Jillian Ward not jealous of her baby sister

IMAGE 0


"Love ko po yung mommy ko, siya yung queen. Daddy ko po yung king, tapos ako po yung princess, tapos yung baby po yung pangalawang princess," child star Jillian Ward describes the members of her family.


Ang child star na si Jillian Ward ang pinakabagong endorser ng fastfood chain na McDonald's.

Nagmistulang isang kiddie party ang dinaluhang press conference ng mga miyembro ng media kaninang umaga, March 16, sa McDonald's, Greenbelt 1, Makati City.

Ito ay kaugnay ng 30th anniversary ng nasabing fastfood chain at para din ipakilala si Jillian bilang pinakabago nilang endroser.

Si Jackie Lou Blanco ang nagsilbing host ng event.

Isang makulit at energetic na Jillian ang humarap sa press kanina. Suot ang pink niyang dress, nakipagsabayan siya sa pakikipagkulitan sa mga mascot at sa host na si Jackie Lou.

Tulad na lamang nang pinakilala siya at tinawag ni Jackie Lou na Miss Jillian Ward. Nag-komento si Jillian ng, "Bakit po Miss? Bata pa po ako," na siya namang ikinagulat at ikinatuwa ng karamihan.

Habang naglalaro pagkatapos ng programa, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang 6-year-old na child star.

"Masayang-masaya po ako na kasama ko si Ronald [McDonald] at tsaka nakakatuwa po si Grimace," ang naging mabilis na tugon ni Jillian nang tanungin tungkol sa bago nitong endorsement.

SUMMER PLANS. Excited na din siya sa gagawin niya sa nalalapit na summer.

"McDonald's Kiddie Crew workshop. Sana po lahat po ng mga mommies invite niyo po yung mga anak niyo. Sa mga kids, sabihin niyo sa mommy at daddy niyo na sasali kayo," pag-aaya ni Jillian.

Bukod dito ay pupunta rin siya ng Boracay.

"Sa summer, pupunta po ako ng boracay. Gagawa po ako dun ng mga [sand] castle at mangingisda," kwento niya.

Marunong na ba siyang lumangoy?

"Sa mababaw lang," sagot nito.

Nagpahabol siya ng, "May shark ba dun?"

Kasama ni Jillian sa outing na ito ang kanyang pamilya.

Aniya, "[Pero] bawal yung baby."

BABY SISTER. Ang tinutukoy niya ay ang kanyang baby sister na si Janelle Anika.

Siya pa mismo ang nagbalita na malapit na ang binyag ng kanyang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jennifer, ang mommy ni Jillian, sa April 17 na ang binyag.

"Masayang-masaya ako, ang cute-cute nung baby. Wala pa siyang years old, e. Wala pa siyang one years old, two years old, three years old, four years, five years, old, six years old, seven years old hanggang sixteen years old, wala pa," ang sabi ni niya nang tanungin tungkol sa kanyang kapatid.

Paano ba siya nagiging ate sa kanyang baby sister?

"E, ate na ako, e!" bulalas nito.

Naglalaro ba sila?

"E, baby pa siya, e!"

Pinakita na lang ni Jillian kung paano niya hinahawakan ang pisngi ng kanyang kapatid.

Hindi din siya nalulungkot na may bago nang baby ang mommy at daddy niya.

"Hindi po ako nagseselos, kasi ako po yung una, siya po yung pangalawang princess," nakangiting sambit ni Jillian.

Dagdag pa nito, "Love ko po yung mommy ko, siya yung queen. Daddy ko po yung king, tapos ako po yung princess, tapos yung baby po yung pangalawang princess."

CAPTAIN BARBELL. Nang kinamusta naman ang Captain Barbell, mabilis ang naging tugon ni Jillian, "Okay lang po pero wala po akong taping ngayon pero masaya po sa Captain Barbell."

Nagkwento pa siya nung birthday party niya na kung saan nakasama niya ang kanyang co-star na si Solenn Heussaff.

"Kasama ko din po si Ate Solenn nung birthday ko, nag-celebrate po kami nila mommy at mga friends ko. Ang saya po ng mga friends ko. Ang saya po ng mga games. Tsaka ang ganda-ganda po," aniya.

Bago matapos ang interview, hindi nakaligtaan ni Jillian na imbitahan ang mga manonood sa kanyang show.

"At tsaka abangan niyo po ang Captain Barbell pagkatapos po ng Machete," sabi niya at saka nagpaalam at nakipaglaro ulit sa mga mascot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN