Gelli de Belen says family comes first: "Napaka-hands-on bilang ina, 'di ba?"

IMAGE 0


Natutuwa si Gelli de Belen sa role niya sa Bampirella bilang si Mitch, isang mapagkunwaring nagbabait-baitan na may-ari ng isang candy store pero isa pala siyang witch sa totoong buhay. Magiging biktima niya ay ang tauhan niyang si Cindy, played by Marian Rivera. Gagawin niya itong isang vampire na maghahasik ng lagim tuwing alas-dose ng gabi.


Sunud-sunod man ang mga trabaho ngayon ni Gelli de Belen sa GMA-7, hindi niya nakakalimutan ang kanyang pag-asikaso sa kanyang pamilya.

Kahit nga raw magsabay-sabay pa ang mga ginagawa niya sa labas ng kanilang tahanan, kapag oras na para sa kanyang mga anak at asawa ay hindi puwedeng hindi niya ito harapin.

Isa nga sa bagong host ng Tweetbiz sa GMA News TV si Gelli at kasama rin siya sa four-week comedy-suspense series na Spooky Nights Presents Bampirella.

Ayon kay Gelli, hindi naman daw siya nahihirapan sa mga trabaho niya ngayon. Twice a week niya inilalaan para sa Tweetbiz at once a week naman daw ang taping niya for Bampirella. Kaya sobra-sobra nga ang oras at panahon niya para sa kanyang pamilya.

"Alam naman ng lahat na mas priority ko ang pamilya ko. Napaka-hands-on bilang ina, 'di ba? Kaya noon, okey lang na SiS lang ang show ko kasi yun pa lang, parang puno na ang schedule ko for the whole week.

"Kaya nga noon, hindi ako palatanggap ng mga drama series. Kasi alam ko na puyatan 'yan. May daily show na kasi ako noon kaya alam ko na hindi ko makakaya ang magkaroon pa ng soap opera. Ano, hindi na ako uuwi? Paano na ang pamilya ko, 'di ba?

"Pero God has an answer sa lahat. Noong mawala nga ang SiS, doon ako nabigyan ng mga drama series tulad noong All My Life na nasundan ng Panday Kids at kelan lang 'yung Bantatay.

"At least hindi na ako sobrang pagod kasi iyon na lang ang tinatrabaho ko. Ang taping naman for a drama series ay three or two times a week lang. Kaya lamang pa rin ang oras ko for my kids and my husband (Ariel Rivera).

"Ngayon kasi, hindi naman ako ngarag sa Tweetbiz. Puro chikahan lang at tsismisan kami nila Nay Lolit (Solis) at Tim (Yap). Mabilis ang trabaho namin doon. Itong Bampirella naman, four weeks lang siyang tatakbo kaya mabilis din kami matapos," mahabang pahayag pa ni Gelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa nga si Gelli sa role niya sa Bampirella bilang si Mitch, isang mapagkunwaring nagbabait-baitan na may-ari ng isang candy store pero isa pala siyang witch sa totoong buhay at magiging biktima niya ay ang tauhan niyang si Cindy (played by Marian Rivera). Gagawin niya itong isang vampire na maghahasik ng lagim tuwing alas-dose ng gabi.

"Kilala n'yo naman ako, laki ako sa mga ganyang shows. Gusto ko yung may kakaibang character. Tulad ng huli kong comedy series na JejeMom, iba ako roon. And do you all still remember Honey Grace ng Ober Da Bakod? Mag-flashback ba tayo?" sabay tawa niya ng malakas.

"Gusto ko yung pinaglalaruan ang character ko. Serious na nga ako sa pag-host ng talk show, eh. Tsaka ang last na series ko na Bantatay, serious ako doon. Okey na magluka-lukahan ako sa ibang mga programa para maiba. Para there is something interesting sa gagawin ko.

"Tulad nga rito sa Bampirella, isa akong witch at para akong hango sa isang kuwento ng Walt Disney. May prosthetic nose pa ako na suot para naman hindi obvious na bruha ako rito! In fairness, bumagay ang prosthetic nose ko sa ginagampanan ko na role."

Hindi na nga Kapuso ang kanyang mister na si Ariel Rivera dahil bumalik ito muli sa ABS-CBN para lumabas sa drama series na Mula Sa Puso. Huli ngang napanood si Ariel ay sa afternoon drama series na Ina, Kasusuklaman Ba Kita?

Ayon naman kay Gelli ay diskarte naman daw 'yan ni Ariel at ng management ng Backroom Inc. Kung ano raw ang makakabuti sa career ni Ariel, iyon naman daw ang susundin nito.

"With regards naman sa career ng mister ko, hindi naman ako nakikialam. Sila na ni Kuya Boy [Abunda] ang nag-uusap diyan. Ako naman, nalalaman ko na lang na ganito pala ang mangyayari. Tulad nga ng pagbalik niya sa kabilang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's okay naman kasi nasa GMA-7 pa rin naman ako, 'di ba? At least, nasa dalawang TV stations ang magulang ng mga anak ko. Hindi na masama.

"Whatever Ariel does with his career, kahit saan pa siyang network mapunta, I will always be by his side. Todo pa rin ang support ko sa kanya. Ganyan din naman siya sa akin, e. So nagbibigayan lang kaming dalawa," pagtatapos pa ni Gelli de Belen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN