Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Rainier Castillo says he has not forgotten his friends from the Kapuso network

by Rommel R. Llanes
Apr 4, 2011
StarStruck Season 1 First Prince Rainier Castillo has three shows on TV5: Fantastik, Lokomoko U, and the upcoming Utol Kong Hoodlum. Rainier admits that his talent fee now is higher than what he gets on GMA-7.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rainier Castillo last Friday, April 1, sa Broadway Studio ng TV5.

Una muna ay kinumusta namin ang young actor.

"Okay naman, masaya naman ako ngayon dito sa TV5," sagot niya.

Dating talent ng GMA-7 si Rainier at lumipat sa TV5. Si Rainier ang First Prince ni Mark Herras—na naging Ultimate Male Survivor—sa kauna-unahang StarStruck, ang reality-based artista search ng Kapuso network.

Ano ang pinakanami-miss niya sa GMA-7?

"Yung mga kasamahan ko dati, yung mga artista, at siyempre yung mga nakakasama ko palagi dati, sina Mike [Tan], sina Mark, yung mga kapatid ko sa handler—sina Ryza [Cenon], sina Chynna [Ortaleza]."

Pero happy siya?

"Masaya, masaya ako sa TV5."

Wala siyang regret sa ginawa niyang paglipat?

"A, wala! Bilang talagang ano yun, plano talaga at saka pinag-isipang mabuti," sabi ni Rainier.

May two-year, non-exclusive contract si Rainier sa TV5.

Rainier is being managed now by Noel Ferrer, na manager din nina Ryan Agoncillo at Bayani Agbayani, among others.

Continue reading below ↓

Tatlo ang shows ni Rainier sa Kapatid network: Fantastik, Lokomoko U, at ang upcoming na Utol Kong Hoodlum.

Isang mabait na pulis ang role niya sa Utol Kong Hoodlum, na pagbibidahan nina JC de Vera at Jasmine Curtis.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


HIGHER TALENT FEE. Biro namin kay Rainier, marami na siguro siyang pera ngayon dahil balitang malaki ang talent fee sa TV5.

"Hindi, sakto lang!" natatawa niyang sabi.

Pero mas malaki nga ba ang TF niya ngayon?

"Mas malaki," pagkumpirma niya,

So, mas mayaman na siya kay Mark na kaibigang matalik ni Rainier?

"Hindi, hindi, mas ano yun, mas mayaman sa akin yun, di hamak!" tawa niya ulit.

FRIENDS IN GMA-7. May communication pa ba sila ni Yasmien Kurdi, na dati niyang ka-loveteam sa Kapuso network?

"Minsan, pagka nagkikita kami ng online sa YM, nagkukumustahan kami, ganun lang."

Hindi sila nagkikita?

"Kailan ba kami huling nagkita ni Yas? Hindi ko matandaan kung kailan, e, bihirang-bihira," sabi ni Rainier.

Continue reading below ↓

Kahit sila rin daw ni Mark ay bihirang magkita.

"Si Mark bihira ko na din makita, siguro last year ko pa siya huling nakita."

Biniro namin si Rainier na tila tinalikuran na niya ang mga dati niyang kaibigan sa GMA-7.

"Hindi!" bulalas niya. "Ano lang siguro, ano lang, salisi lang yung mga ginagawa namin, 'tsaka busy rin kami sa kanya-kayang buhay."

So, wala na siyang nakikita sa mga dati niyang kaibigan sa GMA-7?

"Ang huli kong nakita, si Mike [Tan], doon sa bahay ng dati naming handler, dumalaw lang ako."

Happy ba siya na masaya ang lovelife ni Mark?

"Oo naman."

Ipinakilala na ni Mark sa kanya ang girlfriend nitong si Ynna Asistio?

"Oo, matagal na!"


RAINIER'S LOVELIFE. Si Rainier ay happy rin ang lovelife. Isang model ang karelasyon niya for almost two years now. Hindi raw mag-aartista ang girlfriend niya, na ayaw pangalanan ni Rainier.

"Mahiyain yun, e. Kaya sa modeling lang siya."

Continue reading below ↓

Twenty-five years old na si Rainier ngayon at 23 naman ang girlfriend niya. So, puwede na siyang mag-asawa?

"Hindi pa, hindi pa," sabi niya.

"Hindi pa namin naiisip 'yan. Ewan ko, matagal pa 'yan. Siguro pag mga 29 or 30 na ako, matagal pa."

WORKOUT. Noong nasa GMA-7 pa lang si Rainier ay may plano na sila ni Mark na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash. Nagsimula na nga silang mag-workout sa gym bilang paghahanda, pero hindi ito natuloy.

"Hindi, kasi ang pagkakaalala ko, nung nag-gym kami, ang usapan namin, 'Pag ikaw rumampa, rarampa din ako. Pero pag hindi ka rumampa, hindi ako rarampa.' Iyon ang usapan namin ni Mark. E, si Mark ang unang tumigil mag-gym."

Bakit huminto si Mark?

"Siguro ano lang, naging busy sa trabaho, 'tsaka siyempre pag puyat ka, hindi ka makakapag-gym."

Si Rainier ay huminto na rin sa pagwu-workout.

"Siguro huli kong gym mga December pa," banggit niya.

Continue reading below ↓

Paano na ang pagrampa nila sa Cosmo Bachelor Bash?

"Hindi muna siguro, hindi na muna."

Pero nag-sexy pictorial na si Rainier before.

"Oo, mild lang yun, sa Folio magazine. Wala, ano lang yun, topless, tapos parang mahabang shorts, parang ganun."

Ang pinakaseksing ginawa ay yung eksena niya sa pelikulang Ded Na Si Lolo na nakatapis lang siya ng tuwalya at walang shirt.

Kung gagawin daw niya ulit iyon, kailangang paghandaan niya sa pamamagitan ng workout.

Bakit siya huminto sa pagdyi-gym?

"Ano kasi, e, siguro... ginawa ko yun, siguro mga two to three years, tapos nakakapagod din, nakakapagod talaga," sagot niya.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck Season 1 First Prince Rainier Castillo has three shows on TV5: Fantastik, Lokomoko U, and the upcoming Utol Kong Hoodlum. Rainier admits that his talent fee now is higher than what he gets on GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results