Carla Humphries on her kontrabida role: "Bongga! May tarayan, sampalan, at costume malfunction."

IMAGE 0


Carla Humpries plays a backup dancer who wants to steal the limelight from the star played by Valerie Concepcion in the TV5 soap, Mga Nagbabagang Bulaklak. "Pa-sweet ako parati pero planado lahat ng gagawin ko, may agenda ako para sumikat," Carla says. They're frenemies only on TV, of course. "Napakabait ni Valerie, walang kiyeme, tawa lang nang tawa. Wala akong masasabi sa kanya," she adds.



Isa si Carla Humphries sa mga artistang iba man ang network na pinagsimulan ay ipinu-push at inaalagaan sa ngayon ng TV5.

Kasama si Carla sa magsisimulang serye ng Kapatid Network this coming March 21, ang Mga Nagbabagang Bulaklak. Kontrabida ang role niya dito — kaaway ng karakter ni Valerie Concepcion.

Sa presscon ng teleserye last March 15 sa Teatrino Promenade, ikunuwento ni Carla sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kakaibang karakter na ginagampanan niya.

"Galing ako sa kahirapan tapos naging backup dancer ni Violet (Valerie), hanggang sa natalbugan ko siya. Yung character ko dito as Ivy Amor, gagawin ko ang lahat para mawala sa kanya yung atensyon, yung mga opportunities," aniya.

Ayon kay Carla, dapat abangan ang mga tarayan nila dito ni Valerie, bukod sa mga showdowns na gagawin nila nang madalas.

"Bonggang-bongga ang mga tarayan namin, hindi lang sa dance floor... May mga sampalan, may pagsasabotahe... may malfunction ng mga costumes. Bale siya yung star dancer, papalitan ko yung trono niya, aagawin ko ang lahat sa kanya.

"Palaban siya pero ang difference namin ni Val, ako pailalim, kumbaga pa-sweet ako parati pero planado lahat ng gagawin ko, may agenda ako para sumikat," paliwanag niya.

Siniguro sa amin ni Carla na kung anumang makikitang tarayan sa kanila ni Valerie, ito ay hanggang sa mga characters lamang nila sa nasabing teleserye.

"Napakabait ni Val, walang kiyeme, tawa lang nang tawa. Marinig mo lang ang tawa niya, alam mong siya na yung parating. Wala akong masasabi sa kanya."

Kasama rin sa nasabing soap opera ang mga batikang artista na sila Phillip Salvador, Richard Gomez at iba pa na sobrang hinahangaan ni Carla sa industriya.

"Sobrang saya ko kasi makakasama ko si Kuya Goma. Actually nakasama ko na siya before sa My Driver, Sweet Lover so nakita ko na kung gaano siya kahusay na aktor... Ngayon ko lang makakasama si Ate Ruffa, si Kuya Ipe so nakaka-overwhelm at nakaka-excite kasi alam kong maganda ang kalalabasan ng Mga Nagbabagang Bulaklak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumusta namin ang love life ni Carla. Inamin ng aktres na tatlong taon na pala siyang walang boyfriend at so far, ay ine-enjoy niya ang pagiging single.

"Wala akong boyfriend, three years na. My last boyfriend was John James [Uy]. Nag-aral ako sa Thailand... Pagbalik ko, we outgrew each other na. Bata pa kami and I guess I wanted to concentrate on some other things," Kwento ni Carla.

"Sa totoo lang, ngayon ko lang na-enjoy maging single. Ang sarap pala ng feeling na wala kang iniisip na ibang tao, at saka talagang naaalagaan mo yung sarili mo, yung health mo.

"Lahat kasi yun napapabayaan mo pag mayroon kang special someone at dun ka nakatutok. Naka-focus ka lagi sa kanya kaya nane-neglect mo yung ibang aspeto ng buhay mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN