Procter & Gamble suspends ad placements on Willing Willie

IMAGE 0


Multinational firm Procter & Gamble has decided to suspend advertising on Willing Willie, the variety-game show hosted by Willie Revillame (in photo) because of the controversy that happened on its March 12 episode.


Pagkatapos ng Mang Inasal ng Jollibee Food Corporation, sinuspinde na rin ng Procter & Gamble Philippines ang advertising placements nila sa programang hinu-host ni Willie Revillame sa TV5, ang Willing Willie.

Ito ay kaugnay pa rin ng insidenteng naganap sa March 12 episode ng Willing Willie kunsaan nagsayaw ang isang anim na taong gulang na batang lalake ng "macho-dance routine" kapalit ng P10,000.

Ayon sa opinyon ng marami, "child abuse" diumano ang nangyari sa naturang episode. Habang tuwang-tuwa kasi ang audience, umiiyak namang nagsasayaw ang bata. (CLICK HERE to read related story.)

Sa statement na ipinadala ng Corporate Communications, Brand Public Relations ng P&G sa press, sinabi rito na sinuspindi muna nila ang advertising nila sa programang Willing Willie simula ngayong araw, April 7, "while the incident is being reviewed and investigated by authorities."

Narito ang kabuuan ng statement ng P&G:

"Procter & Gamble strives to advertise on programs that align with our values as a company and our purpose to touch and improve lives. We routinely monitor the media in which our brands' messages appear and make advertising decisions that meet our policies and achieve our goals. We are aware of the recent incident in the program of Willing Willie and we have suspended advertising on the show beginning April 7, 2011, while the incident is being reviewed and investigated by authorities."

Sa March 29 episode ng Willing Willie, matatandaang nagbanta si Willie sa advertisers na magbo-boycott sa programa niya. (CLICK HERE to read related story.)

"Alam n'yo ho, pag binoycott kami ng advertisers, yung mga nagmamahal naman sa amin, hindi nila bibilhin ang produktong 'yan," sabi ni Willie.

Ilan sa mga produkto ng P&G na may ad placement sa Willing Willie ay ang mga sumusunod: Ariel, Tide, Joy, Downy, Safeguard, Olay, Pampers, Whisper, Pantene, Head & Shoulders, at Rejoice.

PANA. Kaugnay nito, ibinigay ng Philippine Association of National Advertisers (PANA) ang desisyon sa kanilang miyembro kung magpu-pull out sila ng advertisements sa Willing Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan ng isang sulat sa head ng consumer's group sa Facebook, sinabi ng PANA na ipinaalam na nila sa kanilang mga miyembro ang concerns ng iba't ibang sector tungkol sa kontrobersiyang ito sa programa ni Willie.

Pinadalhan din ng PANA ang mga miyembro nito ng kopya ng letter-complaint tungkol sa March 12 episode ng Willing Willie.

"We are sharing this information to our membership consistent with our mission statement which states that: PANA aims to be an association of advertisers providing leadership, guidance and support in the promotion of effective, truthful and responsible marketing communications, championing self-regulation, consumer protection, values formation and the advancement of the practice of marketing communications to global standards," saad dito.

Dagdag pa ng PANA, "With this information, we trust that our members will be guided accordingly on the best decision to take."

Ang Procter & Gamble ay miyembro ng PANA.

MTRCB. Samantala, inaasahan na maglalabas ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng kanilang desisyon ngayong araw, April 7, sa magiging kapalaran ng Willing Willie.

Sa isang panayam ay sinabi ni MTRCB Chairperson Grace Poe-Llamanzares na isa sa mga kinukunsidera nila ay ang pagsususpinde sa programa.

At presstime ay sinusubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ng TV5 at Wil Productions sa hakbang na ito ng P&G.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN