Alden Richards minds Enzo Pineda's frequent visits to Alakdana set: "Parang respeto lang sa teamup namin ni Louise delos Reyes."

IMAGE 0


"Wala naman akong karapatan na pagsabihan si Enzo [Pineda]. Libre naman siyang dumalaw. Ang sa akin lang po, nasa ere pa ang Alakdana and we're doing good as a team ni Louise [de los Reyes]. Sana po kung tapos na ang Alakdana, okey lang na magkita sila parati," Alden Richards comments on Enzo's frequent visits to the set.


Dahil sa nabalitang pinopormahan ng StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda ang bida ng Alakdana na si Louise delos Reyes, tinanong namin ang isa sa leading men ni Louise na si Alden Richards kung apektado ba siya sa balitang iyon?

Ongoing pa kasi ang top-rating afternoon series ng GMA-7 at binebenta nga ang tambalan nila Louise at Alden. Inamin nga rin ni Louise na twice na raw na bumibisita si Enzo sa set ng Alakdana.

Nakapanayam namin si Alden sa set ng Alakdana sa Vermont Park in Antipolo at kaagad nga namin siyang tinanong sa issue between Enzo and Louise.

"Ang totoo naman po, hindi naman po ako apektado. Kilala ko po si Enzo. Magkasabay po kaming nag-audition sa Starstruck. Nakapasok ako hanggang Top 60 lang. Si Enzo, nagtuluy-tuloy siya.

"Kaya alam ko naman na okey si Enzo. Mabait siyang tao. Hindi naman ako magtataka kung ma-attract siya kay Louise. Hindi lang naman kasi maganda si Louise. She's also very smart and a very nice girl. Parati pa 'yang nakangiti. Iisipin mo nga na parang hindi siya marunong magalit.

"Yun ang mga traits ni Louise na alam ko kung bakit na-attract si Enzo sa kanya. Kahit sino namang lalake, magkakagusto kay Louise talaga," pahayag pa ni Alden.

Tungkol naman sa padalaw-dalaw ni Enzo sa set ng Alakdana, okey lang ba sa kanya iyon o parang nakakagulo siya sa loveteam na binubuo sa kanila ni Louise?

"Noong unang lumabas nga ang news about sa kanilang dalawa, at first hindi pa ako naniwala. Kasi baka nga nagkakilala lang sila. Madali kasing kaibiganin si Louise, e.

VISITS. "Then nakita ko nga po si Enzo na dumating sa set. I thought na magge-guest siya sa Alakdana. Yun pala binisita niya si Louise. Twice po siyang dumalaw kay Louise sa set.

"Wala naman akong karapatan na pagsabihan si Enzo. Libre naman siyang dumalaw. Ang sa akin lang po, nasa ere pa ang Alakdana and we're doing good as a team ni Louise. Sana po kung tapos na ang Alakdana, okey lang na magkita sila parati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang respeto lang sa teamup namin ni Louise. I have nothing against Enzo. Gusto lang namin ni Louise na mag-work ang teamup namin hanggang sa pagtatapos ng Alakdana.

"I hope that nobody takes me the wrong way. Trabaho lang po and we all want to be professional people. Alam naman po natin kung ano ang tamang gagawin," diin ni Alden.

Ayon pa kay Alden ay nagkausap na nga raw sila ni Louise tungkol sa pagdalaw-dalaw ni Enzo.

"Opo, nag-usap naman kami ni Louise and we agreed on something. Pero sa aming dalawa na lang kung ano ang naging pag-uusap namin. Basta may kinalaman ito sa work namin."

Balita kasing balak nang simulan ni Alden ang panliligaw kay Louise nang biglang sumingit si Enzo sa eksena.

"Hindi pa naman po," ngiti pa ni Alden.

"May tamang panahon para magkaroon ng seryosong ligawan. Louise will be turning 18 years old pa lang sa September and may pangako yata siya sa parents niya na hindi siya magbu-boyfriends until she turns 18.

"Kaya alam ko kung kelan ang dapat. Kami naman ni Louise, marami na kaming napagkakasunduan na mga bagay-bagay. Bini-build pa namin ang isang matatag na pagkakaibigan before we go into a much deeper relationship.

"Right now, good friends and working friends kami ni Louise. Hanggang hindi pa siya nasa legal age na magka-boyfriend, magkaibigan muna kaming dalawa."

HAPPY YO BE IN YES! Nagpapasalamat nga pala si Alden na napasama siya sa listahan ng YES! Magazine's Next Big Thing to watch out for ngayong 2011. Kasama nga ni Alden sa grupo nilang napili sa bakurang ng Kapuso Network ay sila Louise delos Reyes, Rocco Nacino, Gwen Zamora, Jake Vargas, Bea Binene, Frencheska Farr, Kristoffer Martin, Bela Padilla, Kylie Padilla, Elmo Magalona at Paulo Avelino.

Hindi raw ini-expect ni Alden na mapapasama siya sa naturang listahan. Natuwa nga raw siya nang may magsabing nasa YES! Magazine siya at bumili siya ng maraming kopya para ipakita sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam na para sa list ng Next Big Thing 'yung ginawa naming pictorial for YES! Magazine. Wala naman po silang sinasabi sa amin. Surprise pala para sa amin iyon.

"Sobrang flattered po ako sa pagkakasali ko. Lalo na po sa akin kasi ang Alakdana ang very first big exposure ko on national television. Hindi ko alam na magiging daan ang show na iyan para mapansin ako.

"I like to thank yung mga GMA executives na sila Ms. Annette Gozon-Abrogar, Ms. Lilybeth Rasonable, Ms. Ida Henares and Ms. Wilma Galvante. Salamat po sa tiwala na binigay ninyo sa aming lahat at pangako namin na pagbubutihan namin an gaming trabaho para hindi kami mapahiya sa inyo."

Nagsimula bilang isang commercial model ang 18-year old na Filipino-Spanish na si Alden (whose real name is Richard Faulkerson, Jr.) na lumaki sa Canlubang, Laguna. Business Administration student siya sa De La Salle Canlubang nang subukan niya ang pag-aartista. Sinuwerte naman siyang pumasa sa audition ng Alakdana para sa role na Joma.

Bago siya nag-showbiz ay sumasali siya sa mga male pageants sa Laguna. Hinirang siya bilang Ginoong Santa Rosa 2009 at Ginoong Laguna 2010.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN