Eula Valdes reprises the iconic villainess role of Selena in the remake of Mula sa Puso

IMAGE 0


Veteran actress Eula Valdes says she has her own attack on the role of Selena in Mula sa Puso. Asked if she will be as evil as the original Selena, as played by Princess Punzalan, Eula smiles and says, "Hindi ko 'yan masasabi ngayon kasi nagsisimula pa lang kami, pero who knows? Kasi iba na yung times ngayon."


Muling bubuhayin ang teleseryeng Mula sa Puso (1997), na unang pinagtampukan nila Claudine Barreto, Diether Ocampo, at ang namayapang si Rico Yan.

Ang batikang aktres na si Eula Valdes ang gaganap sa now-iconic contravida role of Selena, na unang ginampanan ni Princess Punzalan.

Isang magaling na aktres, si Princess ang unang asawa ni Willie Revillame at anak ng yumaong TV-and-radio host na si Helen Vela. Nakatira siya ngayon sa America kasama ang kanyang American husband, ngunit dumalaw siya saglit dito sa Pilipinas kamakailan lang.

Si Eula Valdes ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang miyembro ng press nitong tanghali ng March 24, ilang oras pa lang ang nakakaraan, sa press conference ng Mula sa Puso, na ginanap sa 14th floor ng ELJ Bldg, ABS-CBN Compound, Quezon City.

PLAYING SELENA. "Hindi ko siya [Mula sa Puso] masyadong natutukan kasi hindi ako palanood ng TV. Pero merong mga snippets lang na naalala ko. Medyo vivid sa akin yung tawa niya," ang sagot ni Eula nang tanungin tungkol sa pagkakaiba ng pagganap nila ni Princess.

Pagpapatuloy niya, "Pero hindi ko siya ma-compare kasi magkaiba kami ng personalidad sa totoong buhay, at kung paano yung atake namin, depende din yun sa amin. Basta evil siya [Selena], pero magkaiba kami ng atake for sure."

Naging kilala ang karakter na Selena dahil na rin sa pagiging ubod nang sama nito. Mapapantayan ba niya ang pagiging masama ng dating Selena?

"Hindi ko 'yan masasabi ngayon kasi nagsisimula pa lang kami, pero who knows? Kasi iba na yung times ngayon," ang sagot ni Eula, isang aktres na hinahangaan ng lahat sa bawat role na gampanan niya. Liban sa mga kontrabida roles niya sa TV, siya rin ay gumanap bilang ZsaZsa Zaturnah sa stage.

Ibang atake nga ang gustong gawin ni Eula sa pagganap ng Selena. Nang tanungin kung kinausap ba niya si Princess bilang paghahanda sa role na ito, umiling si Eula, ngumiti at saka nagsabing, "Hindi. Okay lang ako. Hindi na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At saka siya nagpatuloy at nagkuwento.

"Hindi ko siya nakausap. Although may nagsabi sa akin, nasa fb [facebook siya], although I don't know lang kung totoong siya... yung nag-comment na sabi niya parang 'pinapamana niya yung koronang made of wire and bomba daw.

"Parang sabi niya, 'Pinapamana ko na kay Amor Powers yung korona ni Selena na gawa sa wire at bomba,'" kwento ni Eula.

Ginampanan ni Eula sa teleseryeng Pangako Sa 'Yo ang role ng kontrabidang si Amor Powers.

OKAY WITH DJ DURANO. Samantala, nilinaw din ni Eula ang isyu na lumabas na kinasangkutan niya umano at ng manager niyang si Ricky Gallardo, kasama ang direktor ng Mula Sa Puso na si Wenn Deramas at ang isa pang cast na si DJ Durano.

Hiningi umano ni Ricky kay Direk Wenn na tanggalin sa line-up si DJ.

Nang nagsalita sa general press conference si Direk Wenn, sinabi nito, "Wala na iyon. Kung ano man ang sama ng loob ko nung una dahil doon, nawala na dahil sa ipinakita ni Eula."

Sa side naman ni Eula, wala daw siyang kaalam-alam sa isyu hanggang sa siya ay tinawagan at kinausap ni Direk Wenn.

"Unang-una, tinawagan ako ni Direk Wenn nung nasa kabila pa ako [Channel 7], nagtete-taping ako. Sabi niya...gagawin natin yung Mula Sa Puso, ikaw si Selena, paglalaruin kita. Parang binibigyan niya ako ng freedom na paglaruan yung character.

"Sabi ko interesado ako, pero my manager has to know it, kasi kelangan din silang kumausap sa manager ko. Kaya wala akong alam, totoo, mamamatay man ako, wala akong alam.

"Unang-una, nalaman ko na lang 'yan na may ganyang isyu nung tinawagan niya [Direk Wenn] ako. Unang sabi niya sa akin, 'Alam kong kaibigan kita.' Sabi ko, 'Hindi ko alam 'yan, hindi ko alam kung nag-usap na ba kayo?' Kasi yung manager ko, hindi pa niya sasabihin sa akin kung hindi pa napag-usapan, kung hindi pa confirmed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm sure hindi yun yung dahilan. Nagkaroon lang siguro ng misunderstanding. Hindi din naman si Ricky ganun na klase ng tao," sabi ni Eula.

Hindi rin makita ni Eula ang dahilan kung bakit aayawan niyang makatrabaho si DJ.

"Wala! Unang una, nakatrabaho ko na si DJ sa Kampanerong Kuba pa lang. Ang tagal naming nagkasama, si Direk Wenn din ang director namin dun. Nag-bonding na kami.

"Sa akin kasi, bakit mo tatanggihan kung mas mapapadali ang trabaho kung kaibigan mo yung kaeksena mo? Kampante ka na mas madali mo magagawa yung eksena.

"Tsaka hindi ako yung tipo ng tao na pipiliin ko yung mga kasama ko. Ako, gusto ko lang talaga umarte, gusto ko lang magtrabaho.

"Kanya-kanyang diskarte 'yan, kahit na sino maging partner ko, kanya-kanyang diskarte 'yan. Hindi ko panghihimasukan yung mga ganyan na ayaw ko makapartner si... ganito... ganyan... Never!" paliwang ng batikang aktres.

ON BOYFRIEND ROCKY. Napunta ang usapan sa boyfriend nitong si Rocky Salumbides. Masayang ikinuwento ni Eula na proud na proud siya sa recent achievement ng kanyang kasintahan.

Ito ay ang Best Supporting Actor award ni Rocky para sa gay indie film na Muli sa Gawad Tanglaw.

Sinabi ni Rocky sa PEP na si Eula ang tumutulak sa kanya na pagbutihin ang pag-arte (CLICK HERE to read related story).

"Siyempre masaya ako kasi kahit paano alam na niya ngayon na gusto niya na pala umarte," ang masayang sambit ni Eula.

Dagdag niya, "Kasi before, pag tinanong ko siya, 'Hindi ko sure.' Sabi nga niya, buti pa daw ako, nung bata pa ako alam ko na kung ano gusto ko maging—gusto ko maging artista—siya hindi daw talaga."

Pinapayuhan ni Eula ang kasintahan sa ganitong mga aspeto.

"Minsan may mga times na nag-iisip, tapos tinatanong ko [kung ano iniisip niya]. Iniisip niya na what is in store for him daw? Sabi ko, 'Alam mo, mag-pray ka lang, at lahat naman ng naging trabaho mo seryoso siya at hindi siya naglalaro.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Darating din yung para sa iyo.' Tapos may award na siya! 'So ayan na nga yun, wag ka na mag-isip pa kung ano pa ang dapat mong gawin.'

"Kasi iniisip niya na dapat daw bumalik na siya ng modelling kasi meron siyang offer abroad. Sabi ko, 'E, di pag walang offer dito...' Kaso meron, so eto na yon!" kwento ni Eula tungkol sa kasintahan.

Nakatulong din daw kay Rocky ang acting award nito upang masolusyunan ang mga issues nito tungkol sa pressure na maging successful sa industriya ng showbiz.

"Minsan nabanggit lang niya na napre-pressure siya. Na parang may dapat gawin siya na maging successful siya kasi nahihiya siya na marami na nga ako nagawa... ganyan-ganyan.

"Sabi ko, 'Kanya-kanyang panahon lang 'yan. Bata ka pa, darating din 'yan sa iyo. Basta you just work hard.'

"Okay naman siya, naka-boost sa morale niya yung award kasi nga napansin siya. At parang happier person siya ngayon!" saad ni Eula.

Close din si Rocky sa mga anak ni Eula.

"Niloloko nga namin na ang girlfriend niya yung bunso kong babae. Kasi inaalagaan niya talaga. Yung panganay ko, okay din sila kasi hindi ganun kalayo yung agwat nila sa isa't isa. Anything na sa school, nagkwekwentuhan sila," sabi ni Eula.

Ngunit nilinaw ni Eula na kahit na maayos na maayos ang kanilang relasyon, hindi pa nila napag-uusapan ang kasal.

Tinanong din ng PEP, na dahil na rin mas matanda siya sa current boyfriend niya, kung naapektuhan ba siya ng mga negatibong comments ng ibang tao.

Ngumiti si Eula at saka dinaan sa kwento ang sagot, "Meron akong narinig na isang babae noong kumakain kami sa restaurant. Tapos binulong niya sa asawa niya na, 'Ang bata naman ng kasama niya.'

"Alam mo, tinignan ko lang yung babae, tapos inisip ko, 'E, ikaw nga, pangit ka nga para sa asawa mo, e, di ba? Parang ano ba problema mo? Yung asawa mo nga gwapo nga para sa iyo! Pakialamera!" Sabay halakhak ni Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay pa ito ng payo para sa mga babaeng nasa sitwasyon ng tulad niya.

"Just be true to yourself. Naniniwala kasi ako na age doesn't matter. Kasi kung magka-edad naman kayo, o maikli lang yung agwat ninyo, kung hindi kayo magkasundo—wala din.

"Ano naman kung mas matanda yung babae, kung matured naman yung lalake kahit na bata pa siya? Siguro pag-isipan ding mabuti kung saan ba papunta yung relationship nila. Naglalaro lang ba sila? Ako kasi... yung lalabas na maghahanap ng... kasi lonely? Hindi!

"Sabi ko nga, kaya ko mabuhay mag-isa... Swerte-swerte na lang 'yan, and nasa iyo na lang iyan kung magiging okay yung relationship ninyo. And so far, yung sa amin nagwo-work," sabi ni Eula nang nakangiti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN