Valerie Concepcion gives her all in love scene with Richard Gomez

IMAGE 0


"Kasi actually, from the very start naman, yun naman ang sinabi. [Yung] character ko, merong love scene, kissing scene, kay Richard Gomez. So, noong malaman ko yun, yung manager ko, pumayag. 'O, sige, Richard Gomez yan.' E, ako naman, basta may trabaho tayo, di ba? Choosy pa ba naman ako, e, Richard Gomez na yun!" says Valerie Concepcion about her love scene in Mga Nagbabagang Bulaklak.


Maituturing na "very daring" ang love scene nina Valerie Concepcion at Richard Gomez sa trailer ng bagong dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

Sa presscon ng naturang dramaserye sa Teatrino Greenhills kagabi, March 15, sabi ni Valerie tungkol sa kanyang character, "I'm playing the role of Violet. Ako ang star ng network nina Mr. D, si Sir Ipe [Phillip Salvador] at Mr. Richard Gomez. At dahil ako ang star, kabit ako ni Mr. Gomez. Yun ang sikreto kung bakit ako naging star ng network.

"But then, palaos na ako at ang papalit sa puwesto ko, si Carla [Humphries]. So, kaming dalawa yung palaging may showdown dito, kaming dalawa yung palaging naglalabanan ng stardom. So, fun, exciting, challenging."

Ayon kay Valerie, "bigay-todo" siya sa love scene nila ni Goma (palayaw ni Richard).

"Siyempre, Richard Gomez yan, di ba? So, binigay-todo ko talaga. E, kasi, nakuhanan na namin. So, talagang todo-todo, walang inhibition!

"Pati sila Direk Jon Red, nagulat. Sabi ni Ate Ruffa [Gutierrez], papasa ba yan sa MTRCB?' Gano'n ang reaction niya. Super kissing scene, as in super sexy ng love scene namin!" saad pa ni Valerie.

Nang tanggapin niya ang soap ay hindi naman daw siya na-brief masyado na super-sexy pala ang gagawin niya.

"Noong nandoon na, siyempre tinanggap ko ang project na ito at ngayon na lang din ako magso-soap after ng hosting. So, feeling ko, marami akong dapat i-catch up when it comes to acting kaya I'm giving it my all."

Malaking bagay ba na si Richard ang ka-love scene niya kaya siya pumayag na gawin ang naturang eksena?

"Yes!" natatawa niyang pag-amin. "Kasi actually, from the very start naman, yun naman ang sinabi. [Yung] character ko, meron love scene, kissing scene kay Richard Gomez. So, noong malaman ko yun, yung manager ko, pumayag. 'O, sige, Richard Gomez 'yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako naman, basta may trabaho tayo, di ba? Choosy pa ba naman ako, e, Richard Gomez na yun!"

SWITCHING CHANNELS. Identified si Valerie bilang isang Kapamilya star. Kaya marami ang nagulat nang gumagawa siya ng primetime soap sa Kapatid Network. Pero nilinaw ni Valerie na hindi siya exclusive star ng TV5.

"Actually, I'm gonna do a soap sa ABS. Freelancer po ako," banggit niya.

Paano niya nagawang magpalipat-lipat ng network gayong mahigpit ngayon ang ibang networks sa pagpapahiram ng kanilang talents?

Paliwanag ni Valerie, "Actually, kasi po, yung role ko rito [Mga Nagbabagang Bulaklak], ang alam ko, sandali lang. It's like for a month lang kaya pinayagan po ako ng ABS.

"Wala rin naman po akong network contract sa ABS. Pero courtesy lang din po, nagpapaalam kami ng mga projects na tatanggapin namin dito sa TV5. And, of course, I'm thankful naman sa ABS dahil pinayagan po nila ako rito."

Hindi naman masabi ni Valerie kung ano at sino ang iba pang makakasama niya sa primetime series na ginagawa niya sa ABS-CBN. Bawal pa raw sabihin at minsan nga raw ay nawarningan na siya.

"Noong twineet ko kung sino ang mga kasama ko, napagalitan ako. Hindi raw po puwede!" natatawa niyang kuwento.

BACK AS WILLIE'S CO-HOST? Nilinaw naman ni Valerie ang usap-usapan na makakasama na siyang muli ni Willie Revillame bilang co-host sa programa nitong Willing Willie kaya nakikita na siya sa Kapatid Network ngayon. Dating magkasama ang dalawa sa defunct ABS-CBN noontime show na Wowowee.

"Wala naman po talagang usapan na lilipat," sabi niya. "There's rumor kasi siguro, parehong natatanong, but there wasn't really na... umabot sa negosasyon or formal talaga."

Pero may offer ba siya?

"Hindi ko nga rin po alam. Pero feeling ko, haka-haka lang din po," sagot niya.

Personally, naghihintay rin ba siya ng offer from Willie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No naman po. Hindi naman po ako nag-e-expect na kukunin ako sa Willing Willie or anything," ani Valerie.

Kung sakaling kunin siya sa Willing Willie bilang co-host, papayag ba siya?

"Manager pa rin naman po yung nag-aano ng career path ko. Sa ngayon po, medyo drama po ang tinatahak natin.

"Pero ako, personally, siyempre trabaho po yan, may anak po ako. So, okay ako. Okay ako...

"Pero siguro, ang mga dapat ko rin i-consider... I don't know, kasi hindi ko rin naman alam kung gusto ako ni Kuya Willie. Parang ako naman ang nag-offer ng sarili ko, di ba?" sabi niya.

Ayon kay Valerie, wala pang pagkakataon na magkita sila ni Willie simula nang mawala ito sa ABS-CBN.

"I'm texting him, pero hindi siya nagre-reply. I don't know if I have the right number kasi nagpalit daw po ng number."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN