Maggie Wilson-Consunji and husband trying to get pregnant; says she doesn't mind gaining weight for the baby

IMAGE 0


Kinuwento ni Maggie Wilson na kina-career na niya ang pagiging Mrs. Consunji. Nag-aral pa raw siyang magluto para maging proud sa kanya ang kanyang mister. "Believe it or not, I really cook! Marunong na ako," malakas na tawa ni Maggie. "Si Vic kasi, he likes to eat kaya lahat ng paborito niya, inaalam ko at pinag-aaralan kong lutuin. In fairness, pasado lahat ng lutuin ko for him."


Muling nagbabalik sa trabaho ang bagong kasal na si Maggie Wilson-Consunji.

Noong December 18, 2010 kinasal si Maggie sa businessman na si Victor Consunji at nagpahinga muna si Maggie para maging misis muna sa kanyang mister.

Kaya marami ang natuwa nang muling makita si Maggie bilang isa sa mga bisita ni Ms. Cory Quirino sa launch ng Miss World-Philippines 2011 sa SMDC Grand Showroom last March 22. Dumalo si Maggie sa naturang event dahil personal siyang inimbitahan ni Ms. Cory Quirino at noong 2007 ay naging representative siya ng Pilipinas sa Miss World.

"I am supporting Miss World-Philippines 2011. I was crowned Bb. Pilipinas-World noong 2007 and wala naman sigurong masama kung nandito ako. Tutal matagal nang tapos ang reign ko sa BPCI (Binibining Pilipinas Charities Inc.) and there's nothing wrong na suportahan ko ang bagong pageant na ito," ang sabi niya.

Anyway, masayang kinukuwento ni Maggie na kina-career nito ang pagiging Mrs. Consunji niya. Nag-aral pa raw siyang magluto para maging proud sa kanya ang kanyang mister.

"Believe it or not, I really cook! Marunong na ako," malakas na tawa ng former beauty queen. "Si Vic kasi, he likes to eat kaya lahat ng paborito niya, inaalam ko at pinag-aaralan kong lutuin. In fairness, pasado lahat ng lutuin ko for him."

Marami ngang kaibigan si Maggie na hindi makapaniwala na mas devoted na ito ngayon sa pagiging misis niya. Hindi na raw kasi nila ito nakakasama sa kanilang mga night out.

"My friends couldn't believe it kasi naging domesticated ako. Nawala na sa sistema ko ang maging isang party girl. I said nga na may asawang tao na ako and my priority is my husband at ang bahay namin na inaasikaso kong linisin din parati.

"As a wife, I want to be a good homemaker as well. Hindi ka lang basta pinakasalan, you have to be what your husband expect you to be. This is the new Maggie. And it's Mrs. Maggie Consunji na," proud pang sinabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinapayagan si Maggie ng kanyang mister na bumalik pa rin sa showbiz. Alam daw kasi ng mister niya na love nito ang trabaho niya. The two met when Maggie was in showbiz.

"Vic knows that and he's not stopping me from working naman. Ako lang ang nagsabi na titigil muna ako to take care of him. Siyempre, natuwa siya.

"But now, may mga offers and my manager is carefully considering some of it. Iniisip din kasi niya kung puwede ba sa schedules ko ngayon. Kasi nga mas priority ko ay ang pagiging misis.

"Showbiz will always be in my heart. I started when I was only 15 years old and I have always loved acting. Ngayon kung may trabaho, okey lang basta hindi ito makakagulo sa schedules ko with my husband."

Huli ngang napanood si Maggie sa drama series na Beauty Queen sa GMA-7 bago siya magpakasal. Balita ngang may offer na sa kanya ang rival network na ABS-CBN 2.

"Hindi ko pa alam ang lahat na iyan. They can ask my manager kung ano na ba ang gagawin ko. As far as I am concerned, naghihintay lang naman ako ng go signal from my manager," pahayag ni Maggie.

Galing na nga mismo kay Maggie na gusto na niyang mabuntis para may anak na sila ng mister niya. Okey lang daw kay Maggie na mawala ang kanyang sexy figure dahil alam niyang isang sakripisyo ang magbuntis.

"We are actually trying na," diin pa ni Maggie.

"I really want to get pregnant na at gusto na rin kasi ni Vic na magkaroon na kami ng baby. Ako, gusto ko na rin talaga. I don't mind kung tumaba ako at mawala ang pagiging sexy ko. I'm [bringing] a life into this world and I will welcome it with my whole heart.

"Babalik din naman ang figure ko, e. Maybe hindi na tulad ng dati but what's important is that makumpleto ang family namin ni Vic. I can sacrifice a lot for the family na gusto naming mabuo," diin pa ni Maggie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtatanong na nga si Maggie sa mga friends niyang may mga anak na at sinasabayan niya ito nang pagbasa ng mga books about babies and mothering.

"I am learning a lot from my friends who are already mothers. May mga tips na sila sa akin kapag nabuntis na ako. And at the same time, I'm reading books or surfing the Net for things about motherhood.

"It's an exciting feeling kahit na hindi pa ako nabubuntis. I just want to be ready for it. I know that God will be giving us a blessing soon. Dedma na muna ako sa pagpapa-sexy kapag nalaman ko na buntis na ako," nakangiting pagtatapos pa ni Maggie Wilson-Consunji.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN