John Estrada denies threatening to resign from Happy, Yipee, Yehey!

IMAGE 0


"Tingnan n'yo naman, sana panoorin n'yo, sana bigyan n'yo naman ng tsansa ang programa namin. Pangako, matutuwa kayo," says John Estrada to detractors of Happy, Yipee, Yehey!


May lumabas na balitang nagbabanta diumano si John Estrada na magre-resign siya sa ABS-CBN noontime show na Happy, Yipee, Yehey!

Iba't ibang dahilan ang nakalagay sa report kung bakit gusto na raw umalis ni John sa programa, na nagsimulang umere noong February 12, 2011.

Nandiyan ang usap-usapan na hindi raw kasundo ni John ang ilan sa mga staff at co-host nito sa show. May balita rin na hindi raw masaya ang TV host sa ratings ng programa. Nagsabi rin daw ito na babalik na lang siya sa Kapatid network, ang TV5.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay John sa set ng Happy, Yipee, Yehey! noong Miyerkules, March 30, sinabi niyang inaasahan na niya ang ganitong klaseng intriga.

"Ganun talaga. Pag ang puno dahan-dahang nagkakaroon ng bunga, binabato, pinipitas, hindi natin maaalis yun. Siguro para lang sirain ang isang bagay, ganun talaga ang ginagawa ng ibang tao," saad niya.

Sinagot ni John ang isyung hindi niya raw kasundo ang ilang mga kasamahan niya sa Happy, Yipee, Yehey!

"Nandito naman kayo, nakikita ninyo kung gaano kami kasaya. Ang hindi alam ng ibang tao, bago namin simulan ang programa, kami ay nagsasama-sama. Lahat kami—staff, crew, hosts, director si—nagba-bonding, kumakain nang sama-sama, at kami ay nagdarasal. Kaya imposible ang balitang 'yan. Masaya ang pagsasama namin dito."

Pinabulaanan din ni John ang balitang hindi raw siya masaya sa ratings na nakukuha ng Happy, Yipee, Yehey! kumpara sa katapat nitong programa sa Kapuso network, ang Eat Bulaga!

"Hindi totoo 'yan," sabi ni John. "Actually, kanina lang, ibinigay sa amin yung report na talagang slowly, talagang tumataas siya. Happy kami dun, talagang masaya kami.

"Kami naman, ginawa namin ito, para sa kanila ito, para sa mga Kapamilya. Wala kaming kinakalaban na kahit na sino. Basta ang para sa amin ay magbigay lang kami ng saya sa tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinabulaanan din ni John ang balitang nagbanta siyang iiwan na ang Happy, Yipee, Yehey! at babalik na raw siya sa TV5.

"Di totoo 'yan. Nakapirma tayo dito," sabi niya.

Nagbigay rin ng mensahe ang TV host-actor sa supporters and detractors ng kanilang show.

"Sa mga supporters ng Happy, Yipee, Yehey!, maraming-maraming salamat. Ipinapangako namin na lalo naming pagbubutihin at pagagandahin pa ang show na ito para sa inyo.

"Para naman sa detractors namin, tingnan n'yo naman, sana panoorin n'yo, sana bigyan n'yo naman ng tsansa ang programa namin. Pangako, matutuwa kayo," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN