Miss World-Philippines offers the biggest prizes in the history of beauty pageants in the country

IMAGE 0


"We're honored kasi hindi lahat ng beauty contests puwede mong tanggapin, di ba? Mabuti naman nung prinesent nila yung Miss World-Philippines, maganda naman yung kanyang objective, maganda yung kanyang plan, at saka maganda yung partnership na nangyari. At saka sa slogan pa lang nila na 'Beauty in Giving,' okay na kami dahil may beneficiaries sila, ang PGH Medical Foundation at ang Tuloy Street Children Foundation. So, okay na okay sa amin yun," says GMA-


Isa sa mga guest of honor si GMA Senior Vice President for Entertainment TV Wilma Galvante sa launching ng Miss World-Philippines na ginanap kagabi, March 23, sa SMDC Showroom sa SM Mall of Asia Complex.

Represented nga ni Ms. Wilma ang GMA-7 sa event na ito dahil ang Kapuso Network ang official TV network partner ng Miss World-Philippines 2011.

Naganap ang contract signing between GMA executives Mr. Jimmy Duavit (President and COO) and Ms. Wilma at ang Chairwoman and CEO of CQ Global Quest na si Cory Quirino noong Martes, March 22, sa boardroom ng GMA Network Center.

Ang CQ Global Quest ang may hawak ngayon ng franchise ng Miss World-Philippines at si Cory ang tumatayo bilang pageant director.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Wilma bago nagsimula ang program ng Miss World-Philippines launch kagabi at talagang tuwang-tuwa siya dahil sa malaking tagumpay ng event.

"Nakakatuwa ang reaksiyon ng media, ang reaksiyon ng press, at support nila dito sa Miss World-Philippines. Kasi naman, parang bago siya. This is a search na isang babae ang hahanapin mo na karapat-dapat ilaban sa Miss World. And GMA is all out in supporting Cory in this endeavor," pahayag ni Ms. Wilma.

Bukod sa press and media people, dinaluhan din ang naturang launch ng maraming designers, stylists, talent scouts, at maging ng mga former title holders tulad nina Maria Isabel Lopez (Bb. Pilipinas-Universe 1982), Simonette delos Reyes (Bb. Pilipinas-Universe 1970), at Maggie Wilson-Consunji (Bb. Pilipinas-World 2007).

Ano ang reaksiyon ni Ms. Wilma na pati ang mga beauty queens mula sa Binibining Pilipinas ay pumunta sa launch ng Miss World-Philippines?

"Well, good. We will need all the support we can get," sagot niya.

NETWORK WAR? Hindi kaya mag-translate sa network war ang pagtanggap ng GMA sa Miss World-Philippines lalo na't ang dati nilang hawak na Binibining Pilipinas ay nasa ABS-CBN na ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman kailangang magkaroon ng ganung isyu. Natapos na ang contract ng Binibini sa GMA. So, it's their prerogative kung anong station ang gusto nilang maging partner. We're just happy na now we have Miss World-Philippines," sagot niya.

Ayon kay Cory, ang GMA ang personal choice niya para maging TV partner ng pageant dahil sa magandang track record ng network sa paghawak ng beauty pageants in the past. Ano ang comment ni Ms. Wilma dito?

"We're honored kasi hindi lahat ng beauty contests puwede mong tanggapin, di ba? Mabuti naman nung prinesent nila yung Miss World-Philippines, maganda naman yung kanyang objective, maganda yung kanyang plan, at saka maganda yung partnership na nangyari. At saka sa slogan pa lang nila na 'Beauty in Giving,' okay na kami dahil may beneficiaries sila, ang PGH Medical Foundation at ang Tuloy Street Children Foundation. So, okay na okay sa amin yun."

Bukod sa TV airing ng pageant, ano pa ang support na ibibigay ng GMA sa Miss World-Philippines?

"Media partnership, so lahat ng television exposures nila. Lahat ng events nila, we will cover at mapapanood sa mga shows ng GMA. Gaya ng pagpunta nila sa Puerto Princesa kung saan gaganapin ang swimsuit competition. May TV guestings din ang mga girls."

Posible bang magkaroon din ng contract sa GMA Artist Center o sa GMA mismo ang mananalo?

"Puwede rin basta pasok sa qualifications, di ba?" sabi ni Ms. Wilma.

EARLY PREPARATIONS & BIG PRIZES. Pinuri naman ni Ms. Wilma ang maagang preparasyong ginagawa ng organizer ng Miss World-Philippines kahit na sa July 30, 2011 pa gaganapin ang coronation night sa Philippine International Convention Center (PICC) Plenary Hall.

"Maganda kasi mahaba yung time ng preparasyon. Maganda para sa pag-develop at saka pag-train sa mga girls. So, when you get down to choosing the winner, siguradung-sigurado na perfect na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang magwawagi ng titulong Miss World-Philippines 2011 ay makakatanggap ng cash prize na P1 million at isang brand new condominium unit courtesy of SM Development Corporation (SMDC).

"I believe this is the biggest prize that a winner will take home in the history of beauty pageants here in the Philippines. But of course, the best thing about winning is you get to represent our country in the Miss World contest," sabi pa ni Ms. Wilma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN