Aljur Abrenica: Ai-Ai delas Alas's mystery guy?

IMAGE 0


"Usapang bakla lang yung amin na bibigyan ng Porsche.... Yung merong lalaking pang-Kia Pride lang, pang-Toyota. Pero na-mention si Aljur, pang-Porsche na yun kung sakali!" says Ai-Ai delas Alas about Kapuso hunk Aljur Abrenica.


Nakausap muli ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai delas Alas kahapon, April 11, para kumpirmahin kung si Aljur Abrenica nga ba ang tinutukoy niya sa huling interview niya sa The Buzz noong nakaraang Linggo, April 10.

Sa interview na yun nalamang may bagong inspirasyon ngayon ang comedienne at balak pa nga raw niya itong bigyan ng kotseng Porsche. (CLICK HERE to read related story.)

Binanggit ni Ai-Ai sa interview sa kanya nina Boy Abunda at Charlene Gonzalez-Muhlach na ang lalaking ito, na taga-kabilang istasyon, ay deserving daw ng kotseng Porsche.

"Siguro kung ibibili ko ang sarili ko, tapos anak ko, parang deserving din siyang ibili ko siya," bahagi ng pahayag ni Ai-Ai sa The Buzz.

Isang malakas na halakhak ang sagot sa amin ni Ai-Ai nang tinanong namin sa kanya kung si Aljur nga ba ang tinutukoy niyang lalaki.

Nilinaw lang ng Box-Office Queen na walang namagitan sa kanila ni Aljur, pero totoong nagtatawagan daw sila at nagti-text sa isa't isa.

"Hindi pa nga kami nagkita," sabi ng 46-year-old comedienne.


PHONE CALL STARTED FRIENDSHIP. Ikinuwento ni Ai-Ai kung paano sila nagkakilala ni Aljur sa telepono.

Best friend kasi ni Ai-Ai ang parish priest ng Tondo na si Fr. Eric Santos at ito ang nag-officiate sa thanksgiving mass ng Machete sa GMA-7 ilang linggo nang nakararaan. Ang Machete ang pinagbidahang serye ni Aljur.

Nabanggit ni Fr. Eric kay Aljur si Ai-Ai na ang buong akala nito ay magkakilala na ang dalawa. Sinabi ni Aljur na hindi pa sila magkakilala ni Ai-Ai, pero gusto raw sana niya itong makilala.

Pagkatapos ng misa, tinawagan ni Fr. Eric si Ai-Ai at doon sila nagkausap ni Aljur.

Inimbita ni Ai-Ai ang 21-year-old Kapuso young actor sa kanyang show sa Zirkoh, pero hindi naman daw ito nakarating.

Nagkaroon uli siya ng show sa naturang comedy bar, kung saan nag-guest si Cesar Montano. Inimbita na naman niya uli si Aljur, pero hindi naman daw ito puwede nang araw na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nagkita, pero madalas raw silang nagkakausap at nagti-text paminsan-minsan.

"Usapang bakla lang yung amin na bibigyan ng Porsche.... Yung merong lalaking pang-Kia Pride lang, pang-Toyota. Pero na-mention si Aljur, pang-Porsche na yun kung sakali!" kuwento ni Ai-Ai, sabay halakhak.

Naging paksa lang daw ng intriga yun nina Boy at Charlene nang isinalang na siya sa The Buzz.

CLUELESS. Nakausap naman ng PEP ang GMA Artist Center para hingan ng reaksiyon si Aljur, pero wala raw silang alam sa isyung ito.

Kahit si Aljur ay sinabi rin daw na magkaibigan lang talaga sila ni Ai-Ai at wala raw siyang alam tungkol sa Porsche.

Hindi naman inaalis ni Ai-Ai ang posibilidad na puwede siyang ma-in love kay Aljur, pero sa ngayon ay magkaibigan lang daw sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN