Arci Muñoz denies removing ex-boyfriend Kean Cipriano from cast of Mga Nagbabagang Bulaklak

IMAGE 0


"Medyo nabigla lang ako. Okay lang naman yung naka-kamison, huwag lang ang basain," says Arci Muñoz on wet-look scene in Mga Nagbabagang Bulaklak.


Mula nang lumipat si Arci Muñoz mula sa GMA-7 at pumuntang TV5, marami nang magagandang bagay ang nangyari sa kanyang career. Gaya na lamang ng pagbibida niya sa bagong primetime series ng Kapatid network, ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

"This is my first lead role actually. Kasi before, kontrabida naman ako palagi. So, ako, I feel really overwhelmed and really, really thankful.

"I've been really emotional pa kasi sobrang overwhelming talaga lahat ng blessing na dumarating sa akin ngayon. Ever since I joined Tita Annabelle's group, sobrang dami ng blessing na dumarating sa akin.

"Of course, sa support ng lahat ng taong nakapaligid sa akin, like my parents, my friends, my family, lahat yun. And I'm really, really thankful for the opportunity," saad ni Arci.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Arci sa presscon ng Mga Nagbabagang Bulaklak sa Teatrino Greenhills kagabi, March 15.

Bukod kay Arci, ang isa pang pangunahing bituin ngdramaseryeay ang Star Factor runner-up na si Ritz Azul. Bagamat magkapatid ang roles nila rito, sila rin ang magiging magkaribal sa kasikatan bilang dancers na nag-aambisyong maging artista.

"Magiging rivals kasi kami rito ni Ritz," sabi ni Arci. "Dahil ang gusto ko maging angat ako sa lahat, pati kapatid ko kakalabanin ko.

"So, eventually, magiging bida-kontrabida siya. Pero hindi ko pa alam kung paano gagawin ng mga writers ang story na yun."

SEXY & DARING. Base sa trailer ng Mga Nagbabagang Bulaklak ay may pagka-sexy at daring ang tema nito. Handa na ba si Arci na gumawa ng mga maseselang eksena?

"Actually, hindi nga kami na-orient ng sobrang magiging daring. Parang kasi, ang pagkakatanggap ko sa story, ang napi-picture ko, yung tipong Marimar. Yung inosente siya na taga-probinsiya na naïve, pero sexy.

"Yun lang, medyo nabigla lang ako. Okay lang naman yung naka-kamison, huwag lang ang basain, kasi see-through na yun!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May wet-look scene sila rito ni Ritz.

"Yun lang, medyo naging uncomfortable lang ako. Pero kinausap ako ni Direk [Jon Red], sabi niya, 'Promise, hindi naman namin hahayaan since it's also TV.' Meron talagang hanggang doon lang."

May pressure daw na nararamdaman si Arci dahil ang unang dramaserye ng TV5 na Babaeng Hampaslupa ay nakapag-generate ng captive audience at maganda ang feedback dito.

"Ako, sobrang napi-feel ko ang pressure right now. But I'm still confident that we can work our way to the top kasi pinaghirapan namin, e.

"At least kami, we give our [best] efforts and we're not gonna fail. Siyempre, yung management namin, ang TV5, lahat ginagawa namin. Sana magustuhan yun ng mga tao.

"But still I'm confident na magwo-work itong project na ito," sabi ni Arci.

EXCLUSIVE TALENT. Three years ang kontrata ni Arci sa TV5, pero puwede pa rin daw siyang gumawa sa ibang network. Kaso nga lang, si Arci na ang nagsabing mananatili muna siya sa Kapatid Network.

"Pero siyempre ako, sign of gratitude, di ba? Why pa, e, they are giving me everything I need dito sa station nila. So, sign of loyalty and gratitude, I'll stay with them.

"Pero siyempre, ako naman, every step I take, I always consider the opinion of my manager, Tita Annabelle [Rama] and my dad, my mom, my family," aniya.

"Noong sinabi sa akin ni Tita Annabelle na may offer dito sa TV5 for My Driver, Sweet Lover, I grabbed the opportunity kasi minsan lang yun, di ba? Kung wala ka namang offer, doon ka sa mas binibigyan ka ng magandang chance.

"So, yun, I'm just really, really thankful. At saka ako, I believe that everything happens for a reason. May rason talaga si Lord, hinayaan niya akong lumipat sa TV5," saad ni Arci, na produkto ng reality-based artista search ng GMA-7, ang StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZERO LOVELIFE. Okay ang career ngayon ni Arci, ngunit pagdating sa love life ay zero raw siya. Pero wala raw problema sa kanya yun.

Okay na ba talaga sila ngayon ng ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano?

"Oo," sambit niya. "Magkasama kasi kami sa Fantastik, siyempre, hindi naman maiiwasang magkasalubong, hi and hello.

"I don't wanna be ignored at ayoko rin naman na ako yung una... I don't wanna be annoyed."

Ayon pa kay Arci, si Kean daw ang unang bumati sa kanya.

"He's the one who greeted me first. May set-up na naka-lineup kami na mga artists. Casual lang. Okay na yun na ganoon. Hindi naman din kasi nire-require na maging friends. Na maging sobrang close friends."

Kung siya naman daw ang tatanungin, mas gusto raw niyang casual lang sila.

"Okay na yung ganito. Marami na ang nangyari, things were said and done. So, para magkaroon ng deeper relationship, wag na," sabi niya.

Nilinaw rin ni Arci ang intrigang ipinatanggal daw niya sa cast ng Mga Nagbabagang Bulaklak ang ex-boyfriend.

"Never na um-appear ang name niya sa choices," diin niya. "Siguro sa Babaeng Hampaslupa, um-appear ang name niya. Isa siya sa mga leading men supposedly. Dito, never, never naming narinig. Hindi ko alam kung saan galing yun.

"Parang nag-usap kami ni Tita Anabelle, sabi niya, 'Day, ano ba itong pinagsasabi nila na nagpatanggal ka raw kay Kean?' Sabi ko, 'Tita, alam n'yo, kung may tatanungin na una, kayo yun. So, dapat alam n'yo, di ba?''

"Tapos, sabi niya, 'Yun nga, wala nga akong alam na ganoon.' Ni hindi nga um-appear ang name niya sa mga choices, e. Talagang si James [Blanco] na ang ipinasok ni Tita Anabelle."

Kung sakaling kasama sa cast si Kean, okay lang ba sa kanya?

"Okay lang sa akin. I'm a professional. Matagal ko na ngang sinasabi, na-interview ko nga siya, di ba?" natatawa niyang sabi tungkol sa insidenteng in-interview niya si Kean para sa Startalk noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN