Jon Avila admits dating newbie actress-model exclusively

IMAGE 0


"Yeah, I mean kung maganda yung role, why not, di ba? For the art. Puwede, yeah, I would try it basta art. I wouldn't say no basta maganda yung role," says Jon Avila about doing frontal nudity in movies.


Apat na taon na sa showbiz si Jon Avila, pero walang masyadong nababalita tungkol sa personal life ng British-Filipino actor-model.

Kaya nagulat kami na umamin siya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang pasyalan namin siya sa RSVP Studios sa Sucat, ParaƱaque habang nagte-taping siya ng Hapi-er Togeder ng TV5 (aired every Tuesday night), kung saan kasama niya sina Joey Marquez, Wendell Ramos, Long Mejia, Soxie Topacio, Keanna Reeves, Tuesday Vargas, at si Ms. Nova Villa.

"I'm dating, dating, yeah! Exclusive," sabi ni Jon.

"Her name isHeidee Riego, bago pa lang siya. Taga-States, Fil-Am. She's a commercial model. Siya yung nasa commercial ni Enchong [Dee] yung [Jollibee] float, siya yun. Good Vibes ang show niya, sa ABS, she's a dancer-actress."

Nagkakilala raw sila through mutual friends.

Mag-iisang taon na raw silang magkakilala, pero hindi pa sila mag-on.

"Hindi, hindi," sabi ni Jon.

Pero may mutual understanding (MU) na raw sila.

"MU, kasi siyempre, nag-uumpisa pa lang siya sa career niya so she needs to focus. So, she's excited about her project, so I'm here to support her."

INDECENT PROPOSAL. Naitanong din namin kay Jon ang intrigang nakatanggap siya ng indecent proposal mula sa isang bading na nag-alok sa kanya ng halagang P200,000.

Inamin naman ito ni Jon.

"Yeah, I'm aware of that intriga. Actually, I've received mga anonymous texts offering me," sabi niya.

Hindi raw niya kilala ang nabanggit na tao, at hindi niya alam kung paano nito nakuha ang number niya.

"I just ignored it," sambit ni Jon.

"The exact text is 'Hi! I'm a discreet businessman' or something. Tapos 50 thousand [ang unang offer], something like that. Tapos siyempre I ignored the text. Tapos next hour, a hundred thousand na. Tapos tumaas nang tumaas hanggang umabot ng 200 thousand.

"I informed my management, tapos sabi nila, 'Okay, sige kami na lang ang bahala.' Gusto ko talagang mag-react, pero sabi ng manager ko, siya na bahala. So I left it to my manager, tapos sabi nila, 'Kami ang bahala.' So they called the number, hindi sumagot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumigil naman daw ang texter.

Sa personal ay wala pang nag-offer sa kanya?

"A, wala," sagot ni Jon.

Kahit nasa modeling world siya na maraming gays?

"One time lang, bago ako mag-model. Nung bagong dating ako sa Pilipinas. Hindi ko na maalala kung sino, basta sabi niya 'O, gusto mo ng bagong cell phone?' Tapos sabi ko, 'Hindi, may cell phone ako, e.' Tapos sabi niya, 'O, gusto mo ng kotse?' Sabi ko, 'Hindi ko kailangan ng kotse.'

"Akala ko nagbibiro siya, pero hindi siya nagbibiro pala. Parang binastos niya ako, e. So I just stayed away."

Nagagalit ba siya kapag may ganoong offers, o napa-flatter din siya?

"Actually, mixed feelings naman, na medyo galit, medyo flattered, medyo ano, 'Bakit ganyan?'

"So, 'yon. Kasi siyempre hindi ako naka-experience ng mga gay proposals. Actually sa UK, walang ganun, e, wala talagang ganun.

"Sa UK, I didn't know any gays...except one gay lang na kilala ko. Siyempre I don't entertain those kinds of things, kasi first of all, hindi ako gay.

"Tapos secondly, I don't need money, e. I mean, yeah, I need money but I have my own money naman," saad niya.

DARING JON. Kung sa indecent proposals ay umaayaw si Jon, sa paghuhubad naman sa harap ng kamera ay hindi siya tatanggi.

In fact, papayag siyang magkaroon ng butt exposure sa isang pelikula.

"Puwede," sabi niya.

Wala raw offer kaya hindi pa niya ito nagagawa.

How far would he go to be daring onscreen?

"Tingnan natin kung maganda yung role...anywhere."

What about frontal nudity?

"Oo...oo, kung maganda yung role," sagot ni Jon.

Hindi siya tatanggi?

"Hindi naman.

"Yeah, I mean kung maganda yung role, why not, di ba? For the art. Puwede, yeah, I would try it basta art. I wouldn't say no basta maganda yung role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although I would like to try more drama roles muna. Tapos kung may offer na movie na ganyan, okay lang."

Kahit daw sa nude pictorial ay papayag si Jon.

"Yes, I would accept if I am in good shape, kunyari if I'm in good shape na."

Maganda naman ang katawan niya, in fact, very hunky si Jon.

"It could be better, it could be better," sabi naman niya.

Wala pang nag-offer sa kanya ng nude pictorial?

"Baka akala nila ayaw ko."

Pero papayag siya?

"Oo, basta tasteful."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN