KC Concepcion still feels the pressure of being the daughter of showbiz royalty

IMAGE 0


"I didn't realize na ang laki, ang taas, ng expectation ng tao. So, nahirapan ako. Feeling ko, pinahirapan din ako ng mga tao na, 'Pahirapan natin 'yan. Tingnan natin kung ano ang magiging reaction niya.' Go! Feeling ko, tinest ako ng mga tao to see how far I will go, and to see kung hanggang saan ko makakaya ang panlalait or yung criticism," says KC Concepcion.


Isang advance birthday celebration ang ginanap sa The Buzz kahapon, April 3, para sa isa sa mga hosts ng show na si KC Concepcion. Kasabay ng kanyang birthday celebration ang first anniversary niya sa showbiz talk show ng ABS-CBN.

Sa April 7 ang actual 26th birthday ni KC.

TIME WITH HER SIBLINGS. Sa video message ng dalawa niyang kapatid na sina Frankie at Miel, nandoon ang pagka-miss nila na makasama muli ang kanilang ate.

Aminado naman si KC na kulang siya ngayon sa time with her sisters.

"I really wish, yun nga, sa ngayon, kulang talaga ako sa time ngayon. I really admit, kulang ako sa time with my sisters. I need to balance yung time ko with Garrie, with Frankie and Miel, and Miguel, and baby Sam na rin who's the bunso. I really hope I'll find that balance kasi binibigay mong lahat, e," saad niya.

Sina Garrie at Sam ay kapatid ni KC sa amang si Gabby Concepcion; samantalang sina Frankie, Miel, at Sam ay kapatid niya sa inang si Sharon Cuneta.

"Right now, I have my priorities. and in my twenties, it's normal to have those priorities. But I really hope that one day maging balanse nang lahat talaga."

Dagdag pa ni KC, "At saka, sana may message sa akin si PJ!"

Ang tinutukoy ni KC ay si Piolo Pascual, ang kanyang boyfriend. Kaya nasabi ni KC ito ay dahil wala si Piolo sa mga nagbigay ng birthday greetings sa kanya sa VTR, pero naroon sina Christian Bautista, Sam Milby, Erik Santos, Bea Alonzo, Shayne Sarte, at Kris Aquino.

Tan ang kulay ni KC ngayon dahil sa pagsu-shooting nito ng movie sa Bukidnon with Sam Milby.

"Two weeks ago noong pumunta ako rito sa The Buzz. I flew in just for The Buzz, tapos I went back. Marami kaming ginawa do'n, like white water rafting. Kaya 'eto po, sunog talaga ang balat ko. Masakit mahiga sa higaang binigay!" natatawang kuwento ni KC, na hindi raw puwedeng i-reveal kung anong higaan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ ROYALTY. Boy Abunda asked KC's permission kung maaari ba siyang magtanong. Aniya, KC grew up in the business that she is in now. Nandoon pa rin ba ang pressure being the daughter of showbiz royalty—Sharon Cuneta and Gabby Concepcion—and be able to prove who she really is?

"The first three years, when I got back [from Paris], the first three years, at totoo po na ang taas po ng expectation. I was just a simple girl na student, na talagang gusto lang pumasok dito, not because you want to be popular or you want to, not anything else—you just really enjoy the work. Mahilig akong kumanta, sumayaw, ganoon...

"I didn't realize na ang laki, ang taas, ng expectation ng tao. So, nahirapan ako. Feeling ko, pinahirapan din ako ng mga tao na, 'Pahirapan natin 'yan. Tingnan natin kung ano ang magiging reaction niya.' Go!"

Pero nasa sinapupunan pa lang daw siya ng kanyang ina na si Sharon Cuneta ay parang inaabangan na siya.

Sabi ni KC, "Feeling ko, tinest ako ng mga tao to see how far I will go, and to see kung hanggang saan ko makakaya ang panlalait or yung criticism."

Muling binanggit ni Boy ang naging mensahe ni Kris kay KC sa VTR na nakikita raw nito ang hard work at effort ni KC sa kanyang chosen field.

"Salamat po... Siyempre, minsan nakakalimutan din ng mga tao na thirty-five years ahead sa akin ang parents ko, at nagagawa po nila akong i-compare sa kanila, when it's only my first three years in mainstream showbiz. I started ten years ago in theater, commercial."'

Dugtong pa niya, "Everytime, meron kang natutunan. Pero sabi ko nga, bahala na po kayo sa criticism. Basta, masarap pong magtrabaho."

BIRTHDAY PLAN. Ano ang plano niya on her actual birthday?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa po akong plans," sagot ni KC. "Kasi sa ngayon, ang priority ko po, yung movie namin under Star Cinema with Direk Cathy Garcia-Molina.

"And they're giving me my birthday free. So, yun lang ang pinaka-free day ko. So, bitin naman kung mag-beach kami."

Si Piolo ay kasalukuyang nasa tour at sa May pa ang uwi nito. Pero sabi ni Boy, life is full of surprises. Who knows, baka on KC's birthday ay mag-fly-in, fly-out ang aktor?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN