Ruffa Gutierrez celebrates birthday party á la awards night

IMAGE 0


Ruffa Gutierrez with her rumored beau Eduardo Puertas, who attended the birthday girl's party held recently at the Fever Lounge of Hotel Sofitel Philippine Plaza Manila.


Isang bonggang birthday celebration ang in-organize ni Tim Yap para kay Ruffa Gutierrez noong nakaraang June 30 sa Fever Lounge ng Hotel Sofitel Philippine Plaza Manila.

Nagmistulang reyna ang actress-host sa kanyang kasuotang pencil-cut orange gown, na may mahabang trail sa likod, na ginawa ni Rajo Laurel.

Ang venue naman ay nagmistulang palasyo na pinalamutian ng blue, silver, at pink balloons na may palawit na ribbons.

Star-studded ang birthday party na tinipon ang mga artista mula sa Kapamilya, Kapuso at Kapatid networks.

Ang guest list ay pinangunahan ni Willie Revillame, na tinabihan ng mommy ni Ruffa na si Annabelle Rama at ni Governor Chavit Singson.

Sabay na dumating ang mag-asawang sina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach, na kitang-kitang nag-enjoy sa kasasayaw sa dance floor, lalo na noong 80's dance hits ang pinatugtog.

Matagal ding hindi nakita sa Manila event ang sh-boom girl at ngayon ay Boracay-based na si Rachelle Lobangco, na dumating kasama si Jackie Forster.

Present din ang magkaibigang sina Geneva Cruz at Rachelle Alejandro, na kasama ang kanyang Spanish husband.

CELEBRITY COUPLES GALORE. Agaw-eksena rin ang ilang couples na kasama sa guest list.

Andoon si Will Devaughn at ang rumored belle niyang si Wendy Valdez. Matatandaan nag-deny ang dalawa noongkasagsagan ng isyu tungkol sa pagpapakasal at pahihiwalay ng huli sa Pinoy Big Brother alumnus na si Bruce Cabral.

Cool na cool naman ang fashionista pair na si Victor Basa at Divine Lee.

Samantala, ang anak nina Bong Revilla at Lani Mercado na si Bryan ay nakitang sweet na sweet kasama ang TV Patrol showbiz reporter na si Gretchen Fullido.

AWARDS. Isa sa mga gimmick noong gabing iyon ay ang pagpili ng mga best-dressed celebrities.

Tinanghal bilang Star of the Night si Sunshine Cruz na hindi kasama si Cesar Montano. Mala-Barbie Doll ang dating aktres sa kanyang violet gown na may ruffles sa isang balikat. Binigyan ng laruang korona at isang bote ng wine si Sunshine bilang reward.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agaw-pansin naman ang seksing kasuotan ng Showtime host na si Anne Curtis, na naka-black tube (kung saan naka-display ang kanyang flat stomach) at naka-skirt (na kita ang kanyang hita), at naka-boots.

Kasama ni Anne ang kanyang boyfriend na si Erwann.

Tinanghal ang dalawa bilang Sweetheart King and Queen of the Night. Pinutungan din ng laruang corona si Anne at binigyan sila pareho ni Erwann ng tig-iisang bote ng wine.

Binigyan parangal naman sina sina Georgina Wilson at Raymond Gutierrez bilang Prom King and Queen of the Night.

THE BIRTHDAY GIRL. Siyempre, nagkaroon blowing of candles ang dating beauty queen.

Kitang-kita ang kasiyahan ni Ruffa sa kanyang birthday celebration, na mas lalong pinasaya ng isang foreigner na kanyang rumored beau.

"Masayang masaya 'ko dahil nandito halos lahat ng mga kaibigan ko para makipag-celebrate sa birthday party ko. Lalo na kay Tim Yap na nag-organize ng party na ito. Ang wish ko lang this year ay good health for my family, more success in my career, more success sana sa lovelife ko balang araw. And na-realize ko this year na ayaw ko na pala magka-anak. Tama na sa 'kin sina Lorin at Venice. Sila na lang ang mga baby ko," ang masayang wika ng TV5 star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN