Singer-pole dancer Ciara Sotto would rather be recognized for her talent than be famous

IMAGE 0


"An artist doesn't have to be really famous. Kasi po, naniniwala ako sa sinabi ni Lea Salonga na if you're talented, it's impossible for the world to ignore you. Naniniwala po ako sa gano'n na kahit hindi ako maging megastar or superstar, basta talented and nare-recognize yung talent ko, okey na ako doon. Yung pasulput-sulpot lang ako, okey lang," says Ciara Sotto.


Sa ginanap na celebrity showdown ng Talentadong Pinoy noong Linggo, March 13, si Ciara Sotto ang itinanghal na Ultimate Celebrity Talentado.

Dahil sa kanyang pagbirit habang nagpu-pole dancing ay tinalo niya ang kanyang mga katunggali na sina Rosanna Roces (nag-drums), Valeen Montenegro (nag-fire dance), at Regine Tolentino (nag-rap, nag-balagtasan, at sumayaw).

Kaya ang tanong kay Ciara ay kung sinadya ba niyang galingan ang kanyang routine para mapansin uli sa showbiz?

"Actually, hindi naman po yun ang goal ko. Pero nakakataba po ng puso yung comment ng mga judges na gano'n.

"Pero I think mas importante po sa akin na ma-recognize yung talent ko kahit wala na po akong fame. As long as nare-recognize yung talent ko, masaya na po ako doon," sabi ni Ciara nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Battle of the Champions ng Talentadong Pinoy sa YƱares Sports Center sa Antipolo City.

FAME OR RECOGNITION? Halos lahat ng judges sa Talentadong Pinoy ay bilib na bilib sa ipinamalas na talent ni Ciara. Sinasabi nga nina Ruffa Gutierrez at Lucy Torres-Gomez na sana ay mabigyan ng malaking break si Ciara dahil sa pagiging talented nito.

Ano ang naramdaman niya sa comment na ito nina Ruffa at Lucy, pati na rin ang ibang mga taong naniniwala sa kakayahan niya?

"Okey na po sa akin na nare-recognize po ng mga talent scout, yun. I mean, an artist doesn't have to be really famous. Kasi po, naniniwala ako sa sinabi ni Lea Salonga na if you're talented, it's impossible for the world to ignore you.

"Naniniwala po ako sa gano'n na kahit hindi ako maging megastar or superstar, basta talented and nare-recognize yung talent ko, okey na ako doon. Yung pasulput-sulpot lang ako, okey lang.

"Pero mas maganda kung marami akong work, di ba? Pero bahala na sa akin si Lord. Kuntento na po sa akin kung ano ang ibibigay niya sa akin," nakangiti niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan siya nagkaroon ng realization na okay lang na hindi siya sumikat nang husto?

"No'ng nag-teatro ako. Simula no'ng nag-teatro ako," sagot ni Ciara.

"Sa theater kasi, hindi superstar ang hinahanap nila, e, laging talent, talent, talent. Kung 50 years old ka na, kung talented ka, puwedeng-puwede pa."

SUPPORTIVE HUSBAND. Kanino niya ba isini-share ang pagkapanalo niya?

"Sa asawa ko po," sagot ni Ciara.

Habang kausap namin si Ciara ay nasulyapan naming nasa isang tabi lang ang mister nitong si Joe Oconer.

"Siyempre, he's been very supportive kahit late na po akong umuuwi para mag-rehearse lang. Naiintindihan naman po niya," dagdag niya.

May mga pagkakataon ba o pangyayari na nagreklamo ang mister niya sa pagpu-pole dancing niya?

"Never po," sagot ni Ciara. "Lagi ko pong mini-make sure sa kanya na hindi po slutty yung pagpu-pole dancing ko. I want to make sure.

"And I want to share with people that pole dancing is a sport and it's an art. It's not for stripping, it's not for exotic dancing."

May ilang taon na ring kasal si Ciara sa kanyang mister na nagtatrabaho sa isang production company. Matagal na ring hinihintay ang pagkakaroon nila ng baby.

Ang speculation nga, baka ang pagpu-pole dancing ni Ciara ang rason kaya hindi siya mabuntis. Ano ang masasabi niya rito?

"Bahala na si Lord. Kasi kahit si Ana [Marie Garbo, pole dancer na finalist din sa Talentadong Pinoy] naman, no'ng nagpu-pole, nabuntis siya. May mga nagpu-pole dancing naman na nabubuntis. Hindi pa lang ibinibigay sa akin ni Lord ngayon."

Pero nasa trying stage sila?

"Hindi naman trying, hindi rin naman preventing. Kung ano lang ang dumating. Hindi naman hindrance yun sa pagpu-pole ko or sa pagiging sporty ko. Sabi nga po nila, mas may exercise, mas better. Kasi raw yung matris ko, mas nagiging okey raw."

CIARA IS ALSO A SINGER. Inaasahan ni Ciara na ang pagkapanalo niya sa Talentadong Pinoy ay magbubukas ng mas maraming trabaho para sa kanya ang TV5. Isa nga sa gusto niya ay magkaroon ng musical-variety show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana nga po variety show para makakanta po ako. Kaya ko nga po minake sure na kumanta sa Talentadong Pinoy para hindi po malimutan ng mga tao na singer ako. Kaya nga minake sure ko na kumakanta ako habang nagpu-pole, kasi parang puro pole na lang yung guesting ko ngayon. Sabi ko, 'Ayaw ba nila akong pakantahin?'

"Kahit nga po yung alma mater ko sa UST, in-invite nila akong mag-pole. Sabi ko, 'Conservatory of Music ako, a! Bakit ayaw ninyo akong pakantahin?' So, minake sure ko talaga na hindi sana malimutan ng tao na singer ako."

NOT AN ORNAMENT. Hindi lang galing sa pole dancing ang ipinamalas ni Ciara sa Talentadong Pinoy kundi ang kanyang kaseksihan sa two-piece outfit na suot niya.

Nilinaw naman ni Ciara kung kailangan lang daw siyang magsuot ng gano'ng ka-daring na costume ay gagawin niya, at kung requirement din sa isang role na natoka sa kanya ay hindi siya mag-aalangan.

"If it's worth it lang naman, katulad no'ng Rent, medyo sobrang sexy yung role ko sa play na yun. I have to do it. Kasi may meaning, may depth yung character niya kaya ginawa ko."

Paano kung alukin siyang mag-pose for men's magazines?

"Ayoko," mabilis niyang sagot. "I'm so against women na nagiging ornaments. Na nagiging objects sila. Ayoko ng gano'n.

"Parang gusto kong matutunan ng mga taong respetuhin yung mga babae bilang babae, not as an ornament. Yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN