MTRCB thinks "punitive sanctions" should be imposed on Willing Willie; TV5 promises reforms

Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg">

Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg">

IMAGE 0


"Matuto tayo sa sitwasyon na ito. Resolbahin natin pero gawin natin nang tama. Hindi porke lahat ng tao ay sumisigaw ng mali o tama ay agad-agad papanigan natin para lang matapos na. Hindi. Pinag-aaralan mabuti," says MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares about the controversial March 12 episode of Willing Willie.


Kaugnay ng mga sunud-sunod na pagpapahayag ng pagkadismaya sa kontrobersiyal na March 12 episode ng Willing Willie, ilang reporma sa regulasyon ng network ang ipatutupad ng TV5.

Sa third briefer na inilabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa website nito (www.mtrcb.gov.ph) kahapon, April 4, isinaad dito ang regulatory measures na gagawin ng Kapatid network para sa mga programa nito, lalo na kung saan lumalabas din ang mga bata.

Sa preliminary conference hearing kahapon ng MTRCB, ito ang ibinalita ng TV5 Executive Vice President and COO na si Robert Barreiro:

"Imposed stricter guideline on the appearance and performance of minors, particularly, children on all TV5 programs;

"Required that all auditions of TV5 programs be supervised by representatives designated by the TV5 Ombudsman;

"Appointed and internal Ombudsman to entertain complaints regarding offensive programs;

"Imposed a moratorium on contests and game shows involving minors;

"Created a Standards Advisory Board to be composed, among others, of a psychologist, a creative director, and children's communications expert;

"Engaged the services of a team of psychologists to attend to Jan-Jan's needs." (CLICK HERE to read related article.)

SANCTIONS AGAINST WILLIE. Sa kabila ng mga repormang ito, binigyang-diin ng MTRCB na dapat magbigay rin ang TV5 ng kaukulang parusa para sa programang Willing Willie at sa mga host nito bilang parte ng kanilang self-regulation.

Ang mga rekomendasyong ito na inihain sa kanilang kagawaran ay susuriin pa rin ng Hearing and Adjudication Committee at depende pa sa approval ng Chairperson.

"Kinausap naman namin sila kung ano naman ang rekomendasyon nila para sa sarili nilang self-regulation. Binigyan namin sila ng pagkakataon na magbigay ng posibleng reporma, pero hindi namin sinasabi na tinatanggap namin ito kung sakali," pahayag ni MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares sa panayam sa kanya ni Kara David para sa News To Go ng GMA News TV kaninang umaga, April 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POSSIBLE OFFENSE. Ayon kay Chairperson Poe-Llamanzares, dalawa ang maaaring nilabag ng naturang episode ng Willing Willie, kung saan nagsayaw ang anim na taong gulang na si Jan-Jan ng "macho-dance routine" kapalit ng P10,000 mula sa host na si Willie Revillame.

Sabi niya, "Sa ilalim mismo ng MTRCB Presidential Decree 1986 Section 3C, na nagsasabi na, kung anuman ang naiisip ng board members na salungat, kung ano man 'yong customs and good morals ng contemporary Filipino standard—kung salungat ito, indecent, 'yon, isa na 'yong violation.

"Pangalawa, mayroon tayong [Republic Act] 7610, child protection. 'Yon, basically, na dapat walang pang-aabuso—physically, mentally, or emotionally—sa isang bata. And you cannot undermine the dignity and self-worth of the child."

Umiwas magbigay ng personal na opinyon si Chairperson Poe-Llamanzares tungkol sa isyu.

Ngunit sinabi niya na kaya nagkaroon ng pagdinig ang MTRCB tungkol dito ay dahil "marami sa ating mga kababayan ang nakakita na talagang offensive ito."

Pero siniguro niya na mananatili pa ring patas ang kanilang grupo sa pagdinig ng kasong ito.

"In the spirit of fairness, alam mo, ito 'yong dalawa naming sinasabi—the respondent will always have the chance to air his side or her side, and that we will always uphold the dignity of the child."

PARENTAL GUIDANCE. Bukod sa Willing Willie at kay Willie mismo, may ilan ding sinisisi ang mga magulang ng bata dahil hinayaan lamang nilang mangyari ang insidente.

Ayon sa isinumiteng affidavit ng tiyuhin ni Jan-Jan na si Argie Estrada, na siyang nagturo ng sayaw sa bata, hindi na bago ang ganitong klase ng sayaw para sa kanyang pamangkin.

Nagawa na raw ito ng bata sa kanilang school programs, piyesta, at iba pang masasayang pagdiriwang (CLICK HERE to read related article.)

Gayunman, hindi raw sapat ang parental consent, ayon sa MTRCB chairperson.

Aniya, "Alam mo, kaya nga tayo mayroong mga parental guidance, di ba? Hindi naman dahil sa ginagawa ng isang batang boluntaryo, e, tama 'yon para sa bata. Kaya nga may mga nakatatanda sa paligid ng bata na gumagabay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi natin sinasabi na ginagawa niya sa school, tama ba naman 'yon? Nagiging tama na 'yon? So, hindi na 'yon dapat.

"Kaya nga sinasabi natin kung ano ba ang mga mitigating standards, kung bakit naging gano'n—may malisya ba? Isa 'yan sa mga pinag-aaralan."

Idiniin din ng MTRCB chairperson na bukod sa mga network, kailangan ding maging responsable ang mga magulang sa mga bata.

Aniya, "Alam mo, damang-dama ko rin kung ano ang mga nararamdaman ng mga magulang. Magulang din tayo. Ang mga magulang ko ay artista rin.

"At noong sila'y nag-umpisa noong bata pa, ang kanilang mga magulang ay binigyan sila ng suporta."

Si Mary Grace ay anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Patuloy niya, "Pero ang pinakamahalaga ay isipin natin ang kapakanan ng ating mga anak. Kasi, kung hindi natin dedepensahan ang kanilang kapakanan ay sino pa ang gagawa?

"E, di, 'yong estado na?

"Kaya kapag ang mga magulang mismo ang umaabuso sa kanilang mga anak, the state can step in to intervene, to actually descend and uphold the rights of the child."

POSSIBLE SANCTIONS. Nang tanungin naman kung ano ang maaaring ipataw na parusa sa mga involved sa kaso, hindi rin nagbigay ng siguradong pahayag si Chairperson Poe-Llamanzares.

Sa halip, nagbigay siya ng mga halimbawa.

Paliwanag ng MTRCB chair, "Alam mo, kaya nga pinag-aaralan natin dahil ayaw naming abusuhin ang aming kapangyarihan.

"Kasi, nasa board 'yan at nasa chairman kung ano ang paratang—mayroong fine, may suspension ng show, mayroong suspension ng network kung saka-sakali.

"Ayaw nating humantong... Alam nating maraming dumedepende sa trabaho nila dito sa industriya.

"Pero dapat naman nating itama kung saka-sakaling may nagkamali."

FOR THE IMPROVEMENT OF THE INDUSTRY. Nilinaw rin ni Chairperson Poe-Llamanzares na ang kanilang ginagawang pagdinig ay hindi lamang para maayos ang kontrobersiya sa Willing Willie, kundi makagawa na rin ng resolusyon para sa ikabubuti ng industriya sa kabuuan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Kinakailangan ay mag-meet tayo sa gitna, kung ano ba talaga ang makabubuti sa industriya.

"Dito sa sitwasyon na ito, para hindi na tuluyang maging trahedya, kung sakali man, kinakailangan ay malaman natin kung ano pa ang maitutulong sa buong industriya. Hindi lamang dito sa partikular na sitwasyon na ito.

"Ako man, gusto ko nang maresolba ang kasong ito.

"Pero dapat, hindi lamang dapat resolbahin ang partikular na kasong ito. Kailangan ang isipin natin ay sa pangmatagalan, sa lahat ng industriya—na magkaroon ng corporate social responsibility.

"Lahat ng networks, dapat magkaroon ng gabay para sa kabataan.

"Matuto tayo sa sitwasyon na ito. Resolbahin natin pero gawin natin nang tama.

"Hindi porke lahat ng tao ay sumisigaw ng mali o tama ay agad-agad papanigan natin para lang matapos na. Hindi. Pinag-aaralan mabuti."

Sa huli, muling nilinaw ni Chairperson Poe-Llamanzares na patuloy pa rin ang pagdinig ng kanilang kagawaran sa kasong ito.

Diin pa niya, "Hindi lamang isang tao o isang show ang kailangan dito kundi isang buong sistema. Maaring maraming nagkasala o maaring walang nagkasala. Kaya kailangang salain mabuti."

Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg">


Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg"> Willing Willie; TV5 promises reforms" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25117/mtrcb-thinks-punitive-sanctions-should-be-imposed-on-willing-willie-tv5-promises-reforms" data-desc="MTRCB chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares calls on TV networks to have "corporate social responsibility."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/e0b5dab60.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN