Marian Rivera shields herself from intrigues by avoiding the Internet; shrugs off negative comments

IMAGE 0


Marian Rivera says she doesn't use a laptop. She doesn't have accounts in social networking sites like Facebook or Twitter. "Simula nung mag-artista ako, tinanggal ko 'yan sa akin. Kasi siyempre, artista, magbabasa ka, masisira ang araw mo pag may nababasa ka. Tinanggal ko 'yan lahat sa akin. Parang may issues man, hindi ko nababasa. May nagsasabi, pero hindi ko nakikita. Tinanggal ko talaga," she says.


Kung meron mang isang artista na laging laman ng intriga, ito ay walang iba kundi si Marian Rivera.

Dahil na rin marahil sa kanyang tinatamasang kasikatan, hindi maiiwasan na punahin o pansinin ng iba ang kanyang mga ginagawa o sinasabi. May mga pagkakataon ding nagiging tampulan ng usap-usapan si Marian dahil sa narinig o nabasa nilang tsismis tungkol sa aktres.

Pero ipinagkikibit-balikat lang itong lahat ni Marian. Hangga't maaari ay iniiwasan niyang makabasa ng anumang maaaring ikasira ng kanyang araw—gaya ng pagse-surf sa Internet o paggamit ng alinmang social networking sites gaya ng Facebook at Twitter.

Kaya wala raw katotohanan ang mga lumalabas na balita na kesyo may inaway siyang artista o sinuman sa Twitter o Facebook

"Wala! Wala akong Twitter, wala akong Facebook, hindi nga ako nag-i-Internet, e. Siguro may gumawa lang ng account ko para sirain yung isa, pero hindi ako 'yon," diin ni Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Spooky Nights Presents Bampirella noong Lunes, March 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Hindi ba siya gumagamit ng laptop?

"Hindi din. Simula nung mag-artista ako, tinanggal ko 'yan sa akin. Kasi siyempre, artista, magbabasa ka, masisira ang araw mo pag may nababasa ka. Tinanggal ko 'yan lahat sa akin. Parang may issues man, hindi ko nababasa. May nagsasabi, pero hindi ko nakikita. Tinanggal ko talaga," sabi ng aktres.

Madali ba siyang maapektuhan ng negative comments?

"Hindi. Pero siguro, bilang artista, kailangan umiiwas ka sa mga bagay na alam mong maaapektuhan ka, at makikita mo, tapos mawawala ka sa mood. Iwas ka na lang," paliwanag ni Marian.

Ano lang ang gadgets na ginagamit niya?

"iPad lang, laro. Cell phone, ordinaryong Nokia lang," banggit niya.

Kung ang ibang mga artista ay nagkakaroon ng komunikasyon sa kanilang fans sa pamamagitan ng Twitter o Facebook, ano ang paraan ni Marian para makipag-ugnayan sa kanyang mga tagahanga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinupuntahan kasi nila ako kung nasaan ako," sagot niya.

MISCONCEPTIONS. Madalas ding masabihan o maparatangan si Marian na "suplada." Pero hindi naman nababahala ang Kapuso star.

"Hayaan mo na. Siguro dahil sa personality ko, dahil sa mestiza ako. At saka medyo naisyu na, 'Ay suplada! Hindi namamansin!' Siguro yun ang tumatak sa utak nila na suplada ako.

"Pero kapag nakikilala ako, 'Hindi naman pala suplada, e. Kalog naman pala. Mukhang bakla naman pala, e.' Okay na ako do'n. At least, defense mechanism din...

"Ganun talaga, e, kanya-kanyang personality, di ba? Okay na 'yon, hayaan mo sila," sabi niya.

Bukod sa pagiging "suplada," ay nasasabihan din si Marian na "selosa." Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi naman, e. Bakla nga lang ako, e!" tawa niya.

Hindi ba siya nagseselos sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

"Hindi, kaya nga nagtataka ako [sa lumalabas na mga tsismis]," ani Marian.

Dahil daw sa "pagseselos" na ito ni Marian kaya siya "napaaway" sa co-star niya noon sa Endless Love na si Bela Padilla. Pero ayaw na raw itong pag-usapan ng aktres dahil matagal na itong tapos.

Pero inamin ni Marian sa PEP na hindi pa sila nagkikita ni Bela mula nang "pagbatiin" sila sa opisina ni Ms. Wilma Galvante noong isang taon. Kahit daw sa Party Pilipinas, kung saan pareho silang semi-regular, ay hindi pa nagtatagpo ang kanilang landas.


HER LOLA'S BIRTHDAY. Noong March 9 ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang lola ni Marian na si Mrs. Francisca Rivera. Ikinuwento ng aktres sa PEP ang naging birthday gift niya sa kanyang pinakamamahal na lola.

"Tinanong ko sa kanya, 'Nay, gusto mo bang maghanda katulad last year?' Sabi niya, 'Hindi, ayoko, gusto ko kumain lang tayo sa restaurant kasama yung barkada ko.'

"Yung barkada niya ay 18, puro sila matatanda. Puro babae. May barkada siya, Kapisanan ang tawag nila, yung mga nung araw pa na magkakasama. Hanggang ngayon, magkakasama pa rin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi ko, 'O sige, Nay, hanap ako ng lugar.' Gusto raw niya sa Golden Bay, diyan sa may Roxas [Boulevard]. Yung Chinese restaurant diyan. Dun ko sila dinala ng mga kaibigan niya, masaya naman sila.

"Tapos nung kinagabihan, nung araw ng birthday niya, pumunta kami sa Resorts World, yung play do'n, yung Kaos," lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN