Luis Manzano on his lovelife: "I'll share whatever I want to share, but not necessarily everything."

IMAGE 0


"Kung anuman ang opinion ng iba na hindi nagustuhan [ang pelikula], okay lang yun. Obviously naman, kumikita siya kasi hindi naman magpa-party ng ganun si Boss Vic [del Rosario] and the Viva family kung hindi naging maganda ang resulta niya sa takilya," says Luis Manzano about the issues surrounding the box-office success of Who's That Girl?


Sa kabila ng victory party ng Who's That Girl? ng Viva Films dahil sa malaking kinita at patuloy na paghataw nito sa takilya, may ilan pa ring nagkukuwestiyon kung talaga raw bang kumita ang pelikulang ito nina Anne Curtis, Eugene Domingo, at Luis Manzano.

May ilan kasing nagsasabi na padded lang daw ang napabalitang "more than P50 million" na kinita raw ng pelikula sa kabila ng deklarasyon ng Viva Films na isa itong certified box-office hit.

Last Sunday, March 13, sa ASAP XV, ay hiningan ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis tungkol dito.

Aniya, "First week, naka-60 million [pesos] na siya. I wasn't there nga sa victory party kasi nasa Baguio ako with the Kanto Boys. But, masayang-masaya kami kasi kumita at patuloy na kumikita yung pelikula.

"Well, in any movie, name a film na walang nagsabi na may padding, lahat naman sasabihin 'yan, e. Mas mawi-weirduhan pa ako pag lahat nagustuhan. Pag ganun, parang may hindi tama.

"May kanya-kanya tayong opinion. Lahat ng pelikulang napanood ko, may nagandahan ako at hindi. Ang sa akin lang, majority said na kumita and, until now, kumikita pa rin.

"I'm very thankful for that, at kung anuman ang opinion ng iba na hindi nagustuhan [ang pelikula], okay lang yun. Obviously naman, kumikita siya kasi hindi naman magpa-party ng ganun si Boss Vic [del Rosario] and the Viva family kung hindi naging maganda ang resulta niya sa takilya."

ANNE-LUIS CHEMISTRY. Ang tagumpay ng Who's That Girl? daw ang patunay na may chemistry talaga ang Anne-Luis tandem.

Ano ang masasabi ni Luis dito?

"That's for other people to say," sabi niya. "But yung sa amin kasi ni Anne, iba, e. Hindi kami yung romantic-romantic lang, talagang nandiyan yung balahurain namin ang mga sarili namin.

"Of course, hindi mo puwedeng tanggalin yung husay ng mga kasama namin, like sila Tita Uge, ang cameo ni Ms. Ai-Ai [delas Alas], sila Sweet [John Lapus]... It's one of the collaborations of Direk Wenn Deramas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KANTO BOYS, THE MOVIE. Sa presscon noon ng Imortal, nabanggit ni John Lloyd Cruz na isa sa nakalinya niyang gagawin this year ay ang pelikula nila ng Kanto Boys, ang all-male group na kinabibilangan din nina Luis, Vhong Navarro, at Billy Crawford.

Dahil sa sinabing ito ni John Lloyd ay na-excite tuloy ang avid fans ng Kanto Boys.

Pero ayon kay Luis, "Unang-una, yung Kanto Boys, The Movie, dati pa 'yan. Nung prinopose sa amin 'yan, 'yan yung regular pa kaming nagpe-perform [sa ASAP].

"Nandun pa rin naman yung kontrata namin, pero sobrang busy pa rin ng lahat... Lloydie has Imortal; si Vhong, Showtime; kami ni Billy, PGT [Pilipinas Got Talent]. May ASAP kami, may kanya-kanya kaming raket.

"Pero I'm hoping na sana matuloy. We're hoping na matuloy. But realistically speaking, ang hirap hanapan ng sked."

QUIET LOVELIFE. Marami naman ang nagulat sa desisyon ni Luis na huwag nang magbigay ng anumang komento pagdating sa kanyang lovelife, partikular na sa ex-girlfriend niyang si Angel Locsin.

Hindi kaya masabihan siya ng iba, na host siya ng isang showbiz talk show, ang Entertainment Live, pero siya mismo ay ayaw maintriga?

"Kaya nga, 'yan ang lamang ko, wala 'yan sa kontrata. I'll share whatever I want to share, but not necessarily everything.

"If I'm doing an interview at nakikita ko na hindi comfortable ang artista on that certain topic, rerespetuhin ko, hindi ko ipipilit," saad ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN