I Dare You hosts Jericho Rosales, Iya Villania, and Melai Cantiveros get upfront in answering revealing questions

IMAGE 0


Staying true to their upcoming show's tagline, "Wala akong uurungan," I Dare You hosts (L-R) Iya Villania, Jericho Rosales, and Melai Cantiveros gamely answered the questions of PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) that had them spilling out a few secrets.


"Ganitong klase ng presscon ang masarap puntahan," said Jericho Rosales, who was referring sa launch ng I Dare You last July 7, sa Events Place sa Quezon City.

Natuwa ang actor sa mga tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na ayon sa kanya, "hindi tumalakay sa intriga."

Nagmistulang I-Dare-You game ang question and answer portion with Echo (nickname ni Jericho), kasama ang kanyang co-hosts na sina Iya Villania at Melai Cantiveros.

Ang unang tanong, "I Dare you to tell us kung ano ang pinaka-daring proposal na nakuha mo?

Ang mabilis na sagot ng singer-actor, "Naligawan na ako ng mas matanda sa akin."

In other words, isang matrona ang sumubok na bigyan siya ng kung anu-anong regalo.

"Pero, di siya umubra sa akin. Di ko tinanggap," ang sabi ni Echo.

Gusto pa sana namin siyang i-dare na pangalanan ang "mas matanda" na nanligaw sa kanya pero humirit ang Kapamilya star ng, "Tama na kasi pag nabasa niya ito, malalaman niyang siya ang tinutukoy ko. "

Isa pang tanong: Ano ang pinaka-ayaw niya sa sarili?

Aniya, "Yung laging nagmamadali. Yung pabigla-bigla. Na dapat uupuan ko muna at iisipin bago mag-react at mag-decide. Pero now, I am trying to change that kind of attitude."

At kung may isang tao na gusto niyang i-dare, "Ang presidente [referring to President Noynoy Aquino]," ang kanyang nasambit.

"Gusto ko siyang i-dare to help the movie industry. Kasi malaking part ng society ang show business natin. Sana mas bigyan ng pansin at tulong."

Hindi nakalusot si Iya sa aming I-Dare-You line of questioning. "I dare you na sabihin mo sa amin kung ano ang ayaw mo sa boyfriend mo na si Drew Arellano."

"Nothing," ang nakangiti ngunit seryoso niyang sagot. "I like everything about him kaya kami masaya. Wala akong maisip kasi nagkakasundo kami. Walang problema."

Halos seven years na rin ang kanilang relasyon, nag-dare na ba si Drew para yayain siyang pakasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No. Hindi pa," sagot niya.

E, sinubukan na ba niyang yayain si Drew to settle down?

Tawa lang ang sagot ng TV host-actress.

Sino ang gustong i-dare ni Iya to guest in the show?

"Siguro si Nikki Gil. Gusto ko siyang makita doing the challenges kasi ang sosy [sosyal] niya. Kayanin niya kaya? Baka naman," aniya sabay tawa.

It's Melai's turn.

"I dare you, ano ang ayaw mo sa boyfriend na si Jason Francisco?"

Deretsahan nitong sinabi, "Makulit at bugnutin. Oo, minsan, ganito, ganyan. Tapos ako naman naiinis."

Inamin rin ni Mela na may mga LQ (Lovers' Quarrels) sila.

"Minsan magkakatampuhan kami, pero okey lang. Okey naman. Oo, gano'n. Nagbabati naman kami. Ayun. "

Ilang beses na silang nag-kiss ni Jason?

"Ay! Ahi-hi-hi. Ewan. Wag na yun. Chuva naman 'yan," ang una niyang hirit.

Pagkatapos, sinagot rin niya ang tanong, "Sige, kung bibilangin natin kasi 'yan, as in 30 thousand times, times na yata 'yan. Ay , ano ba yan? Joke lang. Naku."

Gaya ng tanong kay Iya, nag-dare na ba si Jason para yayain siya nito to make love?

"Ewan. Naku. Bawal ang ganyan. Ay, ano ba 'yan? Napapagalitan na ko ni Jason kasi ang daldal-daldal ko daw. Kung anu-ano daw pinagsasabi ko."

ABOUT THE SHOW. Ang naturang reality show ay ang unang pagsasanib-puwersa ng News and Current Affairs division at Entertainment group ng ABS-CBN.

Dito, susukatin ang kakayahan ng bawat celebrity guest sa iba't ibang challenges para makakuha ng reward, na ibibigay naman sa isang ordinaryong tao na nangangailangan.

Ang kuwento ni Iya, sa nasabing show raw niya napatunayan kung gaano kabait at katibay bilang tao si Echo. Wala raw itong inuurungang challenge.

Nakita naman daw ni Echo ang pagiging pusong Pinay ni Iya at ang side ng pagiging half-Australian nito. Good mix daw ng isang mabuting babae.

At si Melai, siya ang comic relief, ayon kina Iya at Echo. Natural siya sa TV at di na raw kailangang um-effort dahil nakakatuwa na siya as she is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN