Dingdong Dantes wants an action-drama for his next project after the gay-themed I ♥ You Pare

IMAGE 0


"Based on researches, hindi lang ang gay crowd ang aming napi-please at na-tap. But surprisingly, may malaking bulk daw ng male audience na nandoon, tsaka mga bata. So, 'yon ang hindi namin ini-expect. So, para sa akin siyempre, plus na rin na it went beyond our expectations," says Dingdong Dantes about the unique demographics of I ♥ You Pare.


Tungkol sa fear niya sa daga ang unang naging topic namin ni Dingdong Dantes nang pasyalan namin siya sa taping nila ni Regine Velasquez-Alcasid ng I ♥ You Pare sa SM The Block sa North EDSA noong Biyernes, March 11.

Bakit nga ba siya takot sa daga?

"Hindi... Kasi dati, parati akong natutulog sa sahig, nasa isang room lang kami lahat, e, kaming magkakapatid, for a time.

"E, may mga times na natutulog ako, pag nagigising ako, may mga kalmot ako. Hindi ko alam kung ako yun o daga, hindi ko alam, theory ko lang!" natatawang kuwento ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero hindi naman daw siya tumatalon kapag nakakakita ng daga.

"Umiiwas lang," sabi ng aktor.

On the contrary, ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera ay hindi takot sa daga. Sa katunayan, sa isang teaser plug ng Party Pilipinas noon ay ipinakitang hawak-hawak ni Marian ang isang daga na ginawa niyang panakot kay Dingdong.

"Oo, hindi takot yun," sambit ng aktor.


I ♥ YOU PARE. Nagkuwento naman si Dingdong ng mga magaganap sa romantic-comedy series nila ni Regine sa GMA-7 na I ♥ You Pare.

Kung sa simula ay galit ang character ni Dingdong bilang Kenneth sa role ni Regine bilang Tonette, na nagpapanggap na isang gay performer, eventually ay gumaan na ang loob niya rito.

"Sa lahat ng mga nandoon [sa club], siya lang yung pinaka-best friend ko, e. Tapos, to the point na gusto ko pa siyang i-convert para gawing isang tunay na lalaki. So, 'yon yung mangyayari.

"Isa sa mga bagay na ginawa ko para ma-convert siya is dalhin siya sa beerhouse. Tapos pinabihis ko siya na parang bihis-lalaki, pinaglagay ko pa siya ng bigote.

"Tapos, sabi ko, iwasan muna niya yung mga kaibigan niya na bading... Hindi naman actually iwasan talaga, kundi for the time being na nagsasanay siyang maging lalaki. Siyempre, mga kaibigan pa rin niya yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In real life, nangyari na raw kay Dingdong na may kaibigan siyang isang gay na sinubukan niyang gawing isang lalaki.

"Si Perry!" natatawang banggit ni Dingdong sa kanyang manager na si Perry Lansigan.

Kuwento niya, "Nasa Thailand kami, gumawa ako ng commercial. Tapos sabi ko, 'Tara, gimik tayo!' Tapos pumunta kami sa isang [girlie] bar. E, wala, hindi siya makatagal talaga!

"Pumasok lang kami sa... hindi naman doon sa mga extreme na bars, doon lang sa may mga nagsasayaw. Nakadalawang boteng beer lang, then umalis na kami."


UNIQUE DEMOGRAPHICS. Masaya sina Dingdong at Regine at lahat ng bumubuo ng show na malawak ang sakop na audience group ng I ♥ You Pare.

"Very ano siya e, very unique demographics ang audience namin," banggit ng matinee idol.

Noon daw kasi, akala nila ay karamihan sa mga manonood ng show nila ay mga babae at gays lamang.

"When it was starting, siyempre at the back of our minds, we were hoping na... to tap a certain sector that we believe hasn't been tapped yet.

"And based on researches—kasi nagko-conduct sila after siguro ng pilot, yung ganyan—hindi lang ang gay crowd ang aming napi-please at na-tap. But surprisingly, may malaking bulk daw ng male audience na nandoon, tsaka mga bata.

"So, 'yon ang hindi namin ini-expect. So, para sa akin siyempre, plus na rin na it went beyond our expectations."

DINGDONG IN DRAG? Dahil tungkol sa drag queens ang I ♥ You Pare, pagsusuutin din kaya si Dingdong ng damit ng babae sa show in one of the future episodes?

"Sabi, pero hindi pa sigurado," nakangiti niyang sabi.

Sino ang peg niya if ever magsuot siya ng women's clothes sa show?

"Wala pa ako doon!" natatawa niyang sagot.

Wala bang planong mag-guest si Marian sa show nila?

"Napag-usapan namin ni Regine. Gusto naming i-guest si Marian, tapos si Kuya Ogie [Alcasid, Regine's husband] rin," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumportable na ba siya ngayon na "batuk-batukan" sa show si Regine? Noong nagsisimula pa lang kasi ang show nila ay nahihiya si Dingdong kapag may eksenang kailangang batukan niya ang Asia's Songbird.

"Hindi, merong alalay pa rin, may ilang pa rin," sagot niya.

FUTURE PLANS. Ano ang gusto niyang gawing project sa susunod?

"Gusto ko aksyon... gusto ko aksyon," sabi niya. "Action-drama, yung realistic situation, pero yung interpretation niya is action-packed, pero may real drama."

PEP also learned na this year ay plano nina Dingdong at Marian na magtayo ng kani-kanyang negosyong restaurant.

"Pero iba yung sa akin, iba rin yung sa kanya.

"Gusto ko, burger. Mahilig ako sa burger, e. Hindi franchise, bago."

Mr. D's ang naisip ni Dingdong na ipangalan sa balak niyang itayong burger joint this year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN