Ruffa Gutierrez considers ex-husband Yilmaz Bektas as her "greatest love" but she's still waiting for her "forever love"

IMAGE 0


"Alam mo, iba-ibang level ng pagmamahal. Minsan kasi, nagmamahal tayo sa isang tao na we have the right love at the wrong time. Si Yilmaz, right love, right time, pero may mga problema kaming hindi namin naiwasang ayusin. Yung iba naman diyan, nagmamahal ka, pero wrong timing. Marami kayong problema. Hindi puwedeng ilabas ang aming damdamin. So, wrong timing, huwag na nating pilitin, di ba?" says Ruffa Gutierrez.


Unang primetime series ni Ruffa Gutierrez sa TV5 ang Mga Nagbabagang Bulaklak, kunsaan gumaganap siya bilang isang TV executive.

"I believe ang Nagbabagang Bulaklak ay kakaibang dramaserye. It's the second project of TV5 sa primetime and it's a very unique project.

"Marami na rin po akong mga nagawang teleserye tungkol sa pagiging artista or pagiging singer, but I think, it's the first time tungkol sa pagsasayaw. So, kakaiba po ito," sabi ni Ruffa tungkol sa kanyang kinabibilangang dramaserye.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ruffa sa grand launch ng bagong dramaserye ng TV5 kagabi, March 15, sa Teatrino Greenhills.

Ang huling seryeng ginawa ni Ruffa ay ang I Love You Betty La Fea sa ABS-CBN two years ago pa. Kahit mas madalas na siya sa pagho-host, hindi naman daw siya nanibago sa paggawa ng isang drama series.

"Hindi naman ako nanibago kasi ang mga kasabayan ko naman, ka-close ko at mga nakasama ko na before. Like si Richard Gomez, na nakasama ko Regal days pa lang with Chito Roño, also in the movie na Bakit Ba Kita Minahal? which is one of my favorite films.

"Like si Kuya Ipe [Phillip Salvador], he's the reason why my dad [Eddie Gutierrez] won best actor, ganoon kami ka-close. Basta kinikilala ko lang sila. Hindi ako nanibago.

"I'm very excited. [It's] my first time to work with Jon Red and he's a brilliant director. I'm looking forward to many more scenes with him," pagbanggit ni Ruffa sa direktor ng Mga Nagbabagang Bulaklak.

FASHION STATEMENT. Dahil TV executive ang ginagampanang role ni Ruffa, kapansin-pansin ang mga damit na gagamitin niya sa show. Kaugnay nito ay kumuha siya ng bagong designers na magbibihis sa kanya.

"We wanna use new and local designers," sabi niya. "Kasi, marami tayong mga talented designers na hindi nabibigyan ng pansin, especially the new ones. There's so much talent. There's so much to give in terms of design.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, with my stylist here, Alyanna Martinez, whom I requested for this project, siya ang bahalang kumausap sa mga designers and will make sure na siyempre babanggitin sila at papasalamatan sila.

"I think, yung fashion statement ko rito, more elegant and I wear more black and red. Hindi po bold ang colors. Actually, iba ang look ko dito because I use a wig na pinagupitan ko para maiba naman ang hitsura ko sa Paparazzi at dito sa soap."

RUFFA'S PEG. When asked kung may pagka-mean ba ang character niya sa Mga Nagbabagang Bulaklak bilang si Ms. O (short for Orchidia), Ruffa cited ABS-CBN President Charo Santos-Concio as her peg.

Aniya, "Actually, like Tita Charo Santos-Concio, I'm super very nice, pero nasa loob ang kulo."

Dahil sa sinabi ni Ruffa, maraming nag-react na press at nagtanong kung ganoon daw ba ang presidente ng ABS-CBN na "very nice, pero nasa loob ang kulo." Tila nagulat din si Ruffa sa ginawa niyang paghahalintulad kaya mabilis niya itong nilinaw.

"Hindi naman! Tita Charo is very nice. Naku, teka muna... She's very nice, approachable, palangiti. Pero yung character ko, yun yung nasa loob."

Dagdag niya, "Pero hindi ako nang-aaway ng mga girls na lumalandi sa asawa ko. I just correct them and be friends with them. In the end, I'm sure, gaganti rin ako."

NAGBABAGANG PUSO. Kinumusta naman ng PEP ang lagay ng buhay pag-ibig ni Ruffa. Tulad ba ng title ng serye nila ay "nagbabaga" rin ang kanyang puso ngayon?

"Hindi pa nga. Hinihintay ko nga na magbaga siya!" natatawa niyang sabi.

"Hindi pa... hindi pa siya bumubuka bilang isang bulaklak. Kumbaga, ano lang, minsan pinipitik-pitik, kinikilig-kilig sa mga suitors.

"Pero right now, I'm in the middle of an annulment. Gusto kong tapusin muna yun bago i-fully open ang aking puso at para magbaga naman siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang annulment case nila ng kanyang Turkish husband na si Yilmaz Bektas.

Sa kabila nito, hindi naman itinanggi ni Ruffa na may mga umaaligid at nanliligaw sa kanya ngayon.

"Hindi naman nawawala yun. Kung yung mga matatanda nga na may mga wrinkles, may pag-asa pa sa pag-ibig, ako pa kaya?" tawa niya ulit.

Karamihan ng mga nali-link kay Ruffa ay foreigners, kaya may nagtanong kung bakit hindi na lang Pinoy suitors ang i-entertain niya.

"Hindi n'yo ba napansin, yung mga naging karelasyon ko na local, puro artista?" natatawang sabi niya.

"Huwag na! Hello! Lahat nakikialam. Mabuti na yung non-showbiz, walang nakikialam, tahimik. Happy ang buhay. He doesn't have to be a foreigner.

"But for me kasi, I guess the older you get, mas marami ka ng qualifications na hinahanap. Kumbaga, if [he's] not even worth your time, why bother? I'd rather spend time with my kids.

"May mga umaaligid, pero hindi pa ako nagmamahal. Okay lang yung kilig-kilig, textmate... Parang ang boring naman ng buhay ko kung wala man lang akong textmate!"

Aniya, "Once na official na ang lahat, puwede nang magbaga ang aking puso."

RIGHT LOVE, RIGHT TIME. Kailan ba siya huling nagmahal?

"Well, kailan ba?" nangingiti niyang tanong.

"Alam mo, iba-ibang level ng pagmamahal. Minsan kasi, nagmamahal tayo sa isang tao na we have the right love at the wrong time.

"Si Yilmaz, right love, right time, pero may mga problema kaming hindi namin naiwasang ayusin.

"Yung iba naman diyan, nagmamahal ka, pero wrong timing. Marami kayong problema. Hindi puwedeng ilabas ang aming damdamin. So, wrong timing, huwag na nating pilitin, di ba?

"Kasi, for me, the best kind of love is the one approved by God. Kasi, it will happen at the right time."

Dagdag niya, "Like I've said before, ang greatest love ko ay si Yilmaz. But I know, someday, my forever love will come. Hindi ko pa lang siya nahahanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, you know, in between, we can't help but [encounter] a few frogs until we meet our Prince Charming."

Tapos na ba talaga yung kabanata ng "last love" na tinutukoy niya?

"Oo, 'Day, wag mo nang tanungin!" tawa niya. "Pag-usapan na lang natin magagandang bulaklak.

"Oo naman 'no, period na period na. Pag-usapan natin ang mga future, ang mga bagong bulaklak diyan. Wala na. Nasa baul na. Baka in another life, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN