Sarah Geronimo wants to study in the U.S.; Gerald Anderson to play in PBA D-League?

IMAGE 0


Sarah Geronimo and Gerald Anderson thank the viewers who watched their first movie together, Catch Me... I'm In Love.


Muling nag-guest sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa The Buzz kahapon, April 3, para personal na magpasalamat sa lahat ng nanood at sumuporta ng kanilang pelikula under Star Cinema, ang Catch Me... I'm In Love.

Yun nga lang, sa kabila ng tagumpay na tinatamasa nina Sarah at Gerald ngayon sa kanilang showbiz career, may balitang tila may iba pa silang pangarap na gustong ma-pursue.

This April daw ay aalis ng bansa si Sarah papuntang U.S. para matupad ang pangarap niyang makapag-aral sa ibang bansa. Habang si Gerald naman daw ay gustong makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Inalam ng host na si Charlene Gonzalez-Muhlach ang planong ito ng dalawa.

Paliwanag ni Sarah, "Nag-aaral pa naman po ako sa Open University ng UP [University of the Philippines.] Pero gusto ko po sanang mag-dance lesson, voice lesson para po ma-improve pa po ang skills ko. Sa States po sana."

Natawa naman si Sarah nang tanungin ni Charlene kung kasama ba nito ang buong pamilya niya sa pag-alis.

"Gastos po yun!" natatawa niyang sabi. "Inaayos pa po yung schedules ko po. So, kami lang po muna siguro ng mommy ko."

Ang nakatatandang kapatid naman daw ni Sarah na nasa New York ay nandito sa bansa ngayon.

Nilinaw naman ni Gerald ang tungkol sa diumano'y pagpasok niya sa PBA. Tila gusto raw ni Gerald maging member ng NLEX team, which is part of the PBA Developmental League (PBA D-League).

"Naki-practice lang po ako sa kanila," aniya. "After po ng movie namin, medyo maluwag ang schedule ko. And yun po, I only want to stay fit and healthy at, yun po, naki-practice lang po ako sa kanila. And sobra silang accommodating kaya nagpapasalamat po ako sa kanila."

Kung mare-recruit or mada-draft siya sa PBA D-League, papunta na raw yun sa PBA. Kung sakaling mapipili siya, ano ang pipiliin ni Gerald—being an actor or being a basketball player?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, passion ko rin po ang basketball. Bago po ako nag-artista, pangarap ko rin po na maging basketball player. Pero, sobra po akong blessed ngayon at ayokong iwanan kung anuman po ang meron ako ngayon.

"I'm very thankful sa lahat po ng players at sa mga future PBA stars natin na sobrang bait nila sa akin," saad ng young actor.

FALLING IN LOVE AGAIN. When it comes to dreams, ayon nga kay Charlene, ang isa rin sa pangarap ng marami sa kanila is to see them falling in love again. Is there a chance they will fall in love again?

"Oo naman," sagot ni Gerald. "Sino naman ang ayaw no'n, di ba? I would love to fall in love again with somebody. The right person, the right girl."

As of this moment, meron ba?

"As of this moment, wala pa naman po," sagot ni Gerald.

On Sarah's part, gusto naman daw niyang ma-in love muli.

"Opo naman. Lahat naman po tayo, gusto natin yung meron tayong minamahal at minamahal din tayo. Pero yun nga, dapat sa tamang tao, sa tamang panahon. Di ba, Gerald?" biro ng Pop Princess sa kanyang kapareha.

Dahil sa huling linya ni Sarah, Charlene asked her na tila may alam siya about Gerald.

Pero natatawang sabi ni Sarah, "Hindi naman 'to nagkukuwento sa akin!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN