Bianca King refutes airport staff statement; airs her side on the issue

IMAGE 0


"Wala po sa amin ang nagreklamo kasi po, sa totoo lang, it only mattered for 15 minutes and we were all laughing about it after. Na-shock lang kami, pero madali na naming kinalimutan," says Bianca King about the incident that happened at Mactan Airport last Sunday, March 27.


Binasag na ni Bianca King ang kanyang katahimikan kaugnay sa insidenteng pagpapalabas sa kanila ng isang staff ng Mactan Airport sa isang VIP Room noong nakaraang Linggo, March 27.

Nagsalita na ang Kapuso actress para mapasinungalingan ang mga sinabi ng OIC ng Public Affairs ng Mactan Airport na si Maryann Dimabayao sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na lumabas kahapon, April 1. (CLICK HERE to read related story.)

"Lumalabas kasi na parang ako lang ang nagalit at nagrereklamo," simulang pahayag ng aktres sa pakikipag-usap ng PEP sa kanya sa pamamagitan ng text message kaninang hapon, April 2.

Base sa kuwento ni Maryann, naramdaman daw niyang nagalit si Bianca nang kinausap niya ito nang mahinahon na exclusive VIP Room yun para sa ABS-CBN talents kaya pinapalipat daw sila sa ibang lounge area.

Kasama ni Bianca na pinalabas sa VIP Room, kung saan narooon ang Kapamilya stars, ang kapwa niya Kapuso stars na sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Michelle Madrigal.

Mariin itong itinanggi ni Bianca. Lahat daw sila ay kinausap ni Maryann at hindi sa maayos na paraan.

"Okay lang sana if we were approached in a proper manner, pero hindi po," diin ng Kapuso actress.

Ayon kay Bianca, kasama niya sa isang table si Michelle at kausap daw nila si John Prats. Sumasali rin daw sa kuwentuhan nila si Gerald Anderson.

Sa kabilang sofa naman daw nakaupo sina Lovi Poe at Solenn Heussaff kausap naman si Luis Manzano.

Paano raw nangyaring kinausap siya nang malapitan ni Maryann para hindi marinig ng mga kaharap niya gayung nandun daw ang mga artistang nabanggit na kausap niya? Halos isang piye lang daw ang layo sa kanya kaya imposibleng hindi ito marinig nga mga artistang kaharap niya.

Mabuti raw sana kung kinausap sila sa isang tabi, pero hindi yun ang nangyari. Hindi raw maayos ang pagkasabi sa kanila na exclusive VIP Room yun para sa Kapamilya talents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Bianca, "Kaya kami nandun kasi may ibang airport staff na nagmagandang-loob na mag-assist sa amin kasi nahiwalay kami sa GMA group na may sariling waiting area din pala.

"Wala po sa amin ang may alam kung exclusive ba siya or hindi. Plus, we were there for less than five minutes pa lang."

Bukod sa mga kasamahan ni Bianca, nandun din daw ang singer na si Kris Lawrence na nasa loob na bago sila pumasok.

Sumabay na raw sa kanila si Kris na lumabas ng VIP room na yun.

Ayaw na nga raw sana magsalita ni Bianca dahil wala na raw sa kanila ang pangyayaring yun. Pero nang nabasa raw niya sa PEP ang artikulo tungkol sa insidenteng yun, parang lumalabas na siya ang mas apektado at ang tanging nagrereklamo.

"Wala po sa amin ang nagreklamo kasi po, sa totoo lang, it only mattered for 15 minutes and we were all laughing about it after. Na-shock lang kami, pero madali na naming kinalimutan.

"The reason probably why she [Maryann] keeps addressing me now is because I asked for her name, introduced myself and shook her hand, as per the request of Tita Avin [Marivin Arayata, GMA-7 executive].

"I'm sure she was doing her job, but there's always a better way to talk to guests in order to keep good ties with everyone.

"Again, hindi po ako nagalit," diin ni Bianca. "Nakaramdam kaming apat ng pagkadismaya sa sitwasyon. At nagkasundo din kaming huwag palakihin at huwag na pag-usapan.

"Nagpaalam din po ako sa kanila na sasagutin ko lang po once para fair yung article. Thank you Tito Gorgy," kabuuang text message sa amin ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN