Ritz Azul still has limits despite sexy image in TV5's new series

IMAGE 0


TV5's promising young actress Ritz Azul will be launched this Monday, March 21, in the primetime series Mga Nagbabagang Bulaklak.


Drama na may halong sexy ang tema ng upcoming TV5 primetime series na Mga Nagbabagang Bulaklak, na pagbibidahan nina Arci Muñoz at ang Star Factor runner-up na si Ritz Azul.

Sa trailer pa lang at naunang publicity photos na inilabas ng Kapatid Network, marami na agad ang na-curious sa nasabing programa, lalo na sa dalawang lead stars nito na tila walang kiyeme sa pagpapakita ng kanilang kaseksihan sa harap ng kamera.

Last Tuesday, March 15, ay ipinakilala sa entertainment press ang cast members ng serye sa isang red-carpet event na ginanap sa Teatrino sa Greenhills, San Juan.

Bukod kina Arci at Ritz, present din ang iba pang cast members na sina Richard Gomez, Sheryl Cruz, Phillip Salvador, Valerie Concepcion, Carla Humphries, James Blanco, Jay Aquitania, Victor Basa, Jean Saburit, Clint Gabo, Mel Martinez, Rufa Mi, at Ruffa Gutierrez.

Itong darating na Lunes, March 21, ang premiere telecast ng Mga Nagbabagang Bulaklak sa TV5 pagkatapos ng Babaeng Hampaslupa.

FAMILY AGREEMENT. Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makausap si Ritz pagkatapos ng press presentation. Inamin niya na maging siya ay nagulat sa sexy element ng serye at ng kanyang karakter.

"Sa totoo po kasi, biglaan lang, e," bungad ni Ritz. "Nung tinawag po kami sa meeting ni Direk Audie [Gemora], nalaman ko lang po nung malapit na 'yong taping. Hindi ko naman po gusto tanggihan kasi siyempre opportunity na po ito."

Bago tuluyang tanggapin ang role ay kinausap muna ni Ritz ang kanyang mga magulang para malaman kung ano ang opinyon nila sa proyektong iniaalok ng TV5.

"Siyempre, pinag-usapan naman po namin ng parents ko. Nag-meeting po kaming tatlo, only child lang ako. Unang-una po, sabi sa akin ng nanay ko, 'Basta kapag may angal ka o kapag hindi ka kumportable, sabihin mo lang agad.'"

Eventually ay napagkasunduan ng mag-anak na tanggapin ang serye subalit meron pa ring mga limitations na inilatag ang mga magulang ng 17-year-old newcomer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin naman po, alam ko na hindi ako papabayaan ng TV5. Alam ko naman po na alam din nila ang limitations ko. Sana nga po magtuloy-tuloy na 'to, pero hindi sa pagiging laging sexy," nakangiting sabi ni Ritz.

Ano naman kaya ang naging reaksiyon ng mga magulang niya nang makita ang trailer ng programa?

"Siyempre excited sila nung una, tapos na-shock din sila. Pero sabi naman nila na ganun lang naman and sana huwag na lumampas dun sa pinakita," kuwento ni Ritz.

ASPIRING BEAUTY QUEEN. Sa Bahrain ipinanganak si Ritz at namalagi siya doon ng apat na taon bago nagdesisyon ang kanyang pamilya na umuwi at mamalagi dito sa Pilipinas.

Naikuwento ni Ritz na nahirapan ang kanyang ina during the time na ipinagbubuntis siya nito. Kinailangan pa nga raw gumamit ng vacuum extractor ang mga doktor para mailabas siya sa sinapupunan ng kanyang ina.

"Tapos nabuhol pa yung umbilical cord ko... Namatay daw po ako ng 10 seconds," banggit ni Ritz.

Pag-uwi dito sa Pilipinas ay namalagi ang baguhang aktres sa bayan ng Sta. Rita, Pampanga. Nag-aral siya sa St. Mary's Academy hanggang sa pumasok siya sa Lyceum of the Philippines University sa Maynila pagtungtong ng kolehiyo.

Accountancy ang kursong kinuha niya at may balak din siyang maging CPA lawyer pagdating ng araw.

Sa kasalukuyan ay huminto muna si Ritz sa pag-aaral para mapagtuunan ng atensiyon ang kanyang showbiz career.

Nasa adjustment stage pa din kasi siya ngayon pagdating sa takbo ng buhay bilang artista. Pero balak niya na ituloy ang pag-aaral sa oras na matutunan niya magbalanse ng kanyang oras sa trabaho at personal na buhay.

Nalaman din ng PEP na bago sumabak sa showbiz ay dati nang sumasali si Ritz sa mga beauty pageant sa Pampanga. Childhood dream pala niya ang maging isang beauty queen kaya hindi malayo na balang araw ay susubukan niyang lumahok sa malalaking pageants, kagaya ng Binibining Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Ritz na isa na siyang ganap na artista at may launching show na kaagad siya ilang buwan matapos siyang sumali sa Star Factor.

"Sobrang shocked pa rin po ako kasi nung bata ako, pangarap ko lang maging beauty queen. Hanggang sa maging high school, pangarap ko naman maging commercial model. Then, ngayon, nandun na—nasa showbiz na ako."

"No boyfriend since birth" daw si Ritz. Bagamat may mga nanliligaw ay mas gusto muna niya na mag-concentrate sa trabaho para daw hindi masayang ang mga pinaghirapan niya nung nagsisimula pa lang siya.

Pero ano kayang ideal qualities ang hinahanap niya sa isang manliligaw?

"Lovable, yung nire-respect niya ako, tsaka cute," natatawang sagot ni Ritz.

Mas gusto ba niya na kasing edad niya ang magiging future boyfriend niya?

"Gusto ko po mas matanda," mabilis niyang tugon. "Hindi ko po alam kung hanggang ilang taon ang tanda sa akin. Sabi nga nila, age doesn't matter."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN