong sinakyan ni Echo at sinabing hindi mahirap mahalin ang isang tulad ni Alex na nagpapasaya sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

Nang tanungin ng PEP si Echo tungkol dito, binigyang-linaw niya na magkaibigan lang talaga sila ni Alex.

"Okay na okay kami ni Alex, pero magkaibigan lang talaga kami, magkakatropa," sabi niya.

Sinabi ng aktor na hindi niya isinasara ang kanyang pinto sa bagong pakikipagrelasyon, pero sa ngayon daw ay naka-focus siya sa kanyang trabaho.

"Busy ako sa trabaho. Ang talagang pinagkakaabalahan ko ay Green Rose, ASAP, saka iba pang trabaho like concerts and album," banggit niya.

Naging successful ang unang naging album sa Star Records, ngayon ay tinatapos ni Echo ang bago niyang album kung saan balik banda na siya.

Aniya, "Nagsusulat lang ako nang nagsusulat ng kanta, tapos nagre-recording kami ngayon ng banda ko. Bumalik na pala yung banda ko, so binubuo na namin yung mga kakantahin namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN