Jessa Zaragoza celebrates 10th wedding anniversary with husband Dingdong Avanzado; clarifies separation rumors

IMAGE 0


"Siguro dumarating lang talaga sa pagsasama ng mag-asawa yun. Minsan hindi talaga kayo nagmi-meet ng minds, ng opinions n'yo. Kasi siyempre, kahit pa mag-asawa kayo, kahit gaano pa kayo katagal, minsan mare-realize mo na meron pa ring part of him na hindi mo nakikilala, or vice-versa," says Jessa Zaragoza about her rumored separation in the past with husband Dingdong Avanzado.


Binati ni Jessa ng "Happy Anniversary" ang asawang si Dingdong Avanzado kahapon ng umaga, March 18, sa contract signing niya with Bioessence sa West Avenue clinic nito.

Kasama rin sa contract-signing si Geneva Cruz.

"Happy 10th anniversary, honey!" bati ni Jessa.

Nilinaw ni Jessa na hindi sila talaga naghiwalay ni Dingdong, gaya ng mga usap-usapan noon dahil nga nagkaroon sila ng problema sa kanilang relasyon.

May mga kumalat pang rumors noong nakaraang taon na nagkaroon pa ng matinding pagtatalo ang mag-asawa sa isang parking lot ng isang venue na pinagdausan ng concert nila.

"Maraming mga lumabas na mga balita, pero never naman kami talagang naghiwalay.

"Dumating talaga sa pagsubok ang relationship namin. Pero never naman talaga kaming nag-away ng matindi na may physical pa. Walang ganon," ani Jessa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people na kumo-cover sa contract signing.

Minsan nga lang daw, noong may problema pa sila, magkahiwalay lang sila ng kuwarto kung matulog. Pero yung maghihiwalay sila ng titirahan, hindi raw talaga nangyari.

Wala rin daw third party involved sa naging problema nila ni Dingdong.

"Siguro dumarating lang talaga sa pagsasama ng mag-asawa yun. Minsan hindi talaga kayo nagmi-meet ng minds, ng opinions n'yo. Kasi siyempre, kahit pa mag-asawa kayo, kahit gaano pa kayo katagal, minsan mare-realize mo na meron pa ring part of him na hindi mo nakikilala, or vice-versa.

"Kasi siyempre, two different persons kayo, meron talagang sari-sariling opinion. Pero ang challenge doon, kung papaano n'yo iwo-workout na mag-a-agree kayo, na may respect pa rin at unconditional yun," pahayag pa ng actress-singer.

Sumailalim din daw sila ng marriage counseling sa kanilang pastor para ma-save ang kanilang marriage at heto na nga't nagse-celebrate na sila ng kanilang 10th anniversary.

Malaking bagay rin daw ang pagiging ina niya dahil nakatulong ito sa pag-mature niya bilang babae, lalo na't sampung taon daw ang tanda sa kanya ni Dingdong. Thirty-three lang si Jessa habang 43 years old naman si Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANNIVERSARY GIFTS. Ilang months ago pa raw sila nagbigayan ng regalo, at hindi raw basta-basta ang regalo nila sa isa't isa.

"Yung binigay niya sa akin, mahal, e. Kaya nga sabi ko sa kanya, bakit niya 'ko binigyan nang ganon? Kaya ang ginawa ko na lang, yung gift niya sa akin nung Christmas, yun na lang ang gift [niya] sa akin sa anniversary," kuwento ni Jessa tungkol sa gift ni Dingdong sa kanya.

E, siya naman kaya, ano ba ang niregalo niya kay Dingdong?

"Secret. Hindi puwedeng sabihin. Ayoko na lang sabihin kung mamahalin o ano... Basta, yun kasi yung alam kong gusto niya na magiging happy siya."

NEW ALBUM THIS YEAR. Ibinalita rin ni Jessa na plano niyang simulan ang kanyang bagong album sa taong ito. Magre-reunite sila ng composer na si Vehnee Saturno.

Si Vehnee ang nagbigay kay Jessa ng una niyang hit song nung 1996, ang "Bakit Pa?" Bumenta ito nang husto at nagkaroon pa si Jessa ng pelikula base sa kantang ito kunsaan nakapareha niya sina Diether Ocampo at Troy Montero. Tinagurian ding "Phenomenal Diva" si Jessa dahil sa kantang ito.

"It will be an all-OPM album. Pinaplano pa namin yung mga ilalagay, pero all-Tagalog ito," pahayag pa ni Jessa.

Tinanong ang actress-singer kung maisasama rin kaya sa gagawin nyang album ang pagre-revive ng kanyang past hits tulad nga ng "Bakit Pa?" "Di Ba't Ikaw" at "Ibigay Mo Na."

"Sa parte na 'yan, inaayos pa. Kasi may mga legalities sa contract 'yan, e. If I can re-record my own songs. So, may mga puntos na inaayos about it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN