Derek Ramsay denies secretly meeting former SexBomb member Aifah Medina in Tondo

IMAGE 0


"I don't know where it's coming from. Angel and I know that we're still together. Every time something comes out, we're always vocal to clear it up, and I can say we're okay and we're very, very happy," says Derek Ramsay about rumors linking him to girls other than his girlfriend Angelica Panganiban.


Sunud-sunod ang mga kontrobersiya sa relasyon ng magkasintahang Derek Ramsay at Angelica Panganiban nitong mga nakalipas na linggo.

Nandiyan ang balitang may ibang girlfriend diumano si Derek na taga-Dumaguete City. Bukod dito, ilang beses na ring naibalita na break na ang dalawang Kapamilya stars.

Pero lahat ng ito ay mariing pinabulaanan nina Derek at Angelica sa magkakahiwalay na panayam.

Ngunit hindi pa rito natatapos ang mga balita tungkol sa magkasintahan.

Ngayon naman ay nali-link si Derek sa dating miyembro ng SexBomb na si Aifah Medina.

Ayon sa lumabas na kuwento, nakita raw sina Derek at Aifah sa Tondo, sa bahay ng kaibigan ng huli, kung saan palihim daw na nagtatagpo ang dalawa.


AIFAH MEDINA. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Derek, pinagtatakhan niya kung bakit may ganoong balita gayong hindi raw niya kilala nang personal si Aifah.

"I don't know her, but now I know her na," sambit ng aktor.

"I was told I was in Tondo in a friend's house daw. The funny thing is the only person I know in Tondo is Angel, and she doesn't live there anymore. Saka it's kind of hard for me to drive down to Tondo.

"It said that I was seen in Tondo, but the past weeks, I was in Clark and Boracay. Unless somebody out there looked like me. Maybe there are lot of guys out there with a shaved head.

"I don't know where it's coming from. Angel and I know that we're still together. Every time something comes out, we're always vocal to clear it up, and I can say we're okay and we're very, very happy."

Nakausap ng PEP si Derek last Sunday, April 10, sa Araneta Coliseum kung saan ginanap ang Binibining Pilipinas 2011. Si Derek ang isa sa naging hosts ng naturang beauty pageant.

Ayon kay Derek, wala siyang planong alamin kung sino ang mga nagpapakalat ng ganitong mga balita tungkol sa relasyon nila ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not at all," pagkikibit-balikat niya.

"Ako, I don't want to despise anyone. To be honest, nakakapagod na, pero this is part of our job, and I guess my responsibility is to come up to the camera and tell the truth. Basta kami ni Angel, sobrang okay kami, okay na okay."


WHAT KEEPS HIM BUSY. Marami ang nakakapansin na medyo lie low ngayon sa television si Derek. Ang huli niyang ginawang teleserye sa ABS-CBN ay ang Magkaribal noon pang nakaraang taon.

Ano ba ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon at anu-ano ang mga trabahong nakalinya niyang gawin?

"I've been very busy with my endorsements, I've been shooting a lot of commercials.

"I'm also getting ready doing another teleserye with Cristine Reyes, it's Reputasyon. Mag-uumpisa na kami.

"We're also getting ready to start The Biggest Loser.

"I haven't been to TV, but still very, very busy.

"I'm busy doing a lot of training with my frisbee team and going around the Philippines, gathering issues..." biro niya, bago sinabing, "...gathering players to represent our country and working hard for the tournament in Shanghai this coming June.

"That's one of my goals this year, when I finally win in Shanghai. That would be the end of my frisbee career."

SACRIFICES. Aminado si Derek na dahil naka-focus siya sa frisbee ngayon, marami siyang isinasakripisyo. Ilan dito ay ang oras niya para sana sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya, at kay Angelica.

"Sakripisyo!" bulalas niya. "Balot lang ako ngayon kaya I can't show you the wounds, the battle scars, pero it's just sacrifice.

"It's the thing I want to do and as my goal this year. If I want to reach that goal, I have to sacrifice other things—time for myself, time for my family. But, you know, nasa pag-aayos lang 'yan ng schedule.

"Unfortunately, nasa-sacrifice din yung time sana namin ni Angel for each other, but mayroon na kaming plano for the end of the year. We're gonna go travelling, just like what we did last year in South Africa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May inaayos na kaming trip, it's something that we're looking forward to. Yung sacrifice na hindi kami nagkikita ngayon will pay off later on."

PROJECT WITH CRISTINE. Masaya namang ikinuwento ni Derek ang nangyaring workshops nila ni Cristine para sa Reputasyon at kung gaano siya ka-excited to work with the sexy actress.

"Actually, nag-workshop na kami, dalawang beses na with Direk Laurice Guillen. Sobrang emotional, sobrang nakakapagod.

"Sabi ko nga kay Cristine, na-shock ako kasi akala ko she's very masungit for the other times that I've seen her. She's a very jolly girl, masaya siyang kasama.

"I actually enjoyed the workshops with her and I'm very excited to go back to puyatan and working the long hours. At least somebody naman I haven't worked with, so I know I will learn from her."

Itinuturing na hunk si Derek at isa naman sa pinaka-sexy sa showbiz si Cristine, kaya may pagka-sexy ba ang tema ng Reputasyon?

"Secret! But I can say, as I've seen Cristine, she's very motivated, she's very excited to be back on TV, and it's gonna be a new Cristine. I've seen that motivation in her to do her best in this new show," sagot niya.

Hindi kaya ito pagsimulan naman ng selos sa pagitan nila ni Angel at sa pagitan ni Cristine at ng boyfriend nitong si Rayver Cruz, lalo't siguradong maaring ma-link sila sa isa't isa ng bagong kapareha?

"Ano ba, Cristine is very happy and I'm very happy," sabi ni Derek.

"I don't know kung magkakaroon ng tsismis na we're getting it on or something like that. Cristine is very happy with Rayver.

"Rayver is a very good friend of mine. Angel is a good friend of Rayver, and Angel and Cristine worked together. We all know each other kaya I don't think na puwede kaming ma-link sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIGGEST LOSER. Derek is also excited sa pagsisimula ng The Biggest Loser, kung saan magiging co-host siya ni Sharon Cuneta.

"With Bigest Loser, I'm also very excited. I'm gonna be hosting the part where I will help and train the contestants, which is very fulfilling for me, when you know you touch some people's lives.

"It's gonna be an exciting journey," sabi ng aktor, na itinuturing na isa sa mga guwapo at mabait sa industriya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN