JC de Vera on reprising Robin Padilla's role in Utol Kong Hoodlum: "Nahihiya ako kasi baka mamaya sabihin ng tao ginagaya ko si Sir Robin."

IMAGE 0


"Kasi siyempre, maki-criticize ako kung paano ko aatakihin yung role. Tapos siyempre, si Sir Robin, kumbaga, icon na 'yan, e. Tapos ako bigla ang gagawa. Parang nahihiya ako sa kanya, baka mamaya kulang yung maipakita ko, o medyo hindi ko magawa nang maayos yung role," says JC de Vera about reprising Robin Padilla's role in the TV remake of Ang Utol Kong Hoodlum.


Masaya si JC de Vera dahil sa kanya ipinagkatiwala ng Kapatid Network ang TV remake ng Viva Films movie na Ang Utol Kong Hoodlum (1990) na pinagbidahan noon ni Robin Padilla.

"Sobrang saya ko kasi fan din ako ni Sir Robin, e, tapos gusto ko ring talaga gumawa ng action para lang maiba rin naman sa mga ginagawa ko," sabi ni JC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa blessing ng bagong opisina ng Royale Artists Management noong Sabado, March 19, sa Imperial Palace Suites.

Ganunman, nahihiya raw si JC kay Robin.

Aniya, "Kasi siyempre, maki-criticize ako kung paano ko aatakihin yung role. Tapos siyempre, si Sir Robin, kumbaga, icon na 'yan, e. Tapos ako bigla ang gagawa. Parang nahihiya ako sa kanya, baka mamaya kulang yung maipakita ko, o medyo hindi ko magawa nang maayos yung role.

"Pero ano naman, hinanda ko rin naman talaga yung sarili ko para dun. Ayun, nag-i-MMA [mixed martial arts] fighting na ako ngayon, nagti-training ako once, o pag minsan, twice a week. Pag may free time, nandun ako. Tapos ayun, regular, gym.

"Nahihiya ako kasi baka mamaya sabihin ng tao ginagaya ko si Sir Robin, e, nasa TV naman siya. Naisip ko baka puwedeng lagyan lang ng konting twist para hindi talaga gayang-gaya.

"Mahirap kasi din palang gumawa ng action sa TV. Kahit yung mga direktor, staff, nahihirapan pag full-time action talaga."

Nakilala si Robin bilang isang action star, pero hinahaluan din niya ng comedy ang bawat pagganap niya. Kaya rin ba ni JC ang nag-a-action and at the same time ay nagko-comedy rin?

"Ano kasi, yun yung mahirap pagdating sa TV, kasi nag-aano kami sa script, e. Ako talaga, sumusunod ako sa script, e. In fairness naman dun sa mga scriptwriters namin, naglalagay naman sila ng mga scenes na may action-comedy.

"Tapos ayun, yung sidekick ko, si Empoy, kahit normal yung scene, nagiging comedy dahil sa kanya. Very thankful din ako na si Empoy yung naging sidekick ko kasi ang galing sa comedy. Tapos nagdya-jive din kami as mag-sidekick kaya sobrang saya ko, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE NEXT ACTION STAR. Mukhang nalilinya na sa action si JC. Nang maging feautured artist siya noon sa 5 Star Special Presents ay may mga episodes siya rito kung saan ay nag-action din siya.

Yun na ba ang ang plano sa kanya ng TV5, ang i-buildup siya bilang isang action star?

"Hindi naman," sabi ni JC. "Kasi yung sa 5 Star, pina-testing lang nila ako na mag-action. E, ako naman kasi, kung ano man ang ibinigay sa akin, pinaghahandaan ko talaga yun.

"And ayoko naman mapahiya sa mga tao na, eto yung ibinigay sa akin, tapos hindi ko seseryosohin. Siguro nakitaan nila ako na seryoso ako na mag-action, yung dedication ko sa show, nandun. Kaya siguro ako nga yung pinili nila para sa Utol Kong Hoodlum."

Napanood niya ba ang Utol Kong Hoodlum ni Robin?

"Oo, pinanood ko siya sa YouTube. Meron talagang mga movies si Sir Robin sa YouTube, halos lahat nandun," banggit ni JC.

Nakapagsimula na raw ng taping sina JC ng Utol Kong Hoodlum. Pero natigil ito dahil hindi available ngayon ang ilan sa cast nito.

"Naka-six weeks taping na kami. Kaya lang na-stop kasi halos lahat ng cast wala. Unang-una si Jas [Jasmine Curtis], nasa Australia. Tapos si Jay Manalo, may Babaeng Hampaslupa, nasasagad siya dun. Si Arci [Muñoz], may Mga Nagbabagang Bulaklak. Si Empoy naman, ganun din, busy siya ngayon.

"Kaya yung shedule, nagkagulo-gulo muna. Pero magre-resume na kami by next week, kasi pauwi na si Jas. Kailangan na naming mag-taping ulit."

JC'S LEADING LADY. Si Jasmine ang kapareha ni JC sa Ang Utol Kong Hoodlum. Attracted ba siya sa younger sister ni Anne Curtis?

"Pag sinabing na-a-attract kay Jas, as in very attractive naman talaga siya. Kasi yung personality niya, very pleasing, tapos very friendly pa siya sa lahat. So, kahit anong gawin mo, ma-a-attract ka sa kanya," sagot ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung walang Danita Paner sa buhay niya, puwedeng bang mahulog ang loob niya kay Jasmine?

"Why not, di ba? Wala namang masama siguro. Pero yun nga, e, kailangang maihiwalay mo yung work sa mga ganung bagay. Si Jas naman, sa tingin ko, yun din naman ang ipinunta niya rito, yung work."

Di ba't parang may reputasyon si JC na lahat ng nakakapareha niya ay nililigawan at nakakarelasyon niya?

"Ay, hindi naman lahat! Eto namang si Jas, hindi, e. Behave ako ngayon. Baka barilin ako ni Tita Daisy Romualdez!" natatawang pagbanggit ni JC sa pangalan ng adoptive mother ni Danita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN