Maricar Reyes refuses to talk about suitor Richard Poon

IMAGE 0


In the teleserye Imortal, Maricar Reyes plays the role of Samantha Imperial, isang sikat na eventologist sa umaga na bampira pagdating ng gabi. "[I play a] vampire. May angst siya, everything na mapunta sa akin kakaiba, natutuwa ako," she says.


Game na game na sumali sa Stiletto Run kaninang hapon, March 15, si Maricar Reyes na ginanap sa ground floor ng Robinsons Manila.

Si Maricar Reyes ang endorser ngayon ng Robinsons Malls.

Pagkatapos ng Stiletto Run, nilibot ng aktres ang mall at pinirman ang mga naglalakihan niyang mga larawan na nakapaskil sa bawat sulok ng department store.

Nagkaroon din ng meet-and-greet with the fans si Maricar na kung saan nagpapirma at nagkaroon ng pagkakataon ang kaniyang mga fans na magpa-picture kasama ang aktres.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Maricar.

IMORTAL. Isa sa napag-usapan ay ang current project nito sa ABS-CBN na Imortal.

"It was fun. Pero sad lang kasi patapos na siya. But I've learned a lot from the show," aniya.

Puri papuri din siya sa mga co-stars niya sa Imortal na sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

"Ang hirap i-put into words ang learning from them. Grabe sila from day one! Tinatanong nila ako, parang chika-chika sila pero pag action na, wala na si Angel at si John Lloyd. Parang sila na sina Lia at Mateo, parang ang galing.

"I am always in awe! Even if early morning na, kaya pa din nilang gawin yung shift na yun. Ang galing!" sabi ni Maricar.

Ginagampanan ni Maricar ang role ni Samantha Imperial, isang sikat na eventologist sa umaga na bampira pagdating ng gabi.

Ano pa ba ang mga klase ng roles na gusto niyang gampanan?

"Every time I'm asked that question I always say something different. The difference here is that I am a vampire. May angst siya, everything na mapunta sa akin kakaiba, natutuwa ako," ang nakangiting sambit niya.

MUM ON POON. Naging tikom naman ang bibig ni Maricar nang mapunta ang usapan sa kanyang love life, particular na ang tungkol sa kanila ng suitor na si Richard Poon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-ilang beses na sinubukan ng PEP na tanungin siya tungkol sa kanyang love life ngunit ngumingiti lang ito at iniiling ang ulo sa pagtanggi.

Tinanong na lang ng PEP nang pabiro kung sino ang gusto niyang kagatin kung siya ay isang totoong bampira.

Bumalik ang sigla sa mukha ni Maricar sa tanong at saka niya sinagot: "If I were a vampire, who would I bite? Vegan vampire ako. Di ba nga bawal kumagat ng tao? Bad yun."

Bilang pagtatapos ng interview, isang matalinghagang statement ang iniwan niya tungkol sa estado ng buhay niya ngayon.

"She is even more thankful now [compared to] last year," ang sabi ni Maricar na kung saan ay tinutukoy niya ang kanyang sarili.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN