Dawn Zulueta's kids not allowed to watch her new teleserye: "They will not understand watching me na inaapi."

IMAGE 0


In the ABS-CBN remake of the serye, Mula sa Puso, Dawn Zulueta plays the role of the underdog, Magda, while Eula Valdes plays the all-out kontrabida, Selena.


Sa pagbabalik ni Dawn Zulueta sa telebisyon via the remake of Mula Sa Puso ng ABS-CBN, kitang-kita sa trailer pa lang ng serye ang apoy sa mga confrontation scenes nila ni Eula Valdes.

Sa serye, ang underdog na si Magda ang papel na ginagampanan ni Dawn, samantalang ang all-out kontrabida na si Selena naman ang natoka kay Eula.

Si Jaclyn Jose ang unang gumanap sa papel na Magda, at si Princess Punzalan naman, sa papel na Selena.

Komo nga umaapoy sa tensyon ang eksena nina Dawn at Eula sa trailer-teaser pa lang ng soap, natanong ng PEP si Dawn kung may effort ba na magpagalingan silang dalawa ng huli?

"Kami kasi, we appreciate kasi how meaty...the roles [are] for us. All we really need to do is just do our part. And if we do our part well, then we complement each other's performances. Doon lang kami nakatutok. It's not so much the competition how to outdo the others, kasi we're completely opposite poles in terms of the roles. So, for as long as we do our parts correctly, then hindi lang kami ang masaya kundi yung mga manonood and yung mga boss namin sa ABS CBN," paliwanag ni Dawn.

Sa presscon proper, pinuri ni Dawn ang galing ng Kapamilya Network pagdating sa technical aspects ng paggawa ng serye. Binanggit ni Dawn ang mga high-tech na kamera, klase ng ilaw, at iba pang equipment na ginagamit sa show. Sabi pa niya, iba ang look ng mga shows ng ABS-CBN, at gumaganda raw tuloy ang mga artistang lumalabas dito.

Intriguing ang mga pahayag ni Dawn tungkol sa ABS-CBN dahil nagtrabaho siya sa GMA-7 bago siya nagbuntis sa kanyang second child.

Noong matanong si Dawn tungkol dito, agad na nilinaw ng aktres na wala siyang gustong patamaang network sa kanyang pagbanggit sa mga katangian ng Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natanong tuloy si Dawn kung may sama ba siya ng loob sa GMA-7, ang Kapuso Network, kaya ganoon na lang ang papuri niya sa ABS-CBN.

"No, wala. Hindi ganon yun. Please, huwag ninyong kulayan. Ang sinasabi ko lang, if you compare—'cause I do and I switch channels—nakikita naman ninyo yung brilyo. Iba ang brilyo pag nanonood ka, iba ang register sa ABS. Yun lang ang napansin ko.

"Siyempre, it's always good to be a part of a network na alam mo ang facilities nila. Everything has improved, become high-tech—their cameras. Siyempre, kaming mga artista, technical kami. Totoo na pag napanood mo ang sarili mo, mas maganda ako dito," paglilinaw niya.

THE PERSONAL AND THE PROFESSIONAL. Aprubado raw ng asawa niyang si Congressman Anton Lagdameo ang kanyang pagbabalik showbiz.

"Okey lang naman kasi part of the deal. Ang deal naman kasi is, if I'm coming back to work, I only work for three days in a week. Meron naman akong cut-off time. Okey lang naman yun sa kanya.

"Basta, I still have time for the kids at hindi ako masyadong napapagod," saad niya.

Nakakapanibago ba ang muling pagbabalik sa pagganap?

"Not so much. Ang nakakapanibago lang naman is working again. Kasi pag wala kang ginagawa, relax ka lang sa bahay. Tapos biglang you start work at 7 a.m. and you end at 3 a.m. Yun lang ang nakakapanibago. Pero nakakasanay rin naman ng katawan."

Lastikman ang huling seryeng nilabasan ni Dawn dahil nabuntis siya uli.

"I got pregnant again, gave birth, and I had to lose weight before going back to work again—a total of two years."

Hindi pa masabi ni Dawn kung may hilig ang kanyang eldest son na si Jacobo sa pag-a-artista. Naaliw lang raw siya dahil mahilig na itong mag-drama o paglaruan sila ng daddy niya sa pamamagitan ng pagda-drama nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahigpit lang ang bilin ni Dawn sa mga yaya ng kanyang mga anak na huwag papanoorin ang mga ito ng kanyang serye kapag umeere na ito.

"I gave instructions to the yaya na kapag um-ere ito, huwag itong ipapanood sa mga anak ko. They will not understand watching me na inaapi, na pinahihirapan ako. I don't want them to see that, kasi hindi pa nila magi-get yun.

"My son Jacobo si five years old, my youngest Ayisha is one year and nine months. Yun nga, e, especially for Ayisha. Si Jacobo, mai-explain ko pa, pero hindi si Ayisha, hindi."

Kuntentong ina si Dawn sa kanyang dalawang anak.

"I have very good angels with me. The yayas naman are always there to help me. But I tried to be as much as possible hands-on. On the days that I'm free, sacred sa akin yung mga araw na yun, kasi that's the time I get to spend time with the kids."

MAINTAINING SHOWBIZ LOOKS. Kahanga-hanga pa rin ang ganda ni Dawn. Hindi ito kumukupas hanggang ngayon. Maging ang kanyang pigura ay parang hindi nagbago.

"Mahirap nga actually the second time around. Mahirap na. Pero nagagawa pa rin naman," pag-amin niya.

"I have to invest time also sa pagpapaganda now that I'm under contract with Facial Care na nagpapaganda sa akin. Tapos bumisita ako sa Marie France. I need that for maintainance, the way na mari-retain ko kung anuman yung nakikita ninyo ngayon."

May effort daw talaga sa pagmi-maintain niya ng kanyang looks and figure—para sa asawa, para sa kanyang image as a celebrity, at para na rin sa kanyang sarili.

"It's all of that. It matters to me that I'm attractive pa rin to my husband. To my husband, it doesn't matter to him. He doesn't care whether I'm fat or thin. I've been fat before, and he still loves me. Masuwerte ako in that way. Pero hindi ko inaabuso yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would like na i-maintain pa rin...my figure . And it's for myself kaya I do these things. And, yes, it has to do also with my work in the industry of showbusiness. Siyempre, if you're in the industry, you have to show up properly, di ba?"

Nanatili pa rin palang image model-endorser ng Robinsons Mall si Dawn at hindi raw totoong pinalitan na siya ni Maricar Reyes.

"I've never ended my contract. She's an add-on," kumpirma ni Dawn.

ACTING OVER SINGING. Pagdating naman sa kanyang singing career, ikinagugulat ni Dawn na may nakaka-alala pala sa kanyang pagiging singer dati.

"Meron ba ako no'n?" natatawa niyang tanong.

"Hindi naman umusbong yun. I never pursued it. I became very busy with acting and I really realized early on na I'm really more an actress than I am a singer, so hindi ko na pinipilit yan. But for live stage and theater I make an effort because I love performing, you know, in the theater, live theater stage."

Ang huling stage appearance ni Dawn ay sa A Little Night Music. Dito ay kumanta siya, at ang most memorable song doon ay ang "Send in the Clowns." Pinuri si Dawn ng mga kritiko sa pagganap niya, at dinala pa ang play sa Singapore.

SHOWBIZ OVER POLITICS. Ngunit hanggang sa TV, pelikula, at stage nga lang daw siya. Kahit sinasabing ang showbiz ay hindi nalalayo sa pulitika, matatag si Dawn sa kanyang desisyon na hindi pasukin ito. Hindi naman niya tinatalikuran ang civic involvement. Manapa'y kaliwa't-kanan ang kanyang outreach engagements, kasama na ang pagtatatag ng Kahit Hindi Pasko Foundation.

"That's all I wanted to do, that's all I want to do. I want to continue doing my social civic work quietly and not be involved in government. 'Cause I'd rather do it as a private citizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magulo na e, sa showbiz na tayo. And alam ko naman kung ano yung strength ko—and I'm happy doing what I do and I'm happier as an actress. And I think I'd do better as an actress than I would as a public servant."

DAWN & GRETCHEN. Ngayong nasa Kapamilya Network na si Dawn, posible kayang makatrabaho niya sa isang serye si Gretchen Barretto? Aktibo ngayon si Gretchen sa naturang network.

Matatandaang nagkasamaan ng loob sina Dawn at Gretchen nang magsama sila sa isang commercial shoot. Naging isyu ang pagdadala ng sariling microwave ni Gretchen nang punahin ito ni Dawn.

Bagamat nabalitang nagkaayos rin sila matapos nang ilang buwan, mayroon ding usap-usapang hindi na uli nagbalik ang closeness ng ang dating magkaibigan.

"No comment!" mabilis na iwas niyang sagot na sinundan niya ng tawa.

"No comment. We will see. You know me naman, I choose all my projects according to the material."

Kinumpirma naman ni Dawn na nagka-ayos na sila ni Gretchen.

"Oo naman. Pero hindi pa kami nag-uusap. So, how can... I cannot give you a definitive answer di ba? Depende."

ABS-CBN CONTRACT. Dalawang taon para sa dalawang soap ang kontrata ni Dawn sa ABS-CBN. Kaya sa darating na dalawang taon, exclusive Kapamilya talent si Dawn.

Bagamat hindi inclusive sa kontrata niya ang paggawa ng pelikula sa Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya network, nagpahayag siya ng pagnanais balikan ang pag-arte sa pelikula, na sabi niya ay siyang nami-miss niya sa kanyang showbiz career.

Samantala, aalis si Dawn kasama ang buong pamilya sa Abril 10 patungong Amerika para magbakasyon. Pupuntahan daw niya ang kanyang ama sa Texas dahil hindi pa nito nakikita ang dalawang apo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN