Louise delos Reyes now famous because of Alakdana; says people recognize her on the street

IMAGE 0


Louise delos Reyes talks about being recognized on the street. "Minsan po kasi, parang may ibang tao na, 'Si Louise ba 'yan?' Minsan naman po, may magsasabing 'Parang may kahawig ka, kamukha mo 'yung nasa Alakdana.' Tapos, sasabihin ng mom ko, 'Siya nga 'yun,'" she says.


Sikat na ba si Louise delos Reyes?

Ito ang diretsong tanong na binitawan ng PEP (Philippne Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa aktres na bida sa haponserye ng GMA-7 na Alakdana.

Napa "Huh?" ang dalaga, pero nang masiguradong naghihintay ng sagot ang ilang entertainment press na dumalaw sa taping ng Alakdana sa Marikina noong Huwebes, March 17, nagsalita na rin siya.

"Medyo po. Minsan po kasi, parang may ibang tao na, 'Si Louise ba 'yan?' Minsan naman po, may magsasabing 'Parang may kahawig ka, kamukha mo 'yung nasa Alakdana.' Tapos, sasabihin ng mom ko, 'Siya nga 'yun.'

"Sasabihin naman po nila, 'Ay bakit hindi kulot ang buhok mo? Bakit wala kang buntot?'" natatawang kwento ni Louise.

Ironically, kung ang ibang Kapuso at Kapamilya stars ay lumilipat ngayon sa TV5, si Louise naman ang lumipat from Kapatid to Kapuso at nagbibida na ngayon.

Ano nga ba ang pakiramdam niya?

"Dati po, parang nami-miss ko yung 5. Iba rin kasi ang samahan namin doon. Parang wala lang. Iba ang pagka-light, parang walang pressure, pero sa show po namin na[Lipgloss] ha? Pero kapag dumadayo kami ng ibang show, nandito 'yung ganito-ganito."

Sa Alakdana, hindi naman itinatanggi ni Louise na may pressure raw talaga siyang nagpi-feel.

"Siyempre po, parang ang taas ng expectation sa 'yo ng mga tao na bakit siya yung binigyan ng ganitong role. Ano ba meron sa kanya? At least, kahit papaano, napatunayan ko sa kanila."

Simula nang umere ang Alakdana ay maganda na ang naitatalang rating ng afternoon series nila. Pero aminado si Louise na hindi siya nagpapakampante. Hindi rin niya itinanggi na aware siya sa mga bagong afternoon series na maari nilang makatapat.

"Ang gaganda ng trailer kasi inilatag po nila ang mga bagong shows nila. Kinabahan ako kasi, ang gagaling din ng mga beteranong aktres na kasama nila. Kinabahan ako in a way na parang maganda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Hindi po kasi ako napapanatag. Paano kung yun nga, merong show na itatapat tapos mas nagustuhan ng mga tao?"

Paseksihan ang tila competition ngayon kahit sa mga afternoon series.

Aniya, "Siguro po parang nagiging trend na lang para ma-capture yung audience. Pero ako hanggang dito pa lang, hindi ko pa po kayang makipagsabayan, hindi pa po siguro sa ngayon."

Ngayong September 1 pa lang magde-debut si Louise. Personally, hindi raw siya nagpa-plano ng bonggang debut party. Ibang tao pa raw ang mas nagpa-plano para sa kanya.

"Para sa akin po kasi, mas gusto ko yung simple lang. Mas gusto ko pa pong i-i-invest sa sasakyan ang magagastos ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN