Isabel Oli wishing and praying for issue with James Yap to end

IMAGE 0


"Sa ngayon, ayoko talaga. Pero okay kami. Okay kami as friends. Sobrang okay talaga kami. Parang ayoko ng more than, ayoko," says Isabel Oli when asked if James Yap has a chance if he courts her.


Masaya si Isabel Oli na after a long time ay muli siyang nabigyan ng primetime show ng Kapuso network. Isa si Isabel sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell.

"Masaya, masaya talaga. Pero mortal po ako rito, wala akong costume. Yung character naman, more or less, simple, mabait, so madali lang. Kaya naiinggit din ako sa mga naka-costume kasi ang ganda-ganda ng costume nila, sobra! Nakakainggit.

"Pero na-try ko na rin naman yun, so, okay lang. Sa Gagambino, na-try ko yun. Medyo nakakapagod, pawis, pero ang sarap. Iba talaga kapag superhero!" sabi ni Isabel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday-fans day ni Geoff Eigenmann last Saturday, March 20.

Ayon kay Isabel, ang mga nakakasama pa lang daw niya sa taping ng Captain Barbell ay sina Richard at Solenn Heussaff.

"Kami ni Chard, okay naman, matagal ko nang naka-work yun and okay naman kami. Medyo comfortable talaga ako with Chard kasi matagal na kaming magkaibigan.

"Si Solenn, first time kong maka-work. Si Michelle Madrigal, first [time] din, although friends kami ni Michelle. Ang dami, halos lahat.

"Si Jillian [Ward] ang kulit, ang kulit! Pero, sobrang ka-bonding kong talaga. Sila kasi ang mga kaeksena ko, yung iba, hindi pa," kuwento ng aktres.


STRENGTH FROM FAMILY. Bukod sa pagkakaroon muli ng regular show, masaya si Isabel na okay na ang kalagayan ng daddy niya ngayon. May sakit na cerebellar degeneration ang ama ng aktres.

"My dad is okay. Stable naman. Siyempre, regular yung check-up ni Daddy sa hospital. But he's okay, walang fever, walang infection, thank God! I mean, nandoon pa rin ang sakit niya, pero stable na. He's okay and doing well."

Ayon kay Isabel, ang pamilya niya ang nagbibigay pa rin sa kanya ng lakas.

"Ngayon, alam ko, parang sobrang lagi ko na itong sinasabi, pero nagdarasal talaga ako. Dasal talaga. When it comes to mga issues kasi, hindi ko na kaya minsan, dasal lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And my family, nandiyan sila. Sila pa nga yung mas nasasaktan. Ako, kinakaya ko, pero sila ang mas nasasaktan.

"Ang mga friends ko, 24/7 nandiyan talaga," sabi pa niya.

JAMES YAP. Ang tinutukoy ba niyang isyu ay ang patuloy na pagli-link sa kanila ni James Yap?

"Oo," mabilis niyang sagot.

"My family kasi, alam naman nila na friend ko na talaga even before... James is a good friend. He's one of my good friends. Alam naman nila yun, pero siyempre, parang naintindihan din nila na mahirap din 'yan na ma-link ka sa isang parang kaibigan mo, parang ganoon. So, parang sila ang mas nasasaktan."

Pinag-uusapan ba nila ni James ang isyu sa kanila?

"Actually, nag-uusap na lang kami kapag may tsismis, e. Natatawa na lang kami," sabi ni Isabel.

Bakit hindi namamatay ang isyu ng pagli-link sa kanilang dalawa?

"Oo nga, e. Ako nga rin, yun nga rin ang tanong ko!" tawa niya.

"Hindi talaga siya mamatay-matay. Nagsalita na 'ko, sumagot na rin si James. Tapos, hindi pa rin namamatay. Hindi pa rin namamatay. Hindi ko rin alam kung bakit hindi."

Ayon kay Isabel, noong unang nabalita na nagkita sila ni James sa mall, may boyfriend daw siya that time. Pero itinanggi nitong si James ang dahilan kaya sila nag-break.

"No, not at all. Hindi talaga. May isyu ro'n, pero hindi talaga si James. Si James, isa sa mga kaibigan kong totoo.

"I really pray na sana matapos na. Yun ang wish ko and I really pray about it," asam ni Isabel.

Kung walang katotohanan ang isyu sa kanila ngayon, what if ligawan nga siya ni James? May pag-asa ba ito sa kanya?

"Naku, ayoko ng mga ganyang tanong!" natatawang iwas niya. "Sa ngayon, ayoko talaga. Pero okay kami. Okay kami as friends. Sobrang okay talaga kami. Parang ayoko ng more than that, ayoko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN