Phillip Salvador on playing supporting roles: "Noong nagsisimula ako, sinuportahan ako ng mga mahuhusay na artista. It's time to pay it forward."

IMAGE 0


"Never naman naging issue sa akin ang sumuporta sa ibang artista. Hindi naman tayo namimili ng trabaho... to support these new talents ay parte ng pagiging artista ko," Phillip Salvador says about his new role in TV5's Nagbabagang Bulaklak.



Muli ngang nagbabalik sa pag-arte sa telebisyon ang award-winning actor na si Phillip Salvador via the newest drama series ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak.

Gagampanan nga ni Kuya Ipe ang role bilang si Mr. D, ang may-ari ng TV station na ETVN kunsaan magaganap ang lahat ng kaguluhan, tagumpay at kontrobersya ng dalawang kapatid na mag-aartista na sila Dahlia (Arci Muñoz) at Daisy (Ritz Azul).

Ang huling labas ni Kuya Ipe sa isang TV drama ay noong 2007 sa seryeng, Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik sa ABS-CBN.

Kasama sana si Kuya Ipe sa cast ng Amaya ng GMA-7, pero natanggap na raw kasi niya ang offer ng TV5 bago pa man dumating ang alok ng Siyete.

"Napakapag-commit na kasi ako sa TV5 last year pa. Kaya noong mag-offer ang GMA-7 for that guest role in Amaya, hindi ko na natanggap kasi nga na-i-cast na ako sa Mga Nagbabagang Bulaklak.

"Pero may gagawin naman ako for GMA Films. Kasama pa rin ako sa cast ng Ang Panday: Ikalawang Yugto with Senator Bong Revilla. Para 'yan sa 2011 Metro Manila Film Festival," pahayag ni Kuya Ipe sa press launch ng Mga Nagbabagang Bulaklak sa Teatrino Greenhills last Tuesday (March 15).

Nagandahan si Kuya Ipe sa cast ng bagong serye. Bukod nga sa mga baguhan na sila Arci at Ritz, kasama rin sa drama series sila Richard Gomez, Ruffa Gutierrez, Sheryl Cruz at Jean Saburit.

"It's truly an honor for me to be a part of this very ambitious and grand TV drama. Noong malaman ko ang buong cast, alam ko na aabangan ito ng marami. I've worked with these fine actors and actresses before and it feels good na makatrabaho sila ulit. I am looking forward na makasama sila sa taping," ngiti pa niya.

Wala nga raw problema kay Kuya Ipe kung magiging support siya sa mga bida na sila Arci at Ritz. Nagawa na raw niya ito sa ibang artista at maganda nga raw na nakakatulong siya sa mga baguhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never naman naging issue sa akin ang sumuporta sa ibang artista. Hindi naman tayo namimili ng trabaho... to support these new talents ay parte ng pagiging artista ko.

"Kung sa movie nga ni Senator Bong na Ang Panday ay pumayag akong maging support, bakit ko naman hindi gagawin sa mga baguhan. Ilang beses ko nang ginawa 'yan. I supported KC Concepcion in her first movie For The First Time. I also played support kina Jericho Rosales and Anne Curtis in Baler.

"Noong nagsisimula ako, sinuportahan ako ng mga mahuhusay na artista. It's time to pay it forward. Ako naman ang susuporta sa kanila and I am happy to do that," diin pa niya.

Sa naturang presscon nga ay nagbigay ng advice si Kuya Ipe sa baguhang si Clint Gabo na produkto ng Star Factor ng TV5. Alam niya na bini-build up si Clint na maging future matinee idol and leading man ng TV5. Ngayon pa lang daw ay dapat alam na nito ang kanyang gagawin para tumagal sa entertainment business.

"Sinabi ko sa bata na darating ang panahon na sisikat siya at lalaki ang pangalan niya. Lagi niyang lingunin ang pinanggalingan niya at huwag niyang kalimutan ang mga taong tumulong at naniwala sa kanya.

"Sinabi ko rin na parati siyang makikinig sa manager niyang si Ms. Annabelle Rama. Kailangan disiplinado siya kapag nasa poder siya ni Annabelle.

"Kung talagang gustong magtagal ni Clint sa trabahong ito, walang masama kung susundin niya ang mga payo naming mga beterano na sa industriyang ito," pagtatapos pa ni Phillip Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN