Lotlot de Leon proud of daughter Janine Gutierrez who graduated from college; hopes she won't join showbiz

IMAGE 0


Kung si Lotlot de Leon mismo ang tatanungin, ayaw niyang mag-artista ang anak na si Janine Gutierrez. Maganda ang dalaga kaya marami ang humihikayat dito na pasukin rin ang showbiz. "Gusto ko sana iba. Gusto ko magkaroon siya ng ibang career, hindi sa showbiz kasi ang dami pang puwedeng gawin, e. Hindi lang naman sa showbiz,"Lotlot says.


Noong Biyernes ay natupad na ang isa sa mga pangarap nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher — ito ay ang pagtatapos sa kolehiyo ng panganay nilang anak na si Janine Gutierrez.

Nagtapos ng kursong European Studies sa Ateneo De Manila University si Janine at ang kanyang graduation ceremonies ay naganap 4 p.m. last Friday, March 25.

Nguni't bago ito ay nagkaroon muna ng isang baccalaureate Mass ng 8 a.m. na sinundan naman ng speech ng guest of honor na si Philippine President Noynoy Aquino.

Present sa mahalagang okasyon na ito sa buhay ni Janine ay ang kanyang mga magulang na sina Lotlot at Monching at ang tatlong nakakabatang kapatid ni Janine na sina Jessica, Diego at Maxine.

Kahit hiwalay na ay nanatiling magkaibigan sina Lotlot at Monching, lalo na pagdating sa pagpapalaki ng kanilang apat na anak.

Pagkatapos ng graduation rites ay dumiretso ang mag-anak sa Blufrog Restaurant & Bar sa Tiendesitas para sa isang dinner party.

Dumating naman dito ang older sister ni Monching at hipag ni Lotlot na si Jackie Lou Blanco, pati na rin ang manager ni Lotlot na si Cornelia Lee na mas kilala bilang si Tita Angge.

Present rin ang mga kaibigan ni Lotlot from showbiz, ang mga aktres na sina Mymy Davao, Sharmaine Suarez, Karla Estrada at Kookoo Gonzales.

Later that night ay dumating naman sa pagtitipon ang mga kapatid ni Lotlot na sina Kiko at Ian de Leon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Lotlot, sinabi ng aktres na...

"Sobrang proud ako kaninang nakita ko ang anak na umakyat sa stage para tanggapin ang diploma niya, naiyak ako sa sobrang kaligayahan.

"Ngayong nakatapos ang anak ko, kahit na ano pang... ang dami-daming nanunumbat sa akin, bumabatikos na hindi ako mabuting ina, tingnan ko lang sila, parang iyon na yung ano ko e, na tingnan ninyo ang mga anak ko, kung iyon yung mga sinasabi ninyo about me," pahayag ng aktres na bakas sa mukha ang sobrang kaligayahan ng mga sandaling iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron na bang planong career si Janine after her graduation?

"May mga plano po siya kaya lang I think dun po sa mga plano niya kinukunsidera pa rin niya kaming mga magulang niya, e.

"So ako naman sinasabi ko sa kanya kung ano yung talagang gusto niya, iyon ang gawin niya. Sundin niya yung palagay niyang tama para sa kanya."

Gumagabay at sumusuporta, pero hindi dinidiktahan ni Lotlot ang kanyang anak pagdating sa mga desisyon sa buhay.

"Kasi I guess kahit na gaano ko siya sabihan na, 'Janine huwag mong gawin yan kasi baka masaktan ka' or 'Ito ang mangyayari sa iyo', merong hangganan yung pagpo-proteksyon mo sa mga anak mo, e.

"So itong panibagong kabanata sa buhay ni Janine, yung makapagtapos siya ng college, isa lang naman ang ina-advise ko sa kanya, e. Kung anuman ang mangyayari sa kanya, kung madapa man siya, kung masaktan man siya, nandito lang ako, hindi ko siya iiwanan."

At kung si Lotlot mismo ang tatanungin, ayaw niyang mag-artista ang anak. Maganda si Janine kaya marami na ang humihikayat dito na pasukin rin ang showbiz.

"Gusto ko sana iba. Gusto ko magkaroon siya ng ibang career, hindi sa showbiz kasi ang dami pang puwedeng gawin, e. Hindi lang naman sa showbiz.

"Kumbaga ako... ito na yung destiny ko talaga, pero hindi pa rin natin alam kasi ang dami pa ring puwedeng mangyari sa akin.

"So si Janine ... kung ito ang una niyang gustong tahakin at kung masaya siya dito sa karera na pagiging artista, e di good.

"Kung sinubukan niya at hindi naman siya naging masaya and she wants to try something else, e di okay lang din.

"Kumbaga siya na mismo ang kailangang gumawa... na mahanap niya kung saan at ano ang nararapat para sa kanya para maging masaya siya sa buhay niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN